Showing posts with label I Witness. Show all posts
Showing posts with label I Witness. Show all posts

Thursday, January 14, 2010

Credit Card Story

"We regret to inform you that credit facility on your credit card ending 00xx has been withdrawn. Please pay your total dues immediately. For info call 06 507xxxx. T&C apply."

Iyan ang unang text message na narecieved ko around 11:46:57 am ng 11.Jan.2010.

Nawendang ako bigla.

Kababayad ko lang before due date, bakit kinansela ng mga animal? At bakit Sharjah ang local number at hindi Abu Dhabi or Dubai which is the main offices?

Tinawagan ko kaagad ang numerong binanggit. Walang sumasagot.

Tinawagan ko na ang call center ng banko, apat na beses ko ring narinig ang "your calls are very important to us... blah blah blah." bago dinampot ng call center agent.

Maraming pasakalye, halos hindi kami magkaintindihan ng conong call center agent na Indiana...

Ilang beses din akong ini-on hold.

Imbyernis na ako, naiirita, naninigas na panga ko, nagpipingkian na mga braces ko sa ngipin.

Ang isinisigaw ng isip ko, "bakittttttttt???? bakit nila kakanselahin ang credit card koooooo???? Ngayon pang kailangan ko ng pera."

After 20 minutes of waiting, exchanging words, and "come again?" at "I'm sorry?", dahil sa hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, ito ang huling extreme and hard words na naisadila ko.

"OK, fine, I don't care why the bank cancelled by credit card, I used to pay before due date, I want to know how much would be my monthly payments, and don't ask me to settle the whole amount, I cannot afford to pay right now, OK????"

"Thank you very much."

Dagdag pa ng call center agent, "anything else I can help you, madame?"

Mas lalong nag-init ang ulo ko, namula ang pisngi ko, humigpit ang pagkakahawak ko sa receiver, mang-asar ba?

And the worse, hindi ko magamit ang credit card na iyon sa ibang Cash Withdrawal machine unless sa sarili nilang banko, di ko magamit sa supermarket and malls kasi card error ang lumalabas.

Mga hunghang sila, e-terminate nila kung gusto nila, meron pa akong isa.

On the other hand, (biglang naging mahinahon), maganda na rin iyon para mabawasan na ang utang ko sa taong 2010.

Monday, November 16, 2009

Kabit number 2

Nakakapanginig pala ng kalamnan ang selos, hindi man matindi pero selos parin.

Nang dumating kami sa bahay, lumabas ng kwarto si Kabit at parang me nag-uudyok sa akin na tingnan ang kanyang celfone.

di ko gawain ang magbasa ng mga messages, lalo na ang sent items.

Bumungad sa aking ang isang message na hindi naka store ang name.

Humihingi ng sorry dahil in-off niya ang phone kasi kausap niya ang kanyang boss.

Ibig sabihin nun, tumatawag sa kanya si kabit, or nagpapalitan na sila ng text messages kapagdaka'y binubura kagad.

Naisip ko baka iyong bading na nakilala namin, na kinuha raw sa kanya ang number niya.

Doon na nagsimula ang haka-haka, ang panginginig ng kalamnan ko, ang magsungit.

Wala akong laban sa bading na iyon, mukhang mapera, galante at walang binatbat ang mga friends kong sina Masarap at Mayaman sa ganda nong bading, pero ako lalabanan ko siya.

Habang nanonood kami ng TV, kunwari tiningnan ko ang celfone niya at kunwari tinanong ko siya kung sino iyon nasa message. Pero ung panginginig ng damdamin ko ay hindi na kunwari.

Sabi niya, tita ni Maria (hindi tunay na pangalan), si Maria ang kabit niya sa pinas.

Pakiramdam ko uminit ang dugo ko, kung nakamamatay ang tingin, baka nagripuhan ko na si kabit.

Nagpaliwanag siya, utal-utal, mukhang guilty.

Siya narin ang nagsabi na hindi raw talaga sila nagkita noong nagbakasyon siya kamakailan lang.

Mas lalong nanginig ang buo kong katawan, mga buto, libo-libong ugat, at kung anu-ano pang makikita sa anatomy ng tao, ng makita kong nag text ang belat sa mismong roaming number ko.

Ayokong sumigaw, ayokong magwala, kasi nandun si babae ang kasama ko sa room, nagtitimpi lang talaga ako, naging kalmado parin.

Nagpaliwanag parin siya, utal-utal, halatang guilty.

Hindi niya raw alam kung pano nalaman ang number niya rito pati ang roaming number na asawa lang niya ang binigyan dahil sarili kong roaming iyon.

Sumigaw ako ng paimpit, "Tawagan mo lahat ng pamilya mo na nakakakilala sa kabit mo dun, tanungin mo sila kung sino ang nagbigay."

Wala siyang imik, siguro nagtataka rin kung bakit nalaman ng kabit niya ang numero pati ng tita niya na nandirito sa dubai.

