Showing posts with label Lifestyle. Show all posts
Showing posts with label Lifestyle. Show all posts

Thursday, September 24, 2009

Goodbye

And now, the end is near, and so i face the final curtains.”

Our company has been established since Nov. 2006 and will be on its 3rd year this Nov. 2009.
Amongst personnel and staffs, only I will stay in the office. Soon, our secretary will say goodbye to us.

“My term does not end until next year.” the famous statement of Mrs. Gloria Macapagal Arroyo on her last SONA.

Parang ako rin, my term does not end until next year… kasi hangga’t meron kaming utang at pautang, hindi pwedeng i-give up ang company. And i survived among the fittest… ako kasi ang namamahala sa accounts. Hindi naman pwedeng ang secretary ang maiwan dahil mas mababa ang sahod niya sa akin, dahil sa hindi niya alam ang trabaho ko. Yon nga lang, more paper works for me, telephone operator, follow up calls for utang and bayad, and lesser time for internet… huhuhuhu

Nakakalungkot isipin na ako nalang mag-isa sa office kong crystal clear. after office works, maghapong magbo-blogs, chat, manood ng mga hubad na katawan (some site not blocked by Etisalat).

This is the time, I have to change my life style, (wala nga akong lifestyel eh). Save and budget. bayaran ang mga existing utang (hayyyyy wala na akong kawala sa utang). Malaki nga ang sahod lumaki nmn ang utang.

Ayoko ng magtrabaho, nakakapagod, nakakatulero, nakakadepress, nakaka-stress. I just wonder to myself, how come others can easily affected with illness and sickness when they feel stress and depress? but how come, I myself, always feels in depression and stress all over the day, hindi ako nagkakasakit? Baka nga siguro ang tunay na DARNA ay hindi lumilipad, at hindi nadadapuan ng sakit.

My Baby Diego

At last, after 11 months lumabas narin ang baby namin ni Kabit.



September 22, 2009, iniluwal si baby Diego, saksi ang mga kaibigan kong tunay. sila ang kukunin kong ninong at ninang, hindi mayayaman, hindi rin matapobre.



Nanduroon din sa villa na marumi ang mga kasamahan ni Kabit sa trabaho, si Engr. Percy, si Alex, si Peter, at kung sino-sino pang mga lalaki. di ko sure kung katabi ni alex si Sandy sa pagtulog. Si Alex iyong nasa unahan.


Nabusog sila sa niluto kong spaghetti, buttered garlic crabs with hot chilis, caramelized shrimps, beef, potato and peanut pot. kaso nagkulang sila sa pulutan kasi expected kong visitors ay sampu lang pero sampu na pala ang dala ni kabit, pinagkasya nalang. bumili pala sila ng chicken at niluto nila para sa pulutan.

Sept. 22 also is our 11 monthsarry, if those who believe in it, pwedeng magcelebrate ng bonggang-bongga.

kasabay na iyon sa despededa ni kabit, birthday ko next month, kasama narin ang 1 year anniversarry namin, at isama narin ang bienvenida ni kabit. para isang gastusan lang diba? wais na celebrations.
Nagpalit narin ako ng name, Green Diego para sa anak kong si Diego.

Check it out.

Monday, September 21, 2009

Welcome Back

Whew!!! Its been a long period of revolutionary time, i wasnt exist... in blogs... nowadays...

Busy lang po at tinatamad.

At ngayon, local leave for 1 month, mas lalong walang update sa blogs.

No internet connection in my villa na marumi.

But i just want to make sure to myself, gusto kong mag adventure next month.

Im free, im very very big free...

Metro train sa dubai is now operational, gusto kong ma-experience.

At hinahanda ko na ang sarili ko sa mga sexcapades na mangyayari sa akin...

This will be a great adventures, a sex in the city.

Wednesday, July 29, 2009

Party sa Bahay

July 26, 2009, the first ever celebration held in our villa for remembering 2nd year anniversary of life and sex between donna & will, correction for the previous blogs stated as 4 years, as calculated again, its only 2 years of happily ever after.

It is a night that gathers all the glamourous and famous, beauty & beasts, laughter & music.

It is a night with liquor, beer and wines, foods and appetizers.

It's raining men..

Wednesday, July 8, 2009

b-day ni Agay

“Bday ni agay 2day diner sa bhay. Ur ol nvited..c u!” binasa ko ang text na nagmula sa kung kanino, dahil hindi nakaregister ung number sa fone.

“sinong agay?” tanong ko sa sarili ko. “at kanino ba tong number?” tanong ko ulit sa sarili.

Hinanap ko sa isa kong fone kung kaninong number un. Pindot hanggang makarating sa search ng contact numbers.

