Showing posts with label Departure. Show all posts
Showing posts with label Departure. Show all posts

Wednesday, February 10, 2010

New environment

Taunan yata akong lumipat ng balay dito sa bundok ng desyerto. Pangatlong beses na this time.

Bukas na ang final destination ko sa balay, kaya naman araw-araw na akong naghahatid ng mga gamit, clothes at accessories.

Kaya kaninang umaga, tinawagan ko ang aking friendly driver na si Maria Elena Dy.

Nagpasundo ako, nagpahatid, bitbit ang aking vacuum cleaner, set of computer, at isang underwear.

Yes, you heard it right, di pa ako naliligo ng sunduin ako, natakot ako sa tubig sa balay.

Hindi tumalab ang heater ng balay, malamig parin na parang tubig na may yelo ang tubig.

Pagdating doon sa bago kong balay, mukhang sosyal na etoh, tsaka palang ako naligo.

Gumagana ang heater, at me shower, infairness...

Five minutes walks to my workplace.

Abot-tanaw lang sa office kong mahal ang gusaling nilipatan ko.

Thursday, September 24, 2009

Goodbye

And now, the end is near, and so i face the final curtains.”

Our company has been established since Nov. 2006 and will be on its 3rd year this Nov. 2009.
Amongst personnel and staffs, only I will stay in the office. Soon, our secretary will say goodbye to us.

“My term does not end until next year.” the famous statement of Mrs. Gloria Macapagal Arroyo on her last SONA.

Parang ako rin, my term does not end until next year… kasi hangga’t meron kaming utang at pautang, hindi pwedeng i-give up ang company. And i survived among the fittest… ako kasi ang namamahala sa accounts. Hindi naman pwedeng ang secretary ang maiwan dahil mas mababa ang sahod niya sa akin, dahil sa hindi niya alam ang trabaho ko. Yon nga lang, more paper works for me, telephone operator, follow up calls for utang and bayad, and lesser time for internet… huhuhuhu

Nakakalungkot isipin na ako nalang mag-isa sa office kong crystal clear. after office works, maghapong magbo-blogs, chat, manood ng mga hubad na katawan (some site not blocked by Etisalat).

This is the time, I have to change my life style, (wala nga akong lifestyel eh). Save and budget. bayaran ang mga existing utang (hayyyyy wala na akong kawala sa utang). Malaki nga ang sahod lumaki nmn ang utang.

Ayoko ng magtrabaho, nakakapagod, nakakatulero, nakakadepress, nakaka-stress. I just wonder to myself, how come others can easily affected with illness and sickness when they feel stress and depress? but how come, I myself, always feels in depression and stress all over the day, hindi ako nagkakasakit? Baka nga siguro ang tunay na DARNA ay hindi lumilipad, at hindi nadadapuan ng sakit.

Tuesday, July 7, 2009

paalam na, Edwin...

Sa bawat pagkakataon na merong aalis sa kompanyang pinapasukan ko, nagkakaroon kami ng dinner party, ilang beses kaming nag get together sa Lighthouse bar sa Hilton beach resort, sa golf tower links, Hilton Hotel, cove rotana, at ang huli nitong June 25 lang sa Le Meridien Dubai, at sa pagkakataong ito ang big boss naming si Edwin ang aalis.

Nakakalungkot dahil unti-unting kaming nababawasan, ngayon, dalawa nlang kami ng secretary ang maiiwan. Pero patuloy parin kaming magkakaroon ng communication ni Edwin, siya ang primary assignatory ng branch.

Ang bago niyang assignment? Sa Nigeria. He asked me if I want to join him in Nigeria. But I said, No, Thanks, I love my office. (next time ipi-feature ko ang office workplace ko)

Dalawa nlang kami ni Chantelle, pero sa pamumuno parin ng mga big bosses namin na nasa Qatar. Para sakin, literal na big boss kasi talaga namang malalaki sila.

Dahil sa allowed kaming magdala ng isang partner, siyam na bilang kaming pumunta sa dubai, kaya umarkila kami ng van, sa kagustuhan narin ni Edwin na sabay-sabay kaming pumunta.


In short nakarating na kami sa Le Meridien, Dubai. Sukhothai Restaurant, gusto kasi nila ng thai food.

Habang abala ang karamihan sa menu list, kinunan ko muna sila ng pictures, kasunod ang mga pagkaing inihain sa amin na talaga namang hindi mo aayawan.







Si Ms. Iligan ang isanama ko sa party, siya yong naka blue dress, kasunod si chantelle katabi ang kanyang habibi, sa gitna si Edwin at ang asawa niya. Huwag niyo ng usisahin kung bakit hindi si Art ang isinama ko, simple lang, me pasok siya hanggang 8:00 pm, umalis kami sa lugar namin ng 6:00 pm.