Ako, tanggap ko na isa akong martyr na kabit ni Kabit, pero ang malaman kong meron pa palang kabit si Kabit?

Iyon ang di ko matatanggap.

Pero sa kabilang banda, amanos na kami, nagkita man sila o hindi, kwich na kami, dahil nahuli rin niya akong nagtext sa friend ko na makipagkita sa isang lalaki.

Of course, deny to death nalang. Me nangyari man sa amin o wala ng lalaki, deny parin.

Pero hanggang ngayon di parin ako mapakali, wala akong laban dun, belat iyon ako puwet lang.

Kaya sinabi ko sa kanya na kausapin nia ang belat at tantanan na siya.

Kukunin ko sana kaninang umaga ang roaming number ko pero nakaalis na si Kabit.

Pero huwag niya akong masyadong paselosin, mahirap akong magalit, maraming mababasag na bagay sa bahay pag nagkataon.

Thursday, October 22, 2009

Irrevocable Resignation

Pagkatapos ng dalawang taon at 8 walong buwang paninilbilhan sa gitnang silangan, naisipan kung umuwi sa asia pasipiko.

Hindi dahil sa marami na akong naipon o tamad na akong magmemorize ng numero, kundi pissed off na ako sa kompanyang pinapasukan ko.

Kalabanin ko ba naman ang anak lang ng may ari ng kompanya, at salungatin ang paniniwala ng head ng department ko na isang tangang pinay na kabit lang naman po ng isang anak ng may ari.

Ipinaaalam ko sa buong mundo na kahit ang Pilipinas ang pinakamahirap na bansa sa buong mundo, pero hindi nagpapahiwatig na ang mga Pilipino ay mga bobo at tanga, hindi lahat.

Paanong hindi ako mabubuang, mahuli ka lang sa pagpasok ng ilang minuto, kaltas ang sahod ng isang araw.

Pag hindi ka pumasok dahil may sakit, kelangan mong kumuha ng medical certificate at kung walang maipakita, kaltas ng dalawang araw.

Kapag nakipag-argue ka sa kanila, ito lang ang matatanggap mo, kaltas ng sahod, suspension or termination.

Lahat ng pinoy sa kompanyang pinapasukan ko sa dubai ay nakaranas nito.

Pero ang mga nuknukan ng tanga at bobong syrians, egyptians, jordinians at iba pang mga arabo, hinding hindi nila nararanasan ang ganito.

Hindi man sila pumasok ng ilang araw, kahit nakitang natutulog lang, makipagmurahan man sila sa may ari ng kompanya. Walang kaltas, walang suspension, at hinding hindi matatanggal sa trabaho.

Dahil ba sila'y muslim or arabo or napapabilang ang bansa nila sa GCC countries?

At itong putang pinay na siya lang sana ang pag-asa namin para ipagtanggol, siya pa ang dahilan kung bakit kami nalilintikan.

Tatlong buwan ko ring hinintay na pirmahan ang resignation letter ko. irrevocable.

Nagbakasyon kasi ang isang amo kasama lang naman ang kabit na pinay. Pagdating nila, ako pa ang nagturo sa bagong empleyado na papalit sa akin. Pinag-aralan ko pa ang bagong sistema ng ERP sa pananalapi.

Kung hindi ba naman sila tanga, bakit hindi turuan iyong mga bagong hirang na empleyado? Pati itong pinay nagiging tanga at bobo narin.

Masakit isipin na kapwa mo pa ang maglulugmok sa atin sa kasalanan, naroong isumpa ko na sila, pinagtirik ng kandila.

Naramdaman ko ang kaginhawaan ng aking puso at isipan ng nakasakay na ako ng eroplano papauwi sa Pilipinas.

Doon, wala na akong pangamba, wala na akong hinanakit, at hindi na ako makakapag-isip na masama sa kapwa, na minsan humahantong sa pagtitirik ko ng kandila.

Pagkatapos ng isang buwang pamamalagi sa Pinas, bumalik ulit ako sa gitnang silangan, pero hindi na sa lugar na iyon, at lalong hindi sa kompanyang iyon.

Ayoko ng sariwain ang mapait na alaala dulot ng madamot ng tadhana.

Dito sa bago kong buhay, nabubuhay ako ng tahimik, walang kinatatakutan, walang pag-aalinlangan na sa bawat pagkakamali, baka kaltasan ang bawat perang pinaghirapan.

Wednesday, October 21, 2009

LIVE...EVIL

Sa pagmumuni-muni ko sa aking pag-iisa, sa loob mismo ng opisina, napagtanto ko ang mga letrang ito.

LIVE...EVIL

Sa wari ko, merong purpose ang buhay natin sa mundo, ang magpakasama. Si Jesus Christ at Mary lang yata ang hindi masama simula ng mabuhay ang planet EARTH.

LIVE: kelangan nating mabuhay, at sa pamumuhay natin, nasisilayan nating ang di mga kanais-nais na nangyayari sa paligid.

WAR...CORRUPTIONS...POVERTY...STARVATION...

dahil sa mga aktibong gawaing ito, ang mga tao sa mundo ay nagiging masama.

kaya siguro, we just LIVE to be EVIL.

EVIL...LIVE

kabaligtaran sa nauna, pero pareho lang ang kahihinatnan.

kelangan mong maging masama para mabuhay sa mundo.

Saturday, August 15, 2009

No Blogs No Entry...

Ganun siguro ang blogs, sa una lang exciting pero kalaunan, nakakatamad naman pala. ang blogs ay pinagandang salita lang pala ng diary, pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao, mostly bading... ang naisusulat, tulad ni mandaya moore, baklang maton in the suburbs, at sino pa ba?

Pero ngayon, sa halos mahigit isang buwan kong pagsubaybay at pagbabasa ng blogs nila, kasi inumpisahan ko talga sa umpisa, ngayon, halos isang entry nlang sa isang linggo.

Wala na bang magaganda at pangit na pangyayari ang nagaganap sa buhay nila? Kaya naman isa o dalawang blogs nalang ang naisusulat sa loob ng isang linggo, minsan buwan pa.

Katulad ni Wanda Ilusyunada, siguro nga nabaliw ng tuluyan sa kaiilusyon kay Marcus, (joke lang po). si Miggs ng sikat na manilagayguy, wala ring masyadong entry, bakit kaya?

Thursday, July 2, 2009

Mga Lalaki sa likod ng Aparador


Ito ang aparador ko, gawang IKEA, mamahalin, pero hindi ako ang bumili, ang kumpanyang pinapasukan ko, kasama narin ang bed at sofa, di talaga ito para sa akin, binili ito para sa mga amo kong dutch, dahil nagsilayasan na silang lahat at ang naiwan ay ako at ang secretary naming Belgian, kinuha ko ang ibang furnitures at ang iba nmn ay ibinenta.

Tatlong beses na akong lumipat ng villa at tatlong beses ko naring nabuhat ang aparador kong ito sa tulong nga mga loyalty awardees kong kasambahay si Leon at ang jowa kong si ART. Di ko maiwan-iwan dahil maganda sia, malinis at malaki, lahat ng gamit ko kasyang ilagay… kasama na ang kay ART. Hindi pala lahat, kasi ung ibang hindi nagagamit nasa kahon sa ilalim ng kama ko.

Pero sinabi ko sa sarili ko, iiwan ko lang ang aparador, kapag di na niya kayang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Hindi ko rin kayang basta nlang itapon dahil siya ang naging saksi sa lahat ng mga ginawa namin ni ART, ang pulot-gata, ang lambingan, ang tampuhan, at ang mga lalaking naihiga ko sa kama. Siya ang naging tagapagbantay at siya rin ang nagkukubli sa mga nakaw na sandaling ginawa ko at sa mga lalaking natikman ang aking alindog. Sino-sino ba sila? Ito po sila:

Kerala – boyfriend kong Indian mula pa sa Dubai, pero wala na kami ngayon dahil naisip ko, we’re not meant to each other,

Taleb – isang cute na balouchi na minsan kong tinawag na Sweetie, na wrong send pa ako nakarating kay Kerala. Isang buwan ding naging saksi ang aparador ko sa pulot-gata namin ni Taleb, magaling siya, kung kumadjot parang laging me kalaban, laging nanggigil sa bawat ulos ng kanyang tabak.

Wassem – cleaner ng building kung saan nanduroon ang office ko, ng malaman ko kay Inag na serbisyo publiko ang mokong, pinagawa ko rin sa kanya, rubo-rubo, himod-himod at chupa kung chupa sa kepyas ko. Natanggal siya sa trabaho at di ko na alam kung nasan na siya.

Malik – nakilala ko sa Friendster, viewing-viewing then nagkayayaang magkita at ayon na, higanteng mama, hanggang kili-kili lang ako, at ang titi? ¾ lang ang kayang ipasok sa kepyas ko… nakatatlong beses rin kaming nagpakasasa sa aking kama at bigla ko nlang inayawan.

Naging saksi din ang aparador ko sa pagniniig naming ni Mohamed, pinakilala sa akin ng friend kong receptionist ng clinic kung san nagpalagay ako ng braces. Nong magkita kami, sosyal ang lolo, jeep ang car kulay red, at nalaman kong CID siya dahil sinabi niya sa akin, CID ay kahalintulad ng NBI sa pinas. Di ako nasiyahan, me amoy ang katawan at di kapaki-pakinabang ang nota, maliit. Di na naulit yon.

Iyong Jordinian na cute na merong asawang pinay. si mohanand, syrianong di marunong mag-english. Si Leyte, una kong na-feature. At ang huli si ART.