Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang nakatingin ako kay Art na abala sa paglalagay ng packaging tape ng isang extra jumbo box ng dagupan express. Nararamdaman ko na parang may kuryenteng bumabalot sa buo kong katawan at tuloy-tuloy na dumaloy patungo sa bawat ugat ng aking mga mata, nagbabadyang lumuha.
Napatingin sa akin si Art kaya dali-dali kong kinurap-kurap ang aking mga mata para hindi matuloy ang pag-agos ng likidong nagsisimbulo ng isang emosyon. Emosyon ng kasiyahan? Or emosyon ng kalungkutan?
I’ve been less energetic nowadays. Is it because I have this emotion characterized by feeling of being alone? Or a state of mind or feelings of happiness that soon I’ll be free once again?
I remembered 8 months ago, I have proposed onto my self, that if someone will come into my life and eager to accept me and like me, (if he can love me too)of course after the love-romance with Sam, I’ll take him into my heart, care for him and love him too, more than I can give.
And then Art came into my life. I can’t describe how I felt that time when I met him, it’s against all odds, as all of my friends, best and closest, oppose my decision to have Art in my life.
Whatever negative thoughts I have heard from them, determinations to feel the love and cares of others whom I’m loved, I’d fight for the right to be pampered by someone, once again, and by this time, Pinoy.
“Hirap naman gumawa ng blogs na puro English, di ko alam gamitin ang past tense, past participle, present tense and present participle. “
Ganito nalang, tagalugin lahat…
Naging masaya rin ako sa piling ni Art. Nang sinabi ko sa kanyang magsama kami, di siya nagdalawang isip. Dahil sa ako ang nag-alok sa kanya, siyempre, gastos ko lahat, huwag nyo ng isa-isahin kung anu-ano ang mga gastusan sa bahay. Basta kung magkano ang gastos ko sa loob ng isang buwan, ganun din sa kanya. Ibig sabihin, doble ang gastos ko kada-buwan maliban pa na paminsan-minsang binibigyan ko siya ng pamasahe.
For first three months of togetherness, naramdaman ko ang saya ng isang may minamahal, nandung manood kami ng sine, kumain sa chili’s magshopping sa mall of emirates, magkasama sa Fujairah beach, at gabi-gabi ang pulot-gata.
Ako lang naman ang napabalitaang bading na may kalive-in sa lugar namin, dahil narin sa walang sawang kabo-broadcast ni “M” sa lahat ng pinoy na nakikilala niya.
Naramdaman ko lang ang paghihirap ng kalooban ko ng bigla siyang naging seloso, bawal na akong umalis ng di siya kasama, kelangan kong magpaalam sa kanya kung saan ako pupunta, kelangang kasama siya lagi kapag meron akong lakad o me mga pagsasalu-salo ang mga bading, tinatawagan niya ang kung sino mang number na nakarehistro sa mobile ko na hindi naka store.
Laging chini-chek ang inbox at outbox ng mobile ko, call history at ilang beses narin akong nahuli na may ka-text na lalaki. Bawal na akong makipagkuwentuhan sa mga lalaki dahil iniisip niya na mga lalaki ko sila dati,
Di nalang ako umiimik. Minsan nga,galing ako ng simbahan, Sunday noon, kasama ko si M. pagkatapos ng trabaho ko sinabi ko sa kanya na magsisimba ako ng 7:00.
Inilagay ko muna sa silent mode ang mobile ko para hindi disturbo sa mesa. Pagkatapos ng mesa saka ko palang ibinalik sa “general” at doon ko nakita na nakailang miscall narin siya at text.
“Gha, nasan ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan.” Text niya sakin.
Tinawagan ko siya.
“katatapos lang ng simba, dadaan muna ko sa saloon,” sabi ko sa kanya.
“dadaanan pa ba kita jan?” aniya, 8:00 kasi ang uwian nila.
“wag na, saglit lang nmn ako, dumeretso ka na bahay, iniwan ko nmn ang susi sa lagayan.”
Habang naglalakad papuntang saloon ni Donna, tumawag si Art. Sinagot ko nmn, dati ang ringtone niya sa kin ay “Starry starry night, paint your palette blue and gray.”
Pero pinalitan ko ng “Alipin” dahil sa mungkahi narin ng kaibigan ko na hindi raw maganda ang kantang iyon.
“Gha, nasan ka naba?”
“kararating ko lang dito sa saloon, dadaan ako ng choitram, para makabili ng mga gulay.”
Dahil napasarap ang kuwentuhan di ko namalayan na tatlong minuto na pala ang nakalipas. Biglang tumunog ulit ang mobile ko.
“Starry starry night, paint your palette blue and gray.”
“Hello, paalis na ako dito sa saloon.” Sagot ko.
“kala ko ba kanina ka pa umalis at dadaan ka pa ng Choitram? Nandito na ako sa bahay.” Halatang yamot na yamot si Art.
“Sandali lang, mag-antay ka jan, uuwi naman ako.” Nayayamot ko ring sagot sa kanya.
Sa madaling salita, nakarating na ako ng choitram at nakabili narin ng mga gulay, nasa taxi na ako ng biglang tumunog ulit ang mobile ko.
Pasigaw akong sumagot,”Ano ba, hindi na nakakatuwa iyang ginagawa mo, pauwi na ako.”
“Bahala ka nga.” Tanging nasambit niya at pinatay ang phone niya.
Matagal din ang usad ng taxi dahil sa sobrang traffic. Biglang tumunog ulit ang mobile ko pero sa pagkakataong ito, hindi na iyong ringtone ni Art kundi, ringtone ng message na pumasok.
“Bahala ka nga, tinatanong ko lang kung nasan kana, dahil kanina kapa nagsasabing pauwi ka na, mahigit isang oras na ang lumipas pero wala ka parin. Simula ngayon , di na kita tatawagan, at alam ko na rin kung san ko ilulugar ang sarili ko.” Message ni Art sakin.
Parang uminit ang buo kong mukha at nagpanting ang tenga ko sa tinuran niya. Kahit nanginginig ako sa galit, tinext ko siya ng ganito:
“Gha alam mo namang galing ako ng simba, dumaan na rin ako sa choitram dahil iniisip ko kung ano ang kakainin niyo at babaunin niyo kinabukasan, kung hindi mo iniisip ang “putang-inang” kakain niyo, ako iniisip ko ‘yon araw-araw!”
Sa isip ko, kung kaharap ko lang si Art, para bang sinisigawan ko siya sa mukha at ihahampas ko sa kanya ang mga pinamili kong gulay. Pero hindi, nasa taxi ako at nasa bahay siya.
Nalaman ko nlang na me sayad na pala ang mokong dahil kalahati na ng napoleon ang nauubos niya, ng dumating na ako sa bahay, me mga bisita kaya pinigilan ko ang emosyong magwala. Di ko siya pinapansin, nilagay ko lang lahat ng mga pinamili ko sa fridge at di ko na inisip na magluto ng ulam,
“magluto kayo kung gusto niyong magluto” sa isip ko.
ITUTUOY MUNA… pagod na ako…
Sunday, July 5, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment