Showing posts with label Love Binds. Show all posts
Showing posts with label Love Binds. Show all posts

Thursday, November 12, 2009

HONESTY is such a lonely word...

Im just being honest to my partner right now, he seems we're finally getting there to the end of road.

Kapag dalawa lang kami sa room, while watching TV, he always utter on what will i do when he transfer in other place.

I just said, live a normal life. Balik sa dating gawi, enjoy with friends.

Nalungkot siya sa mga narinig, parang binubudburan ng pamintang durog ang nagdurugo niyang puso.

Hindi iyon ang gusto niyang marinig, alam ko.

Ilang beses niya akong tinanong kung maghahanap parin daw ako ng magiging partner.

Taus-pusong kong sinabi, BADING ako, hindi mawawala sa akin ang maging makati, maghanap ng saya, pero sinabi ko rin sa kanya na hinding hindi na ako makikipagrelasyon lalo't makipag live-in.

Tama ng isang beses, at ayoko ng ulitin.

Pinangako nalang niya sa akin, na hinding-hindi siya magbabago, hindi ako iiwan kahit saan man siya naroroon, kami paring habambuhay.

Magiging kami kahit saan man kamin mapadpad kung iyon ang kapalaran namin.

Pero ayoko lang isipin na kahit malayo siya sa akin at baka magbilang ako ng taon bago magkita ulit, ayoko namang mangako sa kanya na hindi ako manlalalaki.

Hahanapin ko ang nakagawian ko na, pero sinabi ko sa kanya na hindi ako makikipagrelasyon.

Siya ang una at huling gagapos ng aking puso at damdamin.

Masakit marinig ang katotohanan.

Monday, November 2, 2009

Mama Please Don't

Late akong pumasok sa office.

Lintik kasi itong tiyan ko nag-alburoto kaninang madaling araw.

Nagising akong ng 3:00 AM, kabado pa ako kasi nga takot akong mag-isa at lalong takot ako sa dilim na mag-isa. Naalala ko pa ung movie ni maricel s. na T2, gumagala raw ang mga engkanto pagpatak ng 3:00 kasi iyon daw ang alas-dose ng mga engkanto.

Paglabas ko ng kwarto, binuksan ko lahat ng ilaw sa sala hanggang toilet.

Dalawang beses akong bumalik sa toilet, 3am at 530 am, after that, naisipan kung lutuin ang sitaw at baboy.

Pagpasok ko ng opisina ko, una kong binuksan siyempre ang aking YM.

Biglang buzz kagad ang sister ko sa dasmarinas, then sabay message.

Sister: 'ininform knb ni Mel?'

Ulan: 'tungkol san?'

sister: 'si mama dinala sa hospital.'

Bilang isang mama's boy/girl/palaka, nanginig ang buo kong pagkatao, nanlamig at tumayo ang mga balahibo ko sa katawan, pati yata iyong bulbol ko kasi parang nanigas.

Ulan:'sandali tawagan ko si papodang.'

Kringggggggggggg...

Unang bungad.

Ulan: 'anu na naman ang nangyari kaya mamudang?' hindi niyo na nmn inasikaso, pinabayaan nio na nmn. bakit hindi nio man lang kami ininform?, nagpaparamdam lang kayo kung me kelangan kau?. walang preno ang bibig ko habang nagsasalita sa pag-aakalang si sister ng bohol iyong kausap ko.

Sister ko sa bohol: 'tumaas kasi ang HP kaya sinugod na namin sa hospital.'

Ulan: 'ay, papudang ikaw pala yan?' ano bang nangyari?. siyempre malumanay ang boses ko sa pagkakataong ito.

Napag-alaman na tumaas ng 180/100 ang dugo ni mamudang, na ikinagulantang ng lahat. dati sa klinikang bayan lang nila dinadala pero ngayon sa HOSPITAL na.

Hindi pa nila alam ang magiging desisyon ng doctor at sinabi sa akin na ite-text ako pagnalaman na nila.

Limang oras na ang lumipas wala parin akong natatanggap na message.

Di ko alam kung ano na ang kinalabasan ng resulta ni mamudang.

Huwag nmn sanang humatong sa naiisip ko, virgin pa ako, wala pang asawa't mga anak, hindi pa nakikita ni mamudang ang magiging apo nia sa akin.

Wala pa akong resthouse sa gitna ng isang maliit na isla sa isla namin.

Mamudang, tibayan niyo po ang katawan nio, labanan nio po si Satanas, uulan ng malakas pag me nangyaring masama.

Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang, ampangit ko kasing umiyak, nakita ko na sa sarili ko ng umiyak ako ng vonggang-vongga at napadaan ako sa salamin.

Talagang tumigil ako at tinignan ang ichura ko habang tumutulo ang maalat na luha at nakakadiring sipon.

Saturday, October 3, 2009

Missing you, Kabit

It's 10 am of friday morning, got a miscall from Art. of course from Philippines un.

I rejected the call and call him instead, mahal kaya sa pinas ang tawag international.

Unang bungad, "Nan?!" nawendang ako sa narinig ko.

Pag hindi rain o di kaya'y gha ang tawag niya sa akin.

"Nasaan kaba?" tanong ko na nagpabalikwas sa akin sa kama.

"Nandito na ako sa roxas, sa mga anak ko, pero yong bunso ko ayaw lumapit sa akin."

"Naninibago lang un kasi nung isilang siya hanggang sa paglaki di ka niya nakita. Nanjan ba asawa mo?"

"Oo."

Yon lang, na-gets ko na kung bakit pangalan ko ang binanggit niya. Gusto kong maiyak wala sa tabi ko si Art, hirap akong makatulog, 3 nights na laging late 2 or 3 am.'

Miss na miss ko na siya, miss ko na yong ginagawa ko sa kanya na kinukurot ng aking mga daliri sa paa ang kanyang hita ng tatlong beses bago matulog.

Pag ginawa ko iyon hudyat iyon para matulog na ako. At hudyat naman para halikan niya ako. Dati sa lips pero ngayon sa pisngi nalang.

Tumawag siya ulit kanina ganung oras parin, wala daw siya sa bahay, kaya narinig ko ang katagang 'Gha'.

28 days nalang daw at magkikita na kami.

Binibilang niya ang araw, minamadali niya ang paglipas ng gabi.

Pagkakataon ko na sanang rumampa, maghanap, pero bakit wala ako sa mood? Siya lang ang iniisip ko. Kahibangan ba 'to? Kalokohan?

Pero sisikapin kong magpakasaya habang wala siya.

Saturday, August 8, 2009

LAUGH OUT LOUD

COURTESY OF MY FRIEND ... QUAIO

Happy Weekend! J

Makabagong kasabihan: Kagandahan edition

1 ) Para sa magaganda: "aanhin mo ang ganda, kung wala ka namang papa." (oo nga no. sad life, sad evening, sad days)

2 ) Para sa gustong magpaganda/retokada : "kung gusto mong lumandi, tiisin mo ang hapdi"(nagpalagay lang po ako ng braces at wearlalu ng contact lense para gumanda akech)

3 ) Para sa mga feeling magaganda: "talbog ang matigas na tinapay sa tigas ng mukha ng nagmamagandang inday" (hahahaha, no comment)

4 ) Para sa mga walang ganda: "mabait man daw at magaling, ang chaka-chaka pa rin" (sana super duper bait nlang siya kahit chuck-chaka dolls siya at least wala siyang maririnig na kapintasan sa mga laitirang bading)

5 ) Sabi ng bading : "Walang matinong lalake sa malanding kumpare" (pa-ayaw ayaw pa sila pero kumakadjot nman ang puwet)

6 ) Isa pa : "Aanhin mo ang guwapo, kung mas malandi pa sa iyo?" (uso ngayon yan, sila-sila, kami-kami, pakshet!)


Isang tanong:

T: Ano ang pinakamasakit na maramdaman kung matanda na tayo?
S: 'Yung paggising mo, tapos, pagtingin mo sa tagiliran, matanda rin ang iyong katabi.


Mga PAMATAY na HIRIT.. (bwehehehehe)

"Kumain ka ba ng asukal? Ang tamis kasi ng ngiti mo!"

"May lahi ka bang keyboard? Type kasi kita!"

"Ipapupulis kita! Ninakaw mo kasi ang puso ko!"

"Are you a dictionary? Kasi, you add meaning to my life."

"Meron ka bang lisensya? Kasi, you drive me crazy."

"I lost my number. Can I have yours?"

"Angel ba ang name mo? Kasi, you look like one."

"I forgot your name. Can I call you mine?"


PAMATAY na REPLY:

"Excuse me, kumain ka ba ng mais? Ang corny mo kasi!"


7 tips para maiba naman ang araw mo:
1. Sikmuraan ang unang taong kasalubong at humingi ng sorry.
2. Uminom ng pampatulog labanan ito, magexercise.
3. Tibagin ang bahay gamit ang kutsara at buuin muli.
4. Himatayin kunwari sa daan, tiyaking may tao.
5. Tahiin ang puwet at magpatingin sa doctor.
6. Kurutin ang nakababatang kapatid pagkatapos unahan mong umiyak.
7. Makapagtitigan sa isda. Huwag titigil hanggat hindi ito kumukurap…


Ang KULET!!!!

