Nakakapanginig pala ng kalamnan ang selos, hindi man matindi pero selos parin.
Nang dumating kami sa bahay, lumabas ng kwarto si Kabit at parang me nag-uudyok sa akin na tingnan ang kanyang celfone.
di ko gawain ang magbasa ng mga messages, lalo na ang sent items.
Bumungad sa aking ang isang message na hindi naka store ang name.
Humihingi ng sorry dahil in-off niya ang phone kasi kausap niya ang kanyang boss.
Ibig sabihin nun, tumatawag sa kanya si kabit, or nagpapalitan na sila ng text messages kapagdaka'y binubura kagad.
Naisip ko baka iyong bading na nakilala namin, na kinuha raw sa kanya ang number niya.
Doon na nagsimula ang haka-haka, ang panginginig ng kalamnan ko, ang magsungit.
Wala akong laban sa bading na iyon, mukhang mapera, galante at walang binatbat ang mga friends kong sina Masarap at Mayaman sa ganda nong bading, pero ako lalabanan ko siya.
Habang nanonood kami ng TV, kunwari tiningnan ko ang celfone niya at kunwari tinanong ko siya kung sino iyon nasa message. Pero ung panginginig ng damdamin ko ay hindi na kunwari.
Sabi niya, tita ni Maria (hindi tunay na pangalan), si Maria ang kabit niya sa pinas.
Pakiramdam ko uminit ang dugo ko, kung nakamamatay ang tingin, baka nagripuhan ko na si kabit.
Nagpaliwanag siya, utal-utal, mukhang guilty.
Siya narin ang nagsabi na hindi raw talaga sila nagkita noong nagbakasyon siya kamakailan lang.
Mas lalong nanginig ang buo kong katawan, mga buto, libo-libong ugat, at kung anu-ano pang makikita sa anatomy ng tao, ng makita kong nag text ang belat sa mismong roaming number ko.
Ayokong sumigaw, ayokong magwala, kasi nandun si babae ang kasama ko sa room, nagtitimpi lang talaga ako, naging kalmado parin.
Nagpaliwanag parin siya, utal-utal, halatang guilty.
Hindi niya raw alam kung pano nalaman ang number niya rito pati ang roaming number na asawa lang niya ang binigyan dahil sarili kong roaming iyon.
Sumigaw ako ng paimpit, "Tawagan mo lahat ng pamilya mo na nakakakilala sa kabit mo dun, tanungin mo sila kung sino ang nagbigay."
Wala siyang imik, siguro nagtataka rin kung bakit nalaman ng kabit niya ang numero pati ng tita niya na nandirito sa dubai.
Ako, tanggap ko na isa akong martyr na kabit ni Kabit, pero ang malaman kong meron pa palang kabit si Kabit?
Iyon ang di ko matatanggap.
Pero sa kabilang banda, amanos na kami, nagkita man sila o hindi, kwich na kami, dahil nahuli rin niya akong nagtext sa friend ko na makipagkita sa isang lalaki.
Of course, deny to death nalang. Me nangyari man sa amin o wala ng lalaki, deny parin.
Pero hanggang ngayon di parin ako mapakali, wala akong laban dun, belat iyon ako puwet lang.
Kaya sinabi ko sa kanya na kausapin nia ang belat at tantanan na siya.
Kukunin ko sana kaninang umaga ang roaming number ko pero nakaalis na si Kabit.
Pero huwag niya akong masyadong paselosin, mahirap akong magalit, maraming mababasag na bagay sa bahay pag nagkataon.
Showing posts with label Character. Show all posts
Showing posts with label Character. Show all posts
Monday, November 16, 2009
Thursday, November 12, 2009
HONESTY is such a lonely word...
Im just being honest to my partner right now, he seems we're finally getting there to the end of road.
Kapag dalawa lang kami sa room, while watching TV, he always utter on what will i do when he transfer in other place.
I just said, live a normal life. Balik sa dating gawi, enjoy with friends.
Nalungkot siya sa mga narinig, parang binubudburan ng pamintang durog ang nagdurugo niyang puso.
Hindi iyon ang gusto niyang marinig, alam ko.
Ilang beses niya akong tinanong kung maghahanap parin daw ako ng magiging partner.
Taus-pusong kong sinabi, BADING ako, hindi mawawala sa akin ang maging makati, maghanap ng saya, pero sinabi ko rin sa kanya na hinding hindi na ako makikipagrelasyon lalo't makipag live-in.
Tama ng isang beses, at ayoko ng ulitin.
Pinangako nalang niya sa akin, na hinding-hindi siya magbabago, hindi ako iiwan kahit saan man siya naroroon, kami paring habambuhay.
Magiging kami kahit saan man kamin mapadpad kung iyon ang kapalaran namin.
Pero ayoko lang isipin na kahit malayo siya sa akin at baka magbilang ako ng taon bago magkita ulit, ayoko namang mangako sa kanya na hindi ako manlalalaki.
Hahanapin ko ang nakagawian ko na, pero sinabi ko sa kanya na hindi ako makikipagrelasyon.
Siya ang una at huling gagapos ng aking puso at damdamin.
Masakit marinig ang katotohanan.

Labels:
Character,
Green Speaks,
Love Binds
Subscribe to:
Posts (Atom)