Sunday, October 25, 2009

The Usher & the Movie


Nabuburaot na ako sa buhay ko dito sa desyerto.

Wala man lang mapuntahan kundi Manar Mall.

Merong ibang choices like, Al Hamra mall & SAfer mall, e ano naman pagkakaiba ng mga malls kundi wala?

Naisipan kung manood nalang muna ng bagong palabas.

Isa lang ang nagustuhan ko, hindi dahil sa mukhang maganda, dahil nandun si Mila, ang zombie slayer ng Resident Evil.

Dalawampung minuto pa bago magsimula ang palabas, pero hindi muna ako pumasok sa loob bagkus, nakipagkwentuhan muna sa isa kong friends dun, si Glaiza.

Parang bading kung makipagkwentuhan ang belat, walang pakialam kahit nakatutok sa amin ang CCTV camera. Malakas ang tawa, maraming kwento.

Maya -maya lang naisipan ko munang pumasok, bumili muna ako ng mais at water.

Hinanap kung iyong isang usher na cute, si Christian, wala raw siya, day off.

Lagi kong minamasdan ng palihim si Xtian kapag nanonood ako ng sine with my kabit.

Pero sa pagkakataon iyon, wala akong kasama, at di ko rin nakita si Xtian.

Ngunit meron pang isang Xtian, siya ang nagbigay ng mais at water.

Kunting tanungan lang, kunting ngitian, ang kunting pangarap lang habang nakamasid ako sa mukha niya.

Matangkad, medyo payat, me malabalahibong pusang bigote at balbas.

Mukhang masarap, naisip ko.

Sana hindi lang ang pagkakataong iyon na masisilayan ko siya.

Sana merong pagkakataong magkakilala pa kami, magkakwentuhan, at makilala namin ang sarili namin ng lubusan.

Naks, nangangarap na naman ako. Pero bakasakali lang nman. Wag lang malaman ni kabit na may bago akong pag-ibig.

Isang pag-ibig na umusbong sa sinihan.

Thursday, October 22, 2009

Irrevocable Resignation

Pagkatapos ng dalawang taon at 8 walong buwang paninilbilhan sa gitnang silangan, naisipan kung umuwi sa asia pasipiko.

Hindi dahil sa marami na akong naipon o tamad na akong magmemorize ng numero, kundi pissed off na ako sa kompanyang pinapasukan ko.

Kalabanin ko ba naman ang anak lang ng may ari ng kompanya, at salungatin ang paniniwala ng head ng department ko na isang tangang pinay na kabit lang naman po ng isang anak ng may ari.

Ipinaaalam ko sa buong mundo na kahit ang Pilipinas ang pinakamahirap na bansa sa buong mundo, pero hindi nagpapahiwatig na ang mga Pilipino ay mga bobo at tanga, hindi lahat.

Paanong hindi ako mabubuang, mahuli ka lang sa pagpasok ng ilang minuto, kaltas ang sahod ng isang araw.

Pag hindi ka pumasok dahil may sakit, kelangan mong kumuha ng medical certificate at kung walang maipakita, kaltas ng dalawang araw.

Kapag nakipag-argue ka sa kanila, ito lang ang matatanggap mo, kaltas ng sahod, suspension or termination.

Lahat ng pinoy sa kompanyang pinapasukan ko sa dubai ay nakaranas nito.

Pero ang mga nuknukan ng tanga at bobong syrians, egyptians, jordinians at iba pang mga arabo, hinding hindi nila nararanasan ang ganito.

Hindi man sila pumasok ng ilang araw, kahit nakitang natutulog lang, makipagmurahan man sila sa may ari ng kompanya. Walang kaltas, walang suspension, at hinding hindi matatanggal sa trabaho.

Dahil ba sila'y muslim or arabo or napapabilang ang bansa nila sa GCC countries?

At itong putang pinay na siya lang sana ang pag-asa namin para ipagtanggol, siya pa ang dahilan kung bakit kami nalilintikan.

Tatlong buwan ko ring hinintay na pirmahan ang resignation letter ko. irrevocable.

Nagbakasyon kasi ang isang amo kasama lang naman ang kabit na pinay. Pagdating nila, ako pa ang nagturo sa bagong empleyado na papalit sa akin. Pinag-aralan ko pa ang bagong sistema ng ERP sa pananalapi.

Kung hindi ba naman sila tanga, bakit hindi turuan iyong mga bagong hirang na empleyado? Pati itong pinay nagiging tanga at bobo narin.

Masakit isipin na kapwa mo pa ang maglulugmok sa atin sa kasalanan, naroong isumpa ko na sila, pinagtirik ng kandila.

Naramdaman ko ang kaginhawaan ng aking puso at isipan ng nakasakay na ako ng eroplano papauwi sa Pilipinas.

Doon, wala na akong pangamba, wala na akong hinanakit, at hindi na ako makakapag-isip na masama sa kapwa, na minsan humahantong sa pagtitirik ko ng kandila.

Pagkatapos ng isang buwang pamamalagi sa Pinas, bumalik ulit ako sa gitnang silangan, pero hindi na sa lugar na iyon, at lalong hindi sa kompanyang iyon.

Ayoko ng sariwain ang mapait na alaala dulot ng madamot ng tadhana.

Dito sa bago kong buhay, nabubuhay ako ng tahimik, walang kinatatakutan, walang pag-aalinlangan na sa bawat pagkakamali, baka kaltasan ang bawat perang pinaghirapan.

Wednesday, October 21, 2009

LIVE...EVIL

Sa pagmumuni-muni ko sa aking pag-iisa, sa loob mismo ng opisina, napagtanto ko ang mga letrang ito.

LIVE...EVIL

Sa wari ko, merong purpose ang buhay natin sa mundo, ang magpakasama. Si Jesus Christ at Mary lang yata ang hindi masama simula ng mabuhay ang planet EARTH.

LIVE: kelangan nating mabuhay, at sa pamumuhay natin, nasisilayan nating ang di mga kanais-nais na nangyayari sa paligid.

WAR...CORRUPTIONS...POVERTY...STARVATION...

dahil sa mga aktibong gawaing ito, ang mga tao sa mundo ay nagiging masama.

kaya siguro, we just LIVE to be EVIL.

EVIL...LIVE

kabaligtaran sa nauna, pero pareho lang ang kahihinatnan.

kelangan mong maging masama para mabuhay sa mundo.

Monday, October 19, 2009

Elevator

Taong 2004 ng dumating ako sa Dubai, first time mag-abroad kaya aanga-anga, hindi tatanga-tanga kasi di naman ako ganun.

newiez, ilang buwan narin akong namamayagpag sa dubai lalo na sa makasalanang al rigga road.

Makasalanang lugar dahil tirik pa ang araw, marami ng chikwa at russian na mga pocahontas ang rumarampa sa kahabaan ng al rigga, angbebenta na aliw, naglalako ng laman.

E ako naman, dahil may lahing maria clara, rumampa ng nag-aagaw ang liwanag at dilim, maalinsangan ang panahon, naka white shirt lang ako na medyo fit at short na kalahati lang ng legs ko ang natatakpan, in short, short talaga siya.

balingkinitan ang bakla dati, maputing baluga, at wala pang reading glass na suot, naglalakad sa gilid ng al rigga at umaawit pa ng "dadalhin kita sa aking palasyo".

Mabagal ang lakad ko, di ko alam kunwari na di ko alam maraming nakatingin sa akin.

Napansin ko me sumusunod at minsan tumatabi sa akin, cute he was, wearing black long sleeve ang medyo fit na pants na talagang umbok na umbok ung umbok.

Napalingon ako kunwari sa kanya, aba'y pucha, ang gwapo, matangkad, bukas ang 2 buttons ng longsleeve at nakikita ko ang balahibong pusa sa dibdib.

Iranian daw siya, 19 years old lang.

Biglang pumitlag ang keps ko ng ngumiti siya sa akin at sabay, "it's really hot today," sabay pagaspas ng kanyang polo na parang sinasabing silipin mo ang aking dibdib., mapapasaiyo itoh.

Ngumiti lang ako ng hindi nakikita ang teeth kasi wala pa akong brace noon.

Few minutes passed, nakikita ko nalang ang aming sarili na paakyat sa isang building, mukhang luma na. Pinidot ang elevator, pumasok kami at pinindot ung pinakatuktok ng building.

Ask ko siya kung dun siya nakatira, di siya umimik. Nasa tuktok na kami at napansin ko na stockroom pala iyon ng building. maraming nakatambak na balde, mop at gamit sa paglilinis.

Biglang sibasib ng isang nag-aapoy na hayop at di ko siya napigilan, Ninanamnam ang bawat sulok ng aking bibig at ang kamay niyang parang walang awang pinipiga ang aking mga dibdib,

Maya maya lang sinabunutan ako at pinaluhod, hindi ko magawang umiyak at magmakaawa sa kanya, kahit sa nasasaktan ako sa ginagawa niya, ayoko paring magmakaawa.

Bagkus, pumikit lang ako at ninamnam ang hagupit ng isang nag-aapoy na taga na bumabayo sa aking bibig.

Ilang beses din akong napapasuka at naluluha. Pero hindi ako nagsisisi dahil iyon ang matagal ko ng hinahanap sa dubai, ang kastiguhin ako ng sarap.

Habang nakaluhod at umaawit ng walang lyrics, nilalapirot ko ang kanyang mga utong, pinipiga naman niya ang aking buhok.

Ilang saglit pa'y bigla siyang nangisay at napatingkayad at sumabog ang nag-uumapaw na init na nagmumula sa kaibuturan ng kanyang pagnanasa.

Tumigil ako sa paghinga at di ko ginagalaw ang aking mga labi, pagkatapos mahimod ang tamod ng kasiyahan, para siyang nakakadiring inumin na dinura ko sa kung saan man.

Tapos na ang libog, nairaos ang pagnanasa, sabay rin kaming bumaba sakay ng elevator, walang imikan, parang hindi magkakilala.

Totoo naman, nalasahan ko ang kanyang mga labi at katas ng kanyang pagnanasa, pero di ko naitanong ang kanyang pangalan.

Hanggang dun lang, magparaos at marausan.

Thursday, October 15, 2009

Rough & Dry

Dalawang linggo na akong walang maayos na tulog, wala parin si kabit, pero malapit na siyang dumating.

Ibig sabihin nito, dry na dry na ako, unti unti ng nagsasara ang daluyan ng aking kaligayahan.

Sinisikap kong maghanap ng makakapagpatid ng aking pagkauhaw sa laman, lumalabas akong mag-isa, nanonood ng sine ng mag-isa, nagbabakasakaling merong pumansin sa akin.

Bigo ako sa bawat gabing ibinibilad ko ang aking kagandahan sa ilalim ng buwan.

Sinikap kong hanapin ang listahan ng mga numero ng aking mga nakaniig, pero bigo na naman ako, wala na sila sa phonebook, deleted at cannot be retrieve.

Sinariwa ko ang mga lalaking nagdaan sa aking buhay, ang nagbigay ligaya sa bawat tanghali at gabing ako'y nangungulila.

Nasaan na iyong pinoy na walang kasimbango ang kanyang pagkalalaki? Tanghaling tapat kung kami ay magkita, iyon lang ang oras na pwede naming pag-isahin ang aming mga isip puso at katawan.

Nasaan na iyong paksiw na rumurubo? kahit di kalakihan ang pagkalalaki niya pero binabawi niya sa performance, talagang matatanggalan ako ng tadyang kung umayuda, titindig ang balahibo ko kapag pinapasok na sa bunganga niya ang aking totooooot at nararamdaman ko ang init ng hininga ng kanyang bunganga.

Nasaan na iyong batang pana na kay sarap damhin ang bawat ulos niya sa akin?

Hanggang pangarap nalang ba ako sa panahong ito? ngayon ko sila kailangan, pero nasaan sila?

Kung kelan wala si Kabit, wala rin ang mga lalaki sa tabi ko.

