Showing posts with label Food and Beverages. Show all posts
Showing posts with label Food and Beverages. Show all posts

Thursday, September 24, 2009

My Baby Diego

At last, after 11 months lumabas narin ang baby namin ni Kabit.



September 22, 2009, iniluwal si baby Diego, saksi ang mga kaibigan kong tunay. sila ang kukunin kong ninong at ninang, hindi mayayaman, hindi rin matapobre.



Nanduroon din sa villa na marumi ang mga kasamahan ni Kabit sa trabaho, si Engr. Percy, si Alex, si Peter, at kung sino-sino pang mga lalaki. di ko sure kung katabi ni alex si Sandy sa pagtulog. Si Alex iyong nasa unahan.


Nabusog sila sa niluto kong spaghetti, buttered garlic crabs with hot chilis, caramelized shrimps, beef, potato and peanut pot. kaso nagkulang sila sa pulutan kasi expected kong visitors ay sampu lang pero sampu na pala ang dala ni kabit, pinagkasya nalang. bumili pala sila ng chicken at niluto nila para sa pulutan.

Sept. 22 also is our 11 monthsarry, if those who believe in it, pwedeng magcelebrate ng bonggang-bongga.

kasabay na iyon sa despededa ni kabit, birthday ko next month, kasama narin ang 1 year anniversarry namin, at isama narin ang bienvenida ni kabit. para isang gastusan lang diba? wais na celebrations.
Nagpalit narin ako ng name, Green Diego para sa anak kong si Diego.

Check it out.

Wednesday, August 19, 2009

Birit Bading

Birthday ni Will jowa ni Donna last monday.

Napagkasunduan na magcelebrate sa marumi at mabahong villa at invite ang lahat ng mababaho at maruruming badings at friendship... ayyyy mabaho at marumi ba talaga... sila?

Inihaw na isda at baboy ang pinagkaabalahan ni Will, si Donna pansit bam-e, ako naman, buttered shrimps with garlic and ginger.

Marami akong narinig na kapintasan sa niluto ko, kesyo daw sobrang anghang at parang ayaw raw magpakain, pero ang nangyari mas nauna pang naubos ang shrimps ko.

Hmmmp, if I know, namiss lang nila ang luto ko...

Newiez in the seven seas, unang dumating si Al T'boli me kasamang beauty queen, di nia kasama ang kanyang misis, nag-inarte daw... sabi lang nila.

Nasa loob kami ng kwarto with Art, nanonood ng something sa tv. sumungaw si Al at pinakilala si Dr. Nat, ang beauty queen niyang kasama, bago lang siya, 3 months lang, at take note isa siyang doctor pero ang work niya, purchasing marketing sales at kung anek-anek pa. doktora siya ng mga libro at pagtuturo, teacher pala siya, phd. MA, professional teacher, yan si Dr.nat.

Mabait, masayahin, walang kaarte-arte, unang pagkikita palang namin, magaan na ang loob ko, ganun naman ako e, di ako mapili sa friendship, kahit nga mataray na bading madali kong makagaanan ng loob, kasi mataray din ako. hahahahha...

Well, dumating pa ang ibang mga panauhin, after having dinner pumasok na sa kweba ang mga bading at bumirit ng mga kantang pambirit...

Naisip ko, dapat pala mag-organize ng singing contest ang mga filipino community dito sa siudad na bundok?

Pero ang mga sasali mga bading, kasi dito palang, puro bading na ang bumibirit... at dumarami ang populasyon ng bading dito sa siudad.

ang title ng pagtatagisan ng talento ng mga bading...Birit Bading... videoke ito!

Im sure maraming sasali dito.

Monday, August 3, 2009

Red Horse

Another day in Paradise... but doesnt feel a paradise here.

Its a hell, I may say, 40 degree celcius, heatwave, humidity is rising, air is like a breath of a dying person, airconditioning doesnt really give me comfort of coolness and chills.

