Thursday, October 22, 2009

Irrevocable Resignation

Pagkatapos ng dalawang taon at 8 walong buwang paninilbilhan sa gitnang silangan, naisipan kung umuwi sa asia pasipiko.

Hindi dahil sa marami na akong naipon o tamad na akong magmemorize ng numero, kundi pissed off na ako sa kompanyang pinapasukan ko.

Kalabanin ko ba naman ang anak lang ng may ari ng kompanya, at salungatin ang paniniwala ng head ng department ko na isang tangang pinay na kabit lang naman po ng isang anak ng may ari.

Ipinaaalam ko sa buong mundo na kahit ang Pilipinas ang pinakamahirap na bansa sa buong mundo, pero hindi nagpapahiwatig na ang mga Pilipino ay mga bobo at tanga, hindi lahat.

Paanong hindi ako mabubuang, mahuli ka lang sa pagpasok ng ilang minuto, kaltas ang sahod ng isang araw.

Pag hindi ka pumasok dahil may sakit, kelangan mong kumuha ng medical certificate at kung walang maipakita, kaltas ng dalawang araw.

Kapag nakipag-argue ka sa kanila, ito lang ang matatanggap mo, kaltas ng sahod, suspension or termination.

Lahat ng pinoy sa kompanyang pinapasukan ko sa dubai ay nakaranas nito.

Pero ang mga nuknukan ng tanga at bobong syrians, egyptians, jordinians at iba pang mga arabo, hinding hindi nila nararanasan ang ganito.

Hindi man sila pumasok ng ilang araw, kahit nakitang natutulog lang, makipagmurahan man sila sa may ari ng kompanya. Walang kaltas, walang suspension, at hinding hindi matatanggal sa trabaho.

Dahil ba sila'y muslim or arabo or napapabilang ang bansa nila sa GCC countries?

At itong putang pinay na siya lang sana ang pag-asa namin para ipagtanggol, siya pa ang dahilan kung bakit kami nalilintikan.

Tatlong buwan ko ring hinintay na pirmahan ang resignation letter ko. irrevocable.

Nagbakasyon kasi ang isang amo kasama lang naman ang kabit na pinay. Pagdating nila, ako pa ang nagturo sa bagong empleyado na papalit sa akin. Pinag-aralan ko pa ang bagong sistema ng ERP sa pananalapi.

Kung hindi ba naman sila tanga, bakit hindi turuan iyong mga bagong hirang na empleyado? Pati itong pinay nagiging tanga at bobo narin.

Masakit isipin na kapwa mo pa ang maglulugmok sa atin sa kasalanan, naroong isumpa ko na sila, pinagtirik ng kandila.

Naramdaman ko ang kaginhawaan ng aking puso at isipan ng nakasakay na ako ng eroplano papauwi sa Pilipinas.

Doon, wala na akong pangamba, wala na akong hinanakit, at hindi na ako makakapag-isip na masama sa kapwa, na minsan humahantong sa pagtitirik ko ng kandila.

Pagkatapos ng isang buwang pamamalagi sa Pinas, bumalik ulit ako sa gitnang silangan, pero hindi na sa lugar na iyon, at lalong hindi sa kompanyang iyon.

Ayoko ng sariwain ang mapait na alaala dulot ng madamot ng tadhana.

Dito sa bago kong buhay, nabubuhay ako ng tahimik, walang kinatatakutan, walang pag-aalinlangan na sa bawat pagkakamali, baka kaltasan ang bawat perang pinaghirapan.

No comments:

Post a Comment