Unang lumabas, “Al Taxi Hamra.” Pindot ko ulit, ayon si al pala at si agay iyong isa pang t’boli…

“What tym? Anong costume?” sagot ko sa text ni Al.

“8pm, pwede na ang long gown.” Balik text ni al.

“Ok thanks, after gym dretso na kami ni vince. Swimsuit attire ko ok lang?” text ko ulit.

Ok lang daw kahit anong costume, ang importante nandun ang barkada. Bihira lang sa mundo na ang mga bading at tomboy magtropa, barkada sa inuman, gimikan at landian.

Pagkatapos naming mag gym ni vince dumaan kami sa saloon dahil susunduin kami ni Al, bibili raw ng alak dahil hindi siya pwedeng pumasok dahil nakauniforme.

Pagdating namin sa bahay nila, umuusok ang buong paligid, di ko alam kung props ba un na parang heaven ang dating? Nag-iihaw pala si kuya George at agay ng baboy.

“happy b-day, dude.” Bati ko kay agay.

“salamat, pasok na kayo at kumain.”

“o nasan ang mga bakla? Akala ko ba nandito na?”

“may pasok si Inah, tinawagan ko si Luna, nakahiga na raw siya, baka humabol.”

“ah ok!” sambit ko nalang.

“Bakit, hindi ka ba tinawagan ni Inah?” tanong ni agay.

“ah hindi, ilang araw naring hindi nagpaparamdam, ang alam ko busy sila ni Luna for hanging out, shopping, and modeling.” Biro ko kay agay habang nakangiti sa kanya.

“bakit nmn kasi biglaan to, dapat maaga palang pinagsabihan mo na kami para nakapagluto ng maaga. Tsaka, dapat lahat nandito.”

“e si al ang me pakana nito, nakahiga na nga ako kanina, e naisip na maghanda.” Paliwanag niya.

Nagsimula ang tagayan sa kwentuhan, huli ng dumating si Donna kasama niya ang isa pang Diosa, sobrang init, para akong mawawalan ng ulirat sa sobrang init ng panahon, o baka sa loob lang ng bahay nila.

Kwentuhan tungkol sa pagkakaibigan… pagkakaibigang tunay, pagkakaibigang plastic, pagkakaibigang laging nanjan, pagkakaibigang kelangan kita ngayon, at marami pang klase ng pagkakaibigan na napagkwentuhan hanggang sa makarating sa relihiyon.

Gaya ng dati, nagyaya na namang umuwi si Vincent, pasado alas-dose na kasi at me tama na siya, ng dumako ang kwentuhan sa relihiyon, naging seryoso si Vincent, naging alerto, pero kulit pa rin ng kulit na umuwi na kami, at bigla ring nag black-out, hudyat narin siguro iyon para umuwi na kami.






Tuesday, July 7, 2009

paalam na, Edwin...

Sa bawat pagkakataon na merong aalis sa kompanyang pinapasukan ko, nagkakaroon kami ng dinner party, ilang beses kaming nag get together sa Lighthouse bar sa Hilton beach resort, sa golf tower links, Hilton Hotel, cove rotana, at ang huli nitong June 25 lang sa Le Meridien Dubai, at sa pagkakataong ito ang big boss naming si Edwin ang aalis.

Nakakalungkot dahil unti-unting kaming nababawasan, ngayon, dalawa nlang kami ng secretary ang maiiwan. Pero patuloy parin kaming magkakaroon ng communication ni Edwin, siya ang primary assignatory ng branch.

Ang bago niyang assignment? Sa Nigeria. He asked me if I want to join him in Nigeria. But I said, No, Thanks, I love my office. (next time ipi-feature ko ang office workplace ko)

Dalawa nlang kami ni Chantelle, pero sa pamumuno parin ng mga big bosses namin na nasa Qatar. Para sakin, literal na big boss kasi talaga namang malalaki sila.

Dahil sa allowed kaming magdala ng isang partner, siyam na bilang kaming pumunta sa dubai, kaya umarkila kami ng van, sa kagustuhan narin ni Edwin na sabay-sabay kaming pumunta.


In short nakarating na kami sa Le Meridien, Dubai. Sukhothai Restaurant, gusto kasi nila ng thai food.

Habang abala ang karamihan sa menu list, kinunan ko muna sila ng pictures, kasunod ang mga pagkaing inihain sa amin na talaga namang hindi mo aayawan.







Si Ms. Iligan ang isanama ko sa party, siya yong naka blue dress, kasunod si chantelle katabi ang kanyang habibi, sa gitna si Edwin at ang asawa niya. Huwag niyo ng usisahin kung bakit hindi si Art ang isinama ko, simple lang, me pasok siya hanggang 8:00 pm, umalis kami sa lugar namin ng 6:00 pm.