Mga lalaki, please magparamdam kayo sa akin.

Saturday, October 3, 2009

Missing you, Kabit

It's 10 am of friday morning, got a miscall from Art. of course from Philippines un.

I rejected the call and call him instead, mahal kaya sa pinas ang tawag international.

Unang bungad, "Nan?!" nawendang ako sa narinig ko.

Pag hindi rain o di kaya'y gha ang tawag niya sa akin.

"Nasaan kaba?" tanong ko na nagpabalikwas sa akin sa kama.

"Nandito na ako sa roxas, sa mga anak ko, pero yong bunso ko ayaw lumapit sa akin."

"Naninibago lang un kasi nung isilang siya hanggang sa paglaki di ka niya nakita. Nanjan ba asawa mo?"

"Oo."

Yon lang, na-gets ko na kung bakit pangalan ko ang binanggit niya. Gusto kong maiyak wala sa tabi ko si Art, hirap akong makatulog, 3 nights na laging late 2 or 3 am.'

Miss na miss ko na siya, miss ko na yong ginagawa ko sa kanya na kinukurot ng aking mga daliri sa paa ang kanyang hita ng tatlong beses bago matulog.

Pag ginawa ko iyon hudyat iyon para matulog na ako. At hudyat naman para halikan niya ako. Dati sa lips pero ngayon sa pisngi nalang.

Tumawag siya ulit kanina ganung oras parin, wala daw siya sa bahay, kaya narinig ko ang katagang 'Gha'.

28 days nalang daw at magkikita na kami.

Binibilang niya ang araw, minamadali niya ang paglipas ng gabi.

Pagkakataon ko na sanang rumampa, maghanap, pero bakit wala ako sa mood? Siya lang ang iniisip ko. Kahibangan ba 'to? Kalokohan?

Pero sisikapin kong magpakasaya habang wala siya.

Thursday, October 1, 2009

Change

Gusto ko ng mabago ang life ko.

Grabeng hirap sa puso, isip at damdamin ang naranasan ko nitong 2009.

Malaking pera na nawala sa akin na di ko alam kung saan napunta, hanggang ngayon pera parin ang kinakaharap kong problema. Nitong taon lang, isang paluwagan kasama ang isang buwang suweldo, isang annual leave kasama ang isang buwang sweldo, at me darating na namang paluwagan at isang buwang sweldo.

Baka nga siguro kailangan ko ng magbago. Magpakatotoo. Magmahal at magpatawad.

Pero alam kong maraming nagmamahal sa akin, may nagmamahal sa akin, ng walang kapalit.

Ngunit iba ang kahulugan ng pagmamahal na nakikita nila, bakit hindi sila maniwalang wagas na pag-ibig ang iniaalalay niya?

Siguro kailangan ko ng magbago. Tahakin ang tamang daan, iwasan ang nakakabighaning kasalanan, iwanan ang masalimuot na kapalaran.

Ilang buwan narin kaming hindi nag-uusap ng sister ko na nasa Dubai, simple lang, ayaw niya sa lalaki ko, pero pinaglaban ko iyon.

Iniwasan ako ng mga kaibigan ko, dahil sa lalaki ko, pero ipinakita kong mas masaya ako sa piling niya. At hindi rin ako kasing yaman at kasing ganda nila.

Deadma ako sa mga dati kong kasama sa bahay, ilang beses narin akong lumipat ng bahay, dahil sa lalaki ko, pero ipinakita kong hindi ang lalaki ko ang dahilan sa lahat ng nangyari.

Mahigit sa isang dosena ang email add ko, sa yahoo, hotmail, gmail, at marami akong networking accounts na sinalihan, friendster, facebook, netlog, blogger, rogers, at myspace. Gusto ko isa nalang.

Saan ba talaga ako pupunta? Ano ba talaga ang gusto ko? Gusto kong maging isang ganap na nilalang. Isa ang patutunguhan.

Saan ako pwedeng magsimula, at ano ang dapat kong wakasan?

Habangbuhay nalang ba akong ganito?