JEEP PASSENGER: manong bayad.
JEEP DRIVER: saan galling?
JEEP PASSENGER: sa akin.
JEEP DRIVER: papunta saan?
JEEP PASSENGER: sayo.


Ibang Klaseng Doktor:

Babae: Doc, kumusta na ang asawa ko?
Doc: Sorry ma'am. Mula ngayon, ikaw na ang magpapakain at magpapaligo sa kanya, kasi, putol na ang kanyang mga kamayat paa.
Babae: Hah?! Hindi nga?!?
Doc: Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!


Sintomas ng PINOY LOVE:

As if walang pakialam pero deep inside, worried na… miss na miss na...

Pag nag-text, "So what?" daw Pero later, magre-reply rin naman.

Pa-erase-erase pa ng number kunwari pero… hello… memoryado naman 'yung number .

Kapag hindi tine-text ng bf/gf niya, kunwari, na-wrong send para magpapansin.

Ayaw mag-text pero nagtatanong sa barkada ng bf/gf niya kung kumusta na.

Haaayy… LOVE nga naman sa Pilipinas, oh… pang-adik!

Wednesday, July 29, 2009

Party sa Bahay

July 26, 2009, the first ever celebration held in our villa for remembering 2nd year anniversary of life and sex between donna & will, correction for the previous blogs stated as 4 years, as calculated again, its only 2 years of happily ever after.

It is a night that gathers all the glamourous and famous, beauty & beasts, laughter & music.

It is a night with liquor, beer and wines, foods and appetizers.

It's raining men..

Sunday, July 26, 2009

Orbit

I had just the called the TFC to stop debiting my credit card for monthly renewal as i haven't a connection for almost 4 months now.

I did ask (not once but many times) their installer to come by and install my TFC subscriptions for i have transferred to other location, but alas, 3 months gone...

Its good Ms. Lei was very friendly and accomodating, she'd never attempts me to burst into anger.

She was calm, and so did I.

After office, its actually my day-off that saturDAY, our secretary is currently on leave, I decided to pass by in showtime station to subscribe ORBIT pinoy tv channel. Unfortunately, it's still closed, and tried to call their numbers, a mobile number but no one answered.

My 3 folded blue umbrella did not help me not to sweat and even on my thighs, I can feel the essence of liquid flowing down on my legs. Meaning, it is really hotty and humidity arises every minute.

I landed in Donna's saloon, i was starving, my legs are shaking, i can feel the cold sweat on my forehead, i didnt have my lunch, just a cup of cafelatte & turkey sandwich. Doesn't enough?

I need more carbohydrates everyday, a plateful rice, maybe two. I can't live without it. I can't live with bread only in my stomach.

I'm grateful that one of donna's customer is very generous, he offers a meal of chicken. I thanked him a lot for saving my friendly crawly things in my stomach. I'm alive again.

In between meals, donna and I talked about for the preparations on sunday evening, its a big celebration i may say, for donna and will, as they will be celebrating their 4th year of understanding, love and cares...

In every "happily ever after" story, there should always be a "once upon a time", and for them, their "once upon a time" took 4 years or there would be another 4 years for "happily ever after".

To donna & will, congratulations, the love that binds between both of you would surpass all tragedies, obstacles, pain and heartaches. viva senior & seniora.

ang tunay na nagmamahalan ay hindi nasusukat sa ganda at kinang ng paligid, sa mga bagay na nagbibibigay ng panandaliang kasiyahan, bagkus, nasusukat ito sa tunay na pagsasama, pagkakaunawaan, at pagbibigayan.

ang tunay na pagmamahalan, ay hindi mananakaw, at lalong hindi masisira ng mga mapanghusgang mata, at mapanirang salita mula sa mga taong kulang sa pag-ibig o namamalimos ng pag-ibig.





Wednesday, July 22, 2009

Nine

It's 9 days without blogs posted, 9 days of stress, 9 days of preparations for an audit, and it's been 9 months now since we've meet. Yes, its our 9 monthsary, today. i'm glad i always had a long relationship,

i dont care if people will categorized me as a martyr, called me as stupid, tagged me as an idiot...
"I did not kill anybody?" popular statement of La Aunor.
for my self, i can simplify only for having 3G's, Good, Gorgeous, & Generous...

Good - i dont want to be perfect, i dont want to be intelligent, i have no decision making strategy, what comes around, comes around, even if it will knock you down...