Ito ang unang pagkaing sinerve sa amin, huge prawn with fried chicken wrapped in pandan leaves. Dahil sa gutom na ako, naubos ko to lahat, e kung sa bahay nga lang to, baka pati katas ng ulo ng prawn, di ko iisnabin.








Habang kumakain na kami, nag side-order ako ng margarita. Okay rin ang lasa pero mas lamang yata ang tonic water at lemon juice kesa sa vodka, kaya di ako masyadong tinamaan after 4 glasses of order. Nagreklamo ako ng panghuli kong order dahil napasobra yata ang asin.

O baka namang sinadya yata nilang idildil ang bunganga ng kopita sa gabundok na iodized salt. Take note, di uso ang rock salt sa Middle East.

After dinner, picture taking muna kami bago umuwi na sa kabundukang desyerto. Past 12:00 na ako nakauwi sa bahay, hinatid kami ng boyfriend ni chantelle na si Kurt.

Ngayon, iniisip ko, dalawa nlang kami ni Chantelle, kung isa sa amin ang aalis, pano naming ise-celerate ang dinner party? One on one? pair by pair? Parang double date ang mangyayari.

Pero malamang matatagalan bago mangyari iyon, kasi, kahit dalawa nlang kami, patuloy parin kaming makikipaglaban sa buhay. Hanggat pumapasok ako sa office, hanggat meron kaming computer sa bawat table namin ni chantelle, patuloy parin akong magsusulat para i-publish sa blogs ko.

Hehehehehe….


Thursday, July 2, 2009

Western Body Builders

“girl samahan mo naman ako sa gym, gabi na kasi pumupunta ang mga bakla, ayoko naman ng masyadong gabi na umuuwi, me pasok pa kasi kinabukasan, kung gusto mo mag gym ka na rin para mabawasan nmn ang tiyan mong super bulate na.”

Nasa parlor kami ni Donna habang nangungulit sakin si M na samahan ko raw siya sa pagegym. Dito sa saloon din ang tambayan namin pag wala kaming magawa sa buhay kasama si Ugat Luna. Ito rin ang naging pahingahan namin pagkatapos ng gym bago umuwi ng kanya-kanyang bahay.

Ilang araw narin niya akong pinapakiusapan dahil wala siyang kasama lalo’t puro Indians at Pakistani ang mga nagpapalaki ng katawan, at ang mga bading nga’y gabing gabi na kung maggym.

“ayoko ko talagang mag gym, girl, malalaki na mga braso ko at pag tumigil ako, lalong lalaki ang katawan ko at lulubo at ayokong matulad kay Mama Ida.” Mabilis na di ko pagsang-ayon sa gusto ni M. Si mama ida ang pinakamatanda sa aming magkakaibigan, malayo siya sa amin at lingguhan siya kung dumalaw . sa bahay namin ni Donna natutulog ng isa hanggang 2 gabi.

“tsaka wala akong anda ngayon, purita zobel ang sistah mo at di ko talaga wiz ang magpalaki ng katawan.” Patuloy ko.

“GAGA!, di nmn tayo magpapalaki ng katawan, magpapaliit lang tayo ng tiyan, tignan mo yang tiyan mo, nakakadiri na.” halos mayanig ang buong saloon ni donna sa lakas ng pagkakasambit ng “gaga’ ni M sa akin. “Oo matagal na akong gaga”, nasambit ko sa isip ko, sabay irap kay M.. may dahilan kung bakit gaga ako, at mas maraming alam si M tungkol sa mga kagagahan ko.

“sige na samahan mo na ako, ako magbabayad, samahan mo lang ako.” Pangungulit niya.

Nang marinig ko ang katagang siya ang magbabayad, naisip ko, why not? Chuknot… hindi nmn araw-araw pupunta at ayon nga sa kanya pagpapaliit ng tiyan ang focus namin. Pero, masarap kumain, kasi, wala rin ang pagpapaliit ko ng tiyan kung kumain akoy lamon naman, kung meron nga lang mabisang diet pills na isang laklakan lang e liliit na kagad ang tiyan ko, irerekomenda ko tlaga ng siyento porseinto kay M para matigil na ang pangungulit sakin na magpasama sa GYM.

Di ba nakakadegrade sa life ko na pupunta ako ng gym pero siya ang magbabayad? Para namang minaliit ko ang sarili ko na talagang di ko kayang magbayad. Dahil nga siya nmn ang nag-alok ng ganun, kaya ang ending napasama na ako sa kanya at isang araw, ito ang buhay namin sa gym.