Hayyyyyyy mainit sa mundo ng desyerto. Lalo pang nag-iinit ang ulo ko dahil sa mga nakikita kong hindi kaaya-aya sa paligid, mga naririnig na hindi maganda sa pandinig, at mga nabubuong haka-haka sa isip na talaga namang nakakapagpakulo ng aking red blood cells that flows thru all my veins.

Anyway, masakit ang ulo kanina, feeling dizzy, at nasusuka. Mukha ba akong buntis? naglilihi na? 9 months na kami pero di parin kami makabuo, bakit kaya? E kami nga ni baluga, 3 years hindi nakabuo kahit fetus na mukhang alligator.

Its not the reason for my uncomfortable feeling this morning. Naglasing po kami sa bahay. Hindi ko alam kung ilang tadyak ang ginawa ng pulang kabayo sa akin kaya ako nagkaganun.

Basta ang alam ko ang huling tadyak nya ay siyang nagpaigtad na aking sikmura, nagpatulog sa aking kawalan.

Gabi na dumating sina Donna at Tonette sa villa naming malinis, malaki at maganda, dahil of course friendly kami sa bahay, chit-chat muna kaming three, si Leon Guerrero, nanood lang ng Orbit, baka natulog narin kasi its past 11pm. At ang lalaking nagpatibok ng aking kepay at laging laman ng kwentuhan kahit sadako pa roon, natutulog narin.

Dumating rin si Diosa, ang tunay na diosa ng ras al khaimah...kwentuhan, tawanan, burautan, echusan, laitan, pero never kaming nanlait ng ibang tao na wala that time, hindi namin isinali ang ibang tao na wala that time, at hindi namin inisip na gawing pulutan ang ibang tao na wala that time, basta kami-kami lang, masaya ang ganung buhay.

Pano di sasaya, maraming kapintasan ang bawat isa sa amin. Si Tonette, half-filipino, half-chinese, half-moon, at parang half-blood prince ang dating, lahat half. Lagi kong sinasabi sa kanya, "Tonette wag ka ng maglagay ng chinchansu, di uso dito yan, kelangan natural beauty ang lalabas sa atin."

Si Diosa, parang si sharon cuneta raw, malaman, matambok, at mahangin.

Ako? mas maraming kapintasan, alam ng nakakarami yan.

Si donna, siya ang tinaguriang Tambunting Pawnshop, lending institute, rtw, at atm machine.

di ko alam kung bakit RH lang ininom namin at di karamihan,e nabangenge ako ng bonggang-bongga.

Naalala ko pa, nagluto si tonette ng sunny side up, at si diosa lang daw ang umubos. at si habibi ko, taga flash ng inodoro dahil suka ako ng suka.



Wednesday, July 29, 2009

Party sa Bahay

July 26, 2009, the first ever celebration held in our villa for remembering 2nd year anniversary of life and sex between donna & will, correction for the previous blogs stated as 4 years, as calculated again, its only 2 years of happily ever after.

It is a night that gathers all the glamourous and famous, beauty & beasts, laughter & music.

It is a night with liquor, beer and wines, foods and appetizers.

It's raining men..

Sunday, July 5, 2009

paglisan

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang nakatingin ako kay Art na abala sa paglalagay ng packaging tape ng isang extra jumbo box ng dagupan express. Nararamdaman ko na parang may kuryenteng bumabalot sa buo kong katawan at tuloy-tuloy na dumaloy patungo sa bawat ugat ng aking mga mata, nagbabadyang lumuha.

Napatingin sa akin si Art kaya dali-dali kong kinurap-kurap ang aking mga mata para hindi matuloy ang pag-agos ng likidong nagsisimbulo ng isang emosyon. Emosyon ng kasiyahan? Or emosyon ng kalungkutan?

I’ve been less energetic nowadays. Is it because I have this emotion characterized by feeling of being alone? Or a state of mind or feelings of happiness that soon I’ll be free once again?

