Saturday, July 4, 2009

kantahan

Balak naming magsimba ng first friday of the month, it was announced last friday of last month that Fr. Zacky will be leaving in UAE dynasty and will be assigned in Kingdom of Bahrain.



Mass for filipino communities done now in every first and last fridays of the month, it starts 12:00 PM. Everybody likes Fr. Zacky just the way he delivers his messages after reading of gospel of the Lord.



Marami talagang napapatawa, natutuwa, binabase niya lahat ng sermons niya on actual events about what he hears, sees, and interacted.



Pero ang nangyari dahil dito...(sabay pause at mega click ng add image)
sa mga alak na ito, nagising kami ni Art ng 11:55 am ng friday morning, kaya di na ako nakadalo ng huling mass ni father Zacky. Pagdating ni Donna galing ng simba...

"Manding, ba't di mo ako ginising para makapagsimba?" tanong-sisi ko sa kanya.

"Mga tulog pa man mo, manding, kabalo man ko nga hubog mo gabii," paliwanag niya.

"Sinonn bakla ang nandun?" tanong ko ulit.

"wala. ako lang ang nag-iisang reyna dun."

"di ba nagsimba si M, si Ugat Luna, at ang dalawang magjowang Al & El?" tanong ko ulit.

"wala ang mga bayot, si M, 24 hours ang duty, si Ugat Luna, hindi nagparamdam, si El lang ang nakita ko dun, wala si Al, baka war ang mag-asawa, alam mo nmn ung tito mong tiburcio." pahayag ni donna.

nasa kusina kami ni donna habang nagkukwentuhan ng biglang tumunog ang Nokia touch screen kong cellphone, "Right na...na...na..." (ring tone ko) "Ms. Iligan..". sabi ng mobile ko..."Ms. Iligan... ulit ng lalaking nakaprogram sa mobile ko kapag may tumatawag sakin at binabanggit kong sino ang tumatawag.

"O, bakit?" sagot ko sa phone...

"....,...... ..... ................. ................." sabi ng nasa kabilang linya.

"o sige, bahala kayo." sagot ko sa kabilang linya.

".....,,,,......,,,," patuloy ng nasa kabilang linya na si Ms. Iligan.

"oo nga, pumunta kayo..." padabog kong sagot. sabay, "ok, bye."

"sino yon gha?!" tanong ni Art na nakahiga parin sa kama.

"sina Ms. Iligan at si Egu, pupunta daw dito, videoke daw at maliligo sa beach around 6:pm" pahayag ko.

"sasama kaba?" patay-malisyang tanong ni Art.

"Natural, tayo nga ang maliligo." may pagkayamot kong sagot.

Sa madaling salita, dumating na ang panauhin, at gising narin si Art at Leon. nakapagluto narin ako ng sinigang ng hipon, at meron akong inihandang "kuyog" maliliit na isda na parang ginawang bagoong, hindi siya "ginamos" ng mga bisaya dahil buong-buo pa ang mga maliliit na isda, di tulad ng ginamos na halos sabaw nlang.

pagkatapos namin kumain, pinatugtog ko na ang Mediacom at nagsimula na kaming magkantahan, unang kumanta si Leon, inaalay sa akin, para daw sa nalalapit kong pagbabago...

ang title ng awitin niya...Celebrate, Jesus, celebrate.. naisipan kong kunan sila ng video,



si leon (nakahubad) kasi ang tipong di naniniwala na may diyos, mahilig sa rally, at galit na galit sa gobyerno lalo na kay gloria.

si EGU (with blue shawl) ang bagong salta sa lugar namin, galing ng Oman, nag exit at hanggang ngayon naghahanap parin ng trabaho.

(antagal palang magprocess ng video, huh!)

at ito pa ang matindi, nagmistulang MG (Miss Gay) ang room ko dahil nag ala-candidates sina donna at Egu. kung ano-ano nlang ang nadampot at ginawang accessories sa katawan.

napakasaya talaga pag mga bading ang mga kasama mo...



habang kumakanta ako ng "go the distance" ni michael bolton, lumalabas na pinaghalong national costumes at evening gown ang competition.

enjoy watching...

No comments:

Post a Comment