Monday, February 22, 2010

Call an End

Tinatamad na ako.

Wala na akong maikuwento na aakma sa titulo ng aking blogspot.

Wala na akong sexcapades na naisusulat... na mga bago.

Kahit sa panaginip, o pangarap, wala akong maisip na makakapag-igting ng sidhi ng pagnanasa.

Iilan lang ang tagsunod ko, yong iba, naagnas na yata ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Iyong iba naman, manaka-naka lang kung bumisita, at iyong iba nman, deadma lang.

Kaya nakakatamad na.

siguro, hindi nagugustuhan ng taga sunod o tagabasa ang aking blogspot.

Masyadong bang payak? O walang buhay ang bawat kwento na isinusulat ko.

O baka nman, wala akong maisulat ng kwento ng pakikipagniig dahil nakatali na ako.

Itinali ng isang makasarili...

Salamat sa lahat ng tumangkilik, nagbasa, nag komento sa bawat kwento ko, kahit, iisa o dalawa lang kayo.

Salamat sa naging followers ko kahit ilan sa inyo ay nawala rin sa sirkulasyon.

Salamat at naibahagi ko ang aking karanasan sa kahit anong aspeto ng buhay.

This will be a CALL to an END, but that doesnt mean I truly am leaving blogspot.com.

Baka sa ibang paraan, mabubuhay ulit ang aking malikhain sa pagsulat, mabubuhay ulit ang aking imahinasyon sa paggawa ng kwentong totoong nanyari sa aking buhay.

SaPilingNgLalaki.blogspot.com, I'm SIGNING OFF!

No comments:

Post a Comment