I remembered 8 months ago, I have proposed onto my self, that if someone will come into my life and eager to accept me and like me, (if he can love me too)of course after the love-romance with Sam, I’ll take him into my heart, care for him and love him too, more than I can give.

And then Art came into my life. I can’t describe how I felt that time when I met him, it’s against all odds, as all of my friends, best and closest, oppose my decision to have Art in my life.

Whatever negative thoughts I have heard from them, determinations to feel the love and cares of others whom I’m loved, I’d fight for the right to be pampered by someone, once again, and by this time, Pinoy.

“Hirap naman gumawa ng blogs na puro English, di ko alam gamitin ang past tense, past participle, present tense and present participle. “

Ganito nalang, tagalugin lahat…

Naging masaya rin ako sa piling ni Art. Nang sinabi ko sa kanyang magsama kami, di siya nagdalawang isip. Dahil sa ako ang nag-alok sa kanya, siyempre, gastos ko lahat, huwag nyo ng isa-isahin kung anu-ano ang mga gastusan sa bahay. Basta kung magkano ang gastos ko sa loob ng isang buwan, ganun din sa kanya. Ibig sabihin, doble ang gastos ko kada-buwan maliban pa na paminsan-minsang binibigyan ko siya ng pamasahe.


For first three months of togetherness, naramdaman ko ang saya ng isang may minamahal, nandung manood kami ng sine, kumain sa chili’s magshopping sa mall of emirates, magkasama sa Fujairah beach, at gabi-gabi ang pulot-gata.

Ako lang naman ang napabalitaang bading na may kalive-in sa lugar namin, dahil narin sa walang sawang kabo-broadcast ni “M” sa lahat ng pinoy na nakikilala niya.

Naramdaman ko lang ang paghihirap ng kalooban ko ng bigla siyang naging seloso, bawal na akong umalis ng di siya kasama, kelangan kong magpaalam sa kanya kung saan ako pupunta, kelangang kasama siya lagi kapag meron akong lakad o me mga pagsasalu-salo ang mga bading, tinatawagan niya ang kung sino mang number na nakarehistro sa mobile ko na hindi naka store.

Laging chini-chek ang inbox at outbox ng mobile ko, call history at ilang beses narin akong nahuli na may ka-text na lalaki. Bawal na akong makipagkuwentuhan sa mga lalaki dahil iniisip niya na mga lalaki ko sila dati,

Di nalang ako umiimik. Minsan nga,galing ako ng simbahan, Sunday noon, kasama ko si M. pagkatapos ng trabaho ko sinabi ko sa kanya na magsisimba ako ng 7:00.

Inilagay ko muna sa silent mode ang mobile ko para hindi disturbo sa mesa. Pagkatapos ng mesa saka ko palang ibinalik sa “general” at doon ko nakita na nakailang miscall narin siya at text.

“Gha, nasan ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan.” Text niya sakin.

Tinawagan ko siya.

“katatapos lang ng simba, dadaan muna ko sa saloon,” sabi ko sa kanya.

“dadaanan pa ba kita jan?” aniya, 8:00 kasi ang uwian nila.

“wag na, saglit lang nmn ako, dumeretso ka na bahay, iniwan ko nmn ang susi sa lagayan.”

Habang naglalakad papuntang saloon ni Donna, tumawag si Art. Sinagot ko nmn, dati ang ringtone niya sa kin ay “Starry starry night, paint your palette blue and gray.”

Pero pinalitan ko ng “Alipin” dahil sa mungkahi narin ng kaibigan ko na hindi raw maganda ang kantang iyon.

“Gha, nasan ka naba?”

“kararating ko lang dito sa saloon, dadaan ako ng choitram, para makabili ng mga gulay.”

Dahil napasarap ang kuwentuhan di ko namalayan na tatlong minuto na pala ang nakalipas. Biglang tumunog ulit ang mobile ko.

“Starry starry night, paint your palette blue and gray.”

“Hello, paalis na ako dito sa saloon.” Sagot ko.

