Tuesday, July 7, 2009

Paglisan part 2

Natapos ang gabi na nagkabati kami at magkayakap sa pagtulog, di ko alam kung nagkaroon ba kami ng “yeah baby” moment that time.

Well, balik tayo sa dating kuwento, ano ba ang nararamdaman ng isang taong malapit ng iwanan? Mga bobo ang mga taong hindi alam kung ano ang pakiramdam ng isang iiwanan ng taong iyong minahal, inalagaan, naging kasama sa pagtulog sa loob ng mahigit walong buwan. Masakit isipin, mapait, masaklap, isipin ko na ang lahat ng dapat na isipin, wala akong magagawa, iiwanan na niya ako. Iyon ang totoo.

Habang ipinagpatuloy niya ang pagbabalot ng packaging tape sa malaking kahong pagsisidlan niya ng kung ano-anong anik anik na ipapadala sa pamilya niya, kinunan ko siya ng picture. Sa isip ko, magandang magkuwento sa blogs kapag merong pictures ang bawat anggulo ng pangyayari.
Hindi parin mawala sa isip ko kung ano ang magiging emosyon ko sa araw ng paglisan niya. Matagal pa naman, bibilang pa ng dalawang buwan. Hindi ko naranasan ang iwanan ng minamahal, bagkus ako ang nang-iiwan.
Sa pagkakataong ito ko lang yata mararamdaman kung pano ba ang damdamin ng isang iiwanan, mag-iisa, magiging malamig ang gabi, mapait na mga sandali, sa bawat pagdilat ko’y wala akong makitang nilalang na nakayakap sa akin, wala akong mararamdamang pinting ng puso na para bang isang musika na humuhuni sa aking tenga. Wala akong mararamdamang ‘umbok’ na nakatutok sa akong puwet, sa tagiliran, sa hita, at minsan sa tiyan.

Pano ako mabubuhay kung wala na siya? Hahanap-hanapin ko ang kanyang mga binti na kinukurot lagi ng aking mga daliri sa paa bago ako matulog. Kaninong ‘umbok’ ang hihimasin ko na siyang nagbibigay sa akin ng kapayapaan bago ako matulog?

Sabagay, sabi nga nila, maliit lang daw ang mundo, at bilog pa raw. Magkikita parin kami, iyon nalang ang itatanim ko sa “alimpatakan” ko, balang araw, magkikita rin kami, magsasama at magiging masaya sa piling ng bawat isa. Parang “Brokeback mountain”, si Ennis del Mar & Jack Twist, sa loob ng maraming taon, nagkita parin sila, nagkaroon ng mga pamilya, pero sila parin ang itinadhana, yon nga lang pinatay si Jack Twist.

Sa amin kaya, sino kaya si Jack Twist, sino kaya ang unang mawawala? Huwag naman sana ako, wala pa akong mga anak, wala pa akong sariling bahay, at lalong wag naman sana siya no? maliliit pa mga anak nun.

Ayoko munang pangunahan ang emosyong gusto kong mangyari sa araw na iyon, malay mo, baka isang pagdiriwang ang araw na iyon para sa akin? Pero hindi ganun lang iyon, may pinagsamahan na kami, malalim na, mahal na namin ang isa’t-isa, mahal ko siya kahit alinlangan, pero mahal ko na siya, as in, pero ako, mahal niya rin ba ako? Tulad ng pagmamahal na inalay ko sa kanya?

Proven and tested na mahal niya ako, mabaliw-baliw siya pag di ako nakikita, ilang beses ng umiyak. Parang asong-ulol na nagwawala ang damdamin kapag di ko kagad nasagot ang tawag niya.

Matapos ang ginagawa niya, nilagay na niya ang ibang mga nabili na, pero di parin sapat, malaking halaga pa ang gagastusin bago mapuno ang kahon.

“naku, kulang pa ito, kelangan mo pang bumili ng mga sabon, gamit sa kusina at mga kakailanganin sa kusina,” parinig ko.

Nakatingin lang si Art sa loob ng kahon, parang naghihintay ng himala na sana sa bawat kurap niya’y mapupuno ng mga anik-anik ang kahon.

Kung kasya nga lang ang isang sofa, ipapabalot ko na. o di kaya itong lamesita.

“kelangan mong bumili ng mga kumot, unan, tuwalya para mapuno to,” sabay tingin sakin ni Art.
Parang naintindihan ko naman ang mga titig niya sa akin, “pumunta tayo bukas sa emirates market, mura lang daw dun ang mga bilihin.” Boluntaryo kong sabi sa kanya.

“300 dirhams nalang ang pera ko, ano ba ang mabibili nito?” tanong-paliwanag ni Art.

“tignan natin kung ano ang kayang mabili ng pera mo.” Pahayag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na parang may ibig sabihin. Nagkunwaring di ko na-gets iyon. Di ko nalang pinansin. Naku ha, mag-aabono na naman ako e no’ng isang araw nagdagdag ako ng 200 dirhams.

Kinabukasan, alas-singko ng hapon ang uwi ko pero nag-stay ako sa office til 6:00 pm, hinintay ko narin si Art dahil napagkasunduan naming pumunta ng emirates market.


Mahigit 300 dirhams ang nabili namin, wala sa budget ni Art kaya siyempre, to the rescue ang asawa, kaya ako na ang nagdagdag sa kulang. As usual, walang reklamo. Ganun siguro pag mahal mo ang isang tao.

Habang naghihintay ng taxi, kinunan ko siya, hanggang sa nakakuha kami ng yellow taxi.


Nang nakarating na kami sa bahay, dun palang nalaman ni Art na naiwan niya ang knapsack bag, kaya, lulan parin ng taxing naghatid sa amin, bumalik siya sa emirates market. Tsaka nalang naayos ang mga pinamili naming ng dumating na siya.











No comments:

Post a Comment