Gorgeous - im not smart, im not beautiful, i have no means of crowning glory, its just like when people passed by, it's like, "oh, look of the year",

Generous - well, everybody knows I'm one of a kind, i used to provide for others kahit walang-wala ako.

mahirap mag-isip sa ngayon kung anong magandang topic, pero at least after 9 days, i have published a blog... a non-sense blog.

Tuesday, July 7, 2009

Paglisan part 2

Natapos ang gabi na nagkabati kami at magkayakap sa pagtulog, di ko alam kung nagkaroon ba kami ng “yeah baby” moment that time.

Well, balik tayo sa dating kuwento, ano ba ang nararamdaman ng isang taong malapit ng iwanan? Mga bobo ang mga taong hindi alam kung ano ang pakiramdam ng isang iiwanan ng taong iyong minahal, inalagaan, naging kasama sa pagtulog sa loob ng mahigit walong buwan. Masakit isipin, mapait, masaklap, isipin ko na ang lahat ng dapat na isipin, wala akong magagawa, iiwanan na niya ako. Iyon ang totoo.

Habang ipinagpatuloy niya ang pagbabalot ng packaging tape sa malaking kahong pagsisidlan niya ng kung ano-anong anik anik na ipapadala sa pamilya niya, kinunan ko siya ng picture. Sa isip ko, magandang magkuwento sa blogs kapag merong pictures ang bawat anggulo ng pangyayari.
Hindi parin mawala sa isip ko kung ano ang magiging emosyon ko sa araw ng paglisan niya. Matagal pa naman, bibilang pa ng dalawang buwan. Hindi ko naranasan ang iwanan ng minamahal, bagkus ako ang nang-iiwan.
Sa pagkakataong ito ko lang yata mararamdaman kung pano ba ang damdamin ng isang iiwanan, mag-iisa, magiging malamig ang gabi, mapait na mga sandali, sa bawat pagdilat ko’y wala akong makitang nilalang na nakayakap sa akin, wala akong mararamdamang pinting ng puso na para bang isang musika na humuhuni sa aking tenga. Wala akong mararamdamang ‘umbok’ na nakatutok sa akong puwet, sa tagiliran, sa hita, at minsan sa tiyan.

Pano ako mabubuhay kung wala na siya? Hahanap-hanapin ko ang kanyang mga binti na kinukurot lagi ng aking mga daliri sa paa bago ako matulog. Kaninong ‘umbok’ ang hihimasin ko na siyang nagbibigay sa akin ng kapayapaan bago ako matulog?

Sabagay, sabi nga nila, maliit lang daw ang mundo, at bilog pa raw. Magkikita parin kami, iyon nalang ang itatanim ko sa “alimpatakan” ko, balang araw, magkikita rin kami, magsasama at magiging masaya sa piling ng bawat isa. Parang “Brokeback mountain”, si Ennis del Mar & Jack Twist, sa loob ng maraming taon, nagkita parin sila, nagkaroon ng mga pamilya, pero sila parin ang itinadhana, yon nga lang pinatay si Jack Twist.

Sa amin kaya, sino kaya si Jack Twist, sino kaya ang unang mawawala? Huwag naman sana ako, wala pa akong mga anak, wala pa akong sariling bahay, at lalong wag naman sana siya no? maliliit pa mga anak nun.

Ayoko munang pangunahan ang emosyong gusto kong mangyari sa araw na iyon, malay mo, baka isang pagdiriwang ang araw na iyon para sa akin? Pero hindi ganun lang iyon, may pinagsamahan na kami, malalim na, mahal na namin ang isa’t-isa, mahal ko siya kahit alinlangan, pero mahal ko na siya, as in, pero ako, mahal niya rin ba ako? Tulad ng pagmamahal na inalay ko sa kanya?

Proven and tested na mahal niya ako, mabaliw-baliw siya pag di ako nakikita, ilang beses ng umiyak. Parang asong-ulol na nagwawala ang damdamin kapag di ko kagad nasagot ang tawag niya.

Matapos ang ginagawa niya, nilagay na niya ang ibang mga nabili na, pero di parin sapat, malaking halaga pa ang gagastusin bago mapuno ang kahon.

“naku, kulang pa ito, kelangan mo pang bumili ng mga sabon, gamit sa kusina at mga kakailanganin sa kusina,” parinig ko.

Nakatingin lang si Art sa loob ng kahon, parang naghihintay ng himala na sana sa bawat kurap niya’y mapupuno ng mga anik-anik ang kahon.