“kala ko ba kanina ka pa umalis at dadaan ka pa ng Choitram? Nandito na ako sa bahay.” Halatang yamot na yamot si Art.

“Sandali lang, mag-antay ka jan, uuwi naman ako.” Nayayamot ko ring sagot sa kanya.

Sa madaling salita, nakarating na ako ng choitram at nakabili narin ng mga gulay, nasa taxi na ako ng biglang tumunog ulit ang mobile ko.

Pasigaw akong sumagot,”Ano ba, hindi na nakakatuwa iyang ginagawa mo, pauwi na ako.”

“Bahala ka nga.” Tanging nasambit niya at pinatay ang phone niya.

Matagal din ang usad ng taxi dahil sa sobrang traffic. Biglang tumunog ulit ang mobile ko pero sa pagkakataong ito, hindi na iyong ringtone ni Art kundi, ringtone ng message na pumasok.

“Bahala ka nga, tinatanong ko lang kung nasan kana, dahil kanina kapa nagsasabing pauwi ka na, mahigit isang oras na ang lumipas pero wala ka parin. Simula ngayon , di na kita tatawagan, at alam ko na rin kung san ko ilulugar ang sarili ko.” Message ni Art sakin.

Parang uminit ang buo kong mukha at nagpanting ang tenga ko sa tinuran niya. Kahit nanginginig ako sa galit, tinext ko siya ng ganito:

“Gha alam mo namang galing ako ng simba, dumaan na rin ako sa choitram dahil iniisip ko kung ano ang kakainin niyo at babaunin niyo kinabukasan, kung hindi mo iniisip ang “putang-inang” kakain niyo, ako iniisip ko ‘yon araw-araw!”

Sa isip ko, kung kaharap ko lang si Art, para bang sinisigawan ko siya sa mukha at ihahampas ko sa kanya ang mga pinamili kong gulay. Pero hindi, nasa taxi ako at nasa bahay siya.

Nalaman ko nlang na me sayad na pala ang mokong dahil kalahati na ng napoleon ang nauubos niya, ng dumating na ako sa bahay, me mga bisita kaya pinigilan ko ang emosyong magwala. Di ko siya pinapansin, nilagay ko lang lahat ng mga pinamili ko sa fridge at di ko na inisip na magluto ng ulam,

“magluto kayo kung gusto niyong magluto” sa isip ko.

ITUTUOY MUNA… pagod na ako…



Saturday, July 4, 2009

kantahan

Balak naming magsimba ng first friday of the month, it was announced last friday of last month that Fr. Zacky will be leaving in UAE dynasty and will be assigned in Kingdom of Bahrain.



Mass for filipino communities done now in every first and last fridays of the month, it starts 12:00 PM. Everybody likes Fr. Zacky just the way he delivers his messages after reading of gospel of the Lord.



Marami talagang napapatawa, natutuwa, binabase niya lahat ng sermons niya on actual events about what he hears, sees, and interacted.



Pero ang nangyari dahil dito...(sabay pause at mega click ng add image)
sa mga alak na ito, nagising kami ni Art ng 11:55 am ng friday morning, kaya di na ako nakadalo ng huling mass ni father Zacky. Pagdating ni Donna galing ng simba...

"Manding, ba't di mo ako ginising para makapagsimba?" tanong-sisi ko sa kanya.

"Mga tulog pa man mo, manding, kabalo man ko nga hubog mo gabii," paliwanag niya.

"Sinonn bakla ang nandun?" tanong ko ulit.

"wala. ako lang ang nag-iisang reyna dun."

"di ba nagsimba si M, si Ugat Luna, at ang dalawang magjowang Al & El?" tanong ko ulit.