Ito ang unang pagkaing sinerve sa amin, huge prawn with fried chicken wrapped in pandan leaves. Dahil sa gutom na ako, naubos ko to lahat, e kung sa bahay nga lang to, baka pati katas ng ulo ng prawn, di ko iisnabin.








Habang kumakain na kami, nag side-order ako ng margarita. Okay rin ang lasa pero mas lamang yata ang tonic water at lemon juice kesa sa vodka, kaya di ako masyadong tinamaan after 4 glasses of order. Nagreklamo ako ng panghuli kong order dahil napasobra yata ang asin.

O baka namang sinadya yata nilang idildil ang bunganga ng kopita sa gabundok na iodized salt. Take note, di uso ang rock salt sa Middle East.

After dinner, picture taking muna kami bago umuwi na sa kabundukang desyerto. Past 12:00 na ako nakauwi sa bahay, hinatid kami ng boyfriend ni chantelle na si Kurt.

Ngayon, iniisip ko, dalawa nlang kami ni Chantelle, kung isa sa amin ang aalis, pano naming ise-celerate ang dinner party? One on one? pair by pair? Parang double date ang mangyayari.

Pero malamang matatagalan bago mangyari iyon, kasi, kahit dalawa nlang kami, patuloy parin kaming makikipaglaban sa buhay. Hanggat pumapasok ako sa office, hanggat meron kaming computer sa bawat table namin ni chantelle, patuloy parin akong magsusulat para i-publish sa blogs ko.

Hehehehehe….


Paglisan part 2

Natapos ang gabi na nagkabati kami at magkayakap sa pagtulog, di ko alam kung nagkaroon ba kami ng “yeah baby” moment that time.

Well, balik tayo sa dating kuwento, ano ba ang nararamdaman ng isang taong malapit ng iwanan? Mga bobo ang mga taong hindi alam kung ano ang pakiramdam ng isang iiwanan ng taong iyong minahal, inalagaan, naging kasama sa pagtulog sa loob ng mahigit walong buwan. Masakit isipin, mapait, masaklap, isipin ko na ang lahat ng dapat na isipin, wala akong magagawa, iiwanan na niya ako. Iyon ang totoo.

Habang ipinagpatuloy niya ang pagbabalot ng packaging tape sa malaking kahong pagsisidlan niya ng kung ano-anong anik anik na ipapadala sa pamilya niya, kinunan ko siya ng picture. Sa isip ko, magandang magkuwento sa blogs kapag merong pictures ang bawat anggulo ng pangyayari.
Hindi parin mawala sa isip ko kung ano ang magiging emosyon ko sa araw ng paglisan niya. Matagal pa naman, bibilang pa ng dalawang buwan. Hindi ko naranasan ang iwanan ng minamahal, bagkus ako ang nang-iiwan.
Sa pagkakataong ito ko lang yata mararamdaman kung pano ba ang damdamin ng isang iiwanan, mag-iisa, magiging malamig ang gabi, mapait na mga sandali, sa bawat pagdilat ko’y wala akong makitang nilalang na nakayakap sa akin, wala akong mararamdamang pinting ng puso na para bang isang musika na humuhuni sa aking tenga. Wala akong mararamdamang ‘umbok’ na nakatutok sa akong puwet, sa tagiliran, sa hita, at minsan sa tiyan.

Pano ako mabubuhay kung wala na siya? Hahanap-hanapin ko ang kanyang mga binti na kinukurot lagi ng aking mga daliri sa paa bago ako matulog. Kaninong ‘umbok’ ang hihimasin ko na siyang nagbibigay sa akin ng kapayapaan bago ako matulog?

Sabagay, sabi nga nila, maliit lang daw ang mundo, at bilog pa raw. Magkikita parin kami, iyon nalang ang itatanim ko sa “alimpatakan” ko, balang araw, magkikita rin kami, magsasama at magiging masaya sa piling ng bawat isa. Parang “Brokeback mountain”, si Ennis del Mar & Jack Twist, sa loob ng maraming taon, nagkita parin sila, nagkaroon ng mga pamilya, pero sila parin ang itinadhana, yon nga lang pinatay si Jack Twist.

Sa amin kaya, sino kaya si Jack Twist, sino kaya ang unang mawawala? Huwag naman sana ako, wala pa akong mga anak, wala pa akong sariling bahay, at lalong wag naman sana siya no? maliliit pa mga anak nun.