Kung kasya nga lang ang isang sofa, ipapabalot ko na. o di kaya itong lamesita.

“kelangan mong bumili ng mga kumot, unan, tuwalya para mapuno to,” sabay tingin sakin ni Art.
Parang naintindihan ko naman ang mga titig niya sa akin, “pumunta tayo bukas sa emirates market, mura lang daw dun ang mga bilihin.” Boluntaryo kong sabi sa kanya.

“300 dirhams nalang ang pera ko, ano ba ang mabibili nito?” tanong-paliwanag ni Art.

“tignan natin kung ano ang kayang mabili ng pera mo.” Pahayag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na parang may ibig sabihin. Nagkunwaring di ko na-gets iyon. Di ko nalang pinansin. Naku ha, mag-aabono na naman ako e no’ng isang araw nagdagdag ako ng 200 dirhams.

Kinabukasan, alas-singko ng hapon ang uwi ko pero nag-stay ako sa office til 6:00 pm, hinintay ko narin si Art dahil napagkasunduan naming pumunta ng emirates market.


Mahigit 300 dirhams ang nabili namin, wala sa budget ni Art kaya siyempre, to the rescue ang asawa, kaya ako na ang nagdagdag sa kulang. As usual, walang reklamo. Ganun siguro pag mahal mo ang isang tao.

Habang naghihintay ng taxi, kinunan ko siya, hanggang sa nakakuha kami ng yellow taxi.


Nang nakarating na kami sa bahay, dun palang nalaman ni Art na naiwan niya ang knapsack bag, kaya, lulan parin ng taxing naghatid sa amin, bumalik siya sa emirates market. Tsaka nalang naayos ang mga pinamili naming ng dumating na siya.











Sunday, July 5, 2009

paglisan

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang nakatingin ako kay Art na abala sa paglalagay ng packaging tape ng isang extra jumbo box ng dagupan express. Nararamdaman ko na parang may kuryenteng bumabalot sa buo kong katawan at tuloy-tuloy na dumaloy patungo sa bawat ugat ng aking mga mata, nagbabadyang lumuha.

Napatingin sa akin si Art kaya dali-dali kong kinurap-kurap ang aking mga mata para hindi matuloy ang pag-agos ng likidong nagsisimbulo ng isang emosyon. Emosyon ng kasiyahan? Or emosyon ng kalungkutan?

I’ve been less energetic nowadays. Is it because I have this emotion characterized by feeling of being alone? Or a state of mind or feelings of happiness that soon I’ll be free once again?

I remembered 8 months ago, I have proposed onto my self, that if someone will come into my life and eager to accept me and like me, (if he can love me too)of course after the love-romance with Sam, I’ll take him into my heart, care for him and love him too, more than I can give.

And then Art came into my life. I can’t describe how I felt that time when I met him, it’s against all odds, as all of my friends, best and closest, oppose my decision to have Art in my life.

Whatever negative thoughts I have heard from them, determinations to feel the love and cares of others whom I’m loved, I’d fight for the right to be pampered by someone, once again, and by this time, Pinoy.

“Hirap naman gumawa ng blogs na puro English, di ko alam gamitin ang past tense, past participle, present tense and present participle. “

Ganito nalang, tagalugin lahat…

Naging masaya rin ako sa piling ni Art. Nang sinabi ko sa kanyang magsama kami, di siya nagdalawang isip. Dahil sa ako ang nag-alok sa kanya, siyempre, gastos ko lahat, huwag nyo ng isa-isahin kung anu-ano ang mga gastusan sa bahay. Basta kung magkano ang gastos ko sa loob ng isang buwan, ganun din sa kanya. Ibig sabihin, doble ang gastos ko kada-buwan maliban pa na paminsan-minsang binibigyan ko siya ng pamasahe.


For first three months of togetherness, naramdaman ko ang saya ng isang may minamahal, nandung manood kami ng sine, kumain sa chili’s magshopping sa mall of emirates, magkasama sa Fujairah beach, at gabi-gabi ang pulot-gata.

Ako lang naman ang napabalitaang bading na may kalive-in sa lugar namin, dahil narin sa walang sawang kabo-broadcast ni “M” sa lahat ng pinoy na nakikilala niya.

Naramdaman ko lang ang paghihirap ng kalooban ko ng bigla siyang naging seloso, bawal na akong umalis ng di siya kasama, kelangan kong magpaalam sa kanya kung saan ako pupunta, kelangang kasama siya lagi kapag meron akong lakad o me mga pagsasalu-salo ang mga bading, tinatawagan niya ang kung sino mang number na nakarehistro sa