"wala ang mga bayot, si M, 24 hours ang duty, si Ugat Luna, hindi nagparamdam, si El lang ang nakita ko dun, wala si Al, baka war ang mag-asawa, alam mo nmn ung tito mong tiburcio." pahayag ni donna.

nasa kusina kami ni donna habang nagkukwentuhan ng biglang tumunog ang Nokia touch screen kong cellphone, "Right na...na...na..." (ring tone ko) "Ms. Iligan..". sabi ng mobile ko..."Ms. Iligan... ulit ng lalaking nakaprogram sa mobile ko kapag may tumatawag sakin at binabanggit kong sino ang tumatawag.

"O, bakit?" sagot ko sa phone...

"....,...... ..... ................. ................." sabi ng nasa kabilang linya.

"o sige, bahala kayo." sagot ko sa kabilang linya.

".....,,,,......,,,," patuloy ng nasa kabilang linya na si Ms. Iligan.

"oo nga, pumunta kayo..." padabog kong sagot. sabay, "ok, bye."

"sino yon gha?!" tanong ni Art na nakahiga parin sa kama.

"sina Ms. Iligan at si Egu, pupunta daw dito, videoke daw at maliligo sa beach around 6:pm" pahayag ko.

"sasama kaba?" patay-malisyang tanong ni Art.

"Natural, tayo nga ang maliligo." may pagkayamot kong sagot.

Sa madaling salita, dumating na ang panauhin, at gising narin si Art at Leon. nakapagluto narin ako ng sinigang ng hipon, at meron akong inihandang "kuyog" maliliit na isda na parang ginawang bagoong, hindi siya "ginamos" ng mga bisaya dahil buong-buo pa ang mga maliliit na isda, di tulad ng ginamos na halos sabaw nlang.

pagkatapos namin kumain, pinatugtog ko na ang Mediacom at nagsimula na kaming magkantahan, unang kumanta si Leon, inaalay sa akin, para daw sa nalalapit kong pagbabago...

ang title ng awitin niya...Celebrate, Jesus, celebrate.. naisipan kong kunan sila ng video,



si leon (nakahubad) kasi ang tipong di naniniwala na may diyos, mahilig sa rally, at galit na galit sa gobyerno lalo na kay gloria.

si EGU (with blue shawl) ang bagong salta sa lugar namin, galing ng Oman, nag exit at hanggang ngayon naghahanap parin ng trabaho.

(antagal palang magprocess ng video, huh!)

at ito pa ang matindi, nagmistulang MG (Miss Gay) ang room ko dahil nag ala-candidates sina donna at Egu. kung ano-ano nlang ang nadampot at ginawang accessories sa katawan.

napakasaya talaga pag mga bading ang mga kasama mo...



habang kumakanta ako ng "go the distance" ni michael bolton, lumalabas na pinaghalong national costumes at evening gown ang competition.

enjoy watching...

Thursday, July 2, 2009

Sa Bahay Lang

maaga akong umuwi kasama ko si Ms. Iligan para ayusin namin ang mga gamit sa bahay, at para maayos narin niya ang room na lilipatan niya. 2 hours din kaming naghilahan, nagtulakan at nagbubuhat ng mga anik-anik, at ito ang kwarto ko after room make-over...



magulo paring tignan, nagkalat lang pinagbihisan ko.



pagkatapos naming magligpit, dumating nmn si ART, pasado alas sais ng gabi, pero dito ME tirik parin ang araw hanggang 7pm. naisipan naming kumain pero walang ulam, buti nalang me natira pang beef na niluto ko kagabi, sinangag ni Ms Iligan ang kaning bahaw at ininit ang ulam.



kwentuhan kami ng kung ano-ano hanggang sa dumating na rin si Leon pero nagmamadali ring umalis kinuha lang ang perang hiniram niya sa akin, (sila kasi pag nanghiram sa akin ng pera, akala mo me mga patago, ura-urada kelangan nanjan kagad, mga pasaway at pasakit sa buhay ko).



nang umalis narin sina Ms Iligan at Leon, naisipan kong maglaro ng bookworm, di pa nga ako nakakapangalahati, nangungulit sakin si Art na bumili daw kami ng alak sa power house.