Ayoko munang pangunahan ang emosyong gusto kong mangyari sa araw na iyon, malay mo, baka isang pagdiriwang ang araw na iyon para sa akin? Pero hindi ganun lang iyon, may pinagsamahan na kami, malalim na, mahal na namin ang isa’t-isa, mahal ko siya kahit alinlangan, pero mahal ko na siya, as in, pero ako, mahal niya rin ba ako? Tulad ng pagmamahal na inalay ko sa kanya?

Proven and tested na mahal niya ako, mabaliw-baliw siya pag di ako nakikita, ilang beses ng umiyak. Parang asong-ulol na nagwawala ang damdamin kapag di ko kagad nasagot ang tawag niya.

Matapos ang ginagawa niya, nilagay na niya ang ibang mga nabili na, pero di parin sapat, malaking halaga pa ang gagastusin bago mapuno ang kahon.

“naku, kulang pa ito, kelangan mo pang bumili ng mga sabon, gamit sa kusina at mga kakailanganin sa kusina,” parinig ko.

Nakatingin lang si Art sa loob ng kahon, parang naghihintay ng himala na sana sa bawat kurap niya’y mapupuno ng mga anik-anik ang kahon.

Kung kasya nga lang ang isang sofa, ipapabalot ko na. o di kaya itong lamesita.

“kelangan mong bumili ng mga kumot, unan, tuwalya para mapuno to,” sabay tingin sakin ni Art.
Parang naintindihan ko naman ang mga titig niya sa akin, “pumunta tayo bukas sa emirates market, mura lang daw dun ang mga bilihin.” Boluntaryo kong sabi sa kanya.

“300 dirhams nalang ang pera ko, ano ba ang mabibili nito?” tanong-paliwanag ni Art.

“tignan natin kung ano ang kayang mabili ng pera mo.” Pahayag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na parang may ibig sabihin. Nagkunwaring di ko na-gets iyon. Di ko nalang pinansin. Naku ha, mag-aabono na naman ako e no’ng isang araw nagdagdag ako ng 200 dirhams.

Kinabukasan, alas-singko ng hapon ang uwi ko pero nag-stay ako sa office til 6:00 pm, hinintay ko narin si Art dahil napagkasunduan naming pumunta ng emirates market.


Mahigit 300 dirhams ang nabili namin, wala sa budget ni Art kaya siyempre, to the rescue ang asawa, kaya ako na ang nagdagdag sa kulang. As usual, walang reklamo. Ganun siguro pag mahal mo ang isang tao.

Habang naghihintay ng taxi, kinunan ko siya, hanggang sa nakakuha kami ng yellow taxi.


Nang nakarating na kami sa bahay, dun palang nalaman ni Art na naiwan niya ang knapsack bag, kaya, lulan parin ng taxing naghatid sa amin, bumalik siya sa emirates market. Tsaka nalang naayos ang mga pinamili naming ng dumating na siya.











Sunday, July 5, 2009

last love letter

Dedicated to my once beloved Sam:

To the person I considered my soulmate.
When you came into my life, I told myself I would love you and never gonna hurt you.
You were my bestfriend, my love, my everything.
Til 1 day, you came and said, “I’m sick, I’m afraid, I can’t stay with you anymore.
I refuse to believe at first, but when I saw those tears feel down on your cheeks. It spell out that truth about how you really feel inside you…
You were deeply hurt, yah I know it was hurt too…

You can’t even look straight into my eyes, when you said “It was too late”.
My life has change at the very moment.
I just found myself on bended knees, yelling….”why”?
I was down, completely, but I had to be strong for you at your worst I was there.
Until the day has come for us to say goodbye, I knew it, but I can’t just accept it.
If only I knew that was the last time I should have hold you and never let go, the kiss, the whisper, and embrace…
It was the last… I can feel your arms falling down slowly… I know you’re gone.

We always thought our love was enough for us to last, It was a sad ending… it’s God’s will…
I know you’re happy now, wherever you are, and me… here I am hurting… broken.
Those 3 long years, it’s all gone now, how can I forget? How can I start over once again?

I’m sorry if you see my life falling apart. I know I can’t get you back, and I won’t be seeing you for the rest of my life.

It’s more than a month now, this has been the longest time of my life… the most painful time I ever had.

The sadness of the nights brings back the days we had, the time you let go of me, and the moment that I surrendered you… even silence reminds me of sorrows, the pain and my hopelessness.

Let me suffer in silence, til I get over you, slowly, I can let you go… and I will be me once again…
I will be keeping my promise, I will move on, but you will always be, a part of me…
Hear me say this, one last time… I have found the essence of my life “, I have discovered a world that’s beautiful, because of you”.

My love, my misery…
I’m letting go of you now…

Its time to set myself free
This is the hardest thing I will do, coz I still love you… and this love…

This is all I have… empty heart!