Hila dito, hila doon, yuko , yuko at yuko parin. Habang si M ay parang tangang bangon-higa, higa-bangon, ano kaya kung umuwi nlang kami at mahiga siya for life ?at ako nmn ay yumuko forever? Wag nmn, malay niyo merong mabago sa buhay namin kapalit ng paghihirap naming ito…

Naisip ko akala ko pagpapaliit ng tiyan lang e mas marami ang ginagamitan ng braso. Iba ibang laki ng bareta at bilog na bakal, sino ba kasi ang nakaimbento ng ganitong gawain?

Masakit na ang tiyan ko pero kelangan ko raw makagawa ng 30-50 times na yuko-yuko-yuko, ek-ek na yan. Hayyyyyyy hirap ng magpaliit ng tiyan, sabagay ika nga beauty is pain. Siguro kaya beauty ako dahil marami akong pain, sa puso sa isip at spiritwal.


Sa ngayon, ilang beses narin kaming pumunta para sa yuko-yuko-yuko moment na yon, nagustuhan ko narin at sa kadahilanang lagi kaming shining star sa gym, maraming lalaki, maraming tagahanga, at sinusuot ko talaga ang maiiksing shorts ko para makita nila na isa akong diosa na bumaba mula sa kaharian ng desyerto. hindi naman sa lahat ng araw ng pumupunta kami, siya nagbabayad minsan ako rin ang nag-aabot. Minsan nga, tinutulungan ko pang hanapin sa wallet niya ang perang ipambabayad.

“san mo ba kasi isiniksik yong pera? para ka kasing laging ninanakawan jan sa wallet mo, kung saan-saang sulok ng wallet nakatago ang kayamanan mo.” Sambit ko habang nagmamasid sa kanya na halos mawarat na sa kabubulatlat. Napapangiti lang ang baklang M, sabi niya M stands for maganda, masarap, makati, malandi, mayaman.

Uy bakla, kung mababasa mo man ito, ikaw ang me sabing makati ka, malandi, at masarap ka, ang sabi ko nmn isa kang mayaman, di ko alam kung sino ang nagsabi na maganda ka. No comment na ako dun, kasi kung lalaki ang pagbabasehan, maganda ka ngang tlaga.


After I have finished writing this blog, my laptop goes black, as in black ang screen, black lahat ksi black nmn kulay nito. I asked to myself, “wha’ happen?” why the power is gone?”. Nataranta ako, kasi andami ko ng naisulat, at pag nagsulat uli ako, di ko na maalala ung iba at magbabago ang settings, as story lines, ang dialougues, etc…

Ang siste, battery empty pala ang laptop, nakakabit nman ung cord ng kuryente pero hindi naka – switch on ang power supply ang pinesteng extention wire. Giatay talaga, gusto kong magmura, magwala, at basagin ang screen ng laptop ko, ang tanong ko. Bakitttttttttttttttttttttttt?? As in gigil na gigil ako.

In-on ko na muna ang extention wire at ung laptop, safe mode daw, magtatagal pa to, kaya mega hit the strikes ako sa keyboards para di na magchecking ng discs ek-ek ever. Buti nlang narecover, naretrieve ko siya, tamang term sa computer, kaya tuloy ang ligaya, namutawi ang mga ngiti sa mga labi ko. At matutulog narin ako kasi meron isang kampon ng aswang na nakaabang sakin na kanina pa nang aasar na matulog na raw kami. Ang song na gusto niya, “sa pagtulog mahal, sana’y laging sabay tayo.”

END!!!

Monday, June 29, 2009

October 16, 2008

this is my second birthday since i moved on to the new place/state, celebrated with other friends and housemates, parang bahay ni lola. sino sino ba kami nag birthday that time? gani's 28th, rica's 27th, chona's 34th, mine is never mind you can access my age on my profile, and darwin? mas lalong i dunno... at dito ko rin makikilala ang magiging sakit ng ulo at bigat ng dinadala ko sa buhay, representing ART (not his real name avcurs). allow me to elaborate, i have a friend indeed, his name is, we can tagged him as "M", kilala siyang maraming M dito sa lugar namin, kung ano man naiisip nio na nagsisimula sa M, bahala na kayo, in short pinakilala nia sa akin si Art, tru fone nagkausap kami, we have talked a lot of things, marami ng tao sa bahay including the person i really like, we can call him as Leyte, coz he is from Leyte. usap-usap sa fone while Leyte was staring at me, i just found out he was very jealous to a person i was talkng to, gusto ring pumunta ni Art sa house, sabi ko nlang its too late and its hard for you to get a taxi by that time, kasi company's accomodation sila na nakapwesto sa liblib na lugar. to make the story short, magkikita daw kami one of this days kaya ayon ng magkita kami Oct. 22 which is our monthsarry, dun na nagsimula ang madagundong kung lavlayf.