Di ako kumikibo, basta naglalaro lang ako, pero hindi ako tinantanan hanggang sa napa- oo na ako.



nagsuot lang ako ng pants at white t-shirts then go na kmi.



nong nandun na kami sa power house, kala mo bibili ng pang sari-sari store si mokong, parang lahat na yata ng alak gustong tikman, base narin sa sinabi niyang ung bilhin daw namin ang di pa namin natitikman.



napairap ako at tinaasan ko ng kilay ang mokong.



"ano ka, yong dating binibili nlang natin, masarap yon, di nakakalasing, kunin mo isang kahon para sa loob ng isang buwan." sambit ko.



"bili tayo nitong strongbow mukhang masarap." sabi ni Art.



"Mukha nga, mahal e, beer lang kamahal ng presyo." pagsang-ayon ko.



nabili narin namin ang gusto naming mga alak at ito ang mga iyon:

isang sosyal na may flavor an coffee cream, parang baileys din, 2 red wine, 2 strongbows beer na talaga nmng masarap, humahagod sa lalamunan, at isang kahon (24 pcs) na windhock beers.

gabi-gabi kaming ang tatagay ni Art kahit padaladalawa ng beer habang nanonood ng dvd movie, yong kasama kong si Leon, nuknukan ng arti. sagad ang buto ang kaartihan, di umiinom, kapag me bisitang lalaki nmn, pabirhing ewan na gusto pipilitin pa.

ay ewan sa taong ganun, paayaw-ayaw pero gusto nmn.

Sheik and the Camelyo

Nagulat ako sa pagbaba ko para maglunch sa buffet. me nakahandang malaking pagkain sa gitna at nandun din si Sheik Faisal, ang CEO at isa sa mga may ari ng Free Zone. Iilan pa lang ang tao, at sa pagkamangha ko kung anong pagkain iyong nakahain, kinunan ko muna ng pictures kasama si Sheik.





tinanong ko ang waiter kung anong pagkain un at kung anong okasyon meron, isa raw itong baby camel with beryani rice. ito ang pagkain ng mga sheiks at royal family ng middle east particulary UAE, kapag merong special occasions, gatherings, kasal, etc.


at malalasap mo lang ang tunay na sarap ng isang baby camel kung nakakamay kang kumain, by this time, di pwede kasi nasa office day at maraming darating na mga panauhin.
nalaman ko rin na isang selebrasyon ito para sa mga freezone staffs (lang! di kami kasama, investors lang kami) dahil sa bagong titulo nila na "the new emerging free zone in UAE".

pero dinig ko sa kasama ko sa table, "we dont need any recognition, we will appreciate, but we are interested on increments." pahayag niya, aanhin nga nmn niya ang new emerging free zone kung di nmn sapat ang kinikita or kulang ang pasweldo nila di tulad sa mga nakaouti at itim na nakaupo lang, at walang alam at wlang ideas kung ano ang trabaho nila, pero tiba-tiba nmn ang sahod, kawawa parin ang mga expatriates.

bawal daw kumuha ang hindi staff ng freezone, kaya, i asked bert to get some for me so i can taste the baby camel, malinamnam, matabang nga lang, pano kaya nila niluto un ng buong-buo?

maya-maya lang nagsidatingan na ang mga staff ng FTZ para kumain, at halos mapuno ang buong area dahil sa mga PG(patay gutom) na mga staffs. me picture taking with sheik, pinikchuran pa nga ang table namin, e hindi nmn kami kasali sa lamunan nila, nakihingi lang kmi...

Halos sumambulat ang tiyan ko at parang mapapatid ang butones ng polo ko dahil sa sobrang kabusugan at sa dami ng nakain ko.

sa panahon ngayon, di na kelangang tanggihan ang grasya na pinamimigay na. kaya ang tanong ko, kaya ko bang magpaliit ng tiyan? kaya ba ng gym yan? or kelangan ko ng ng tamang disiplina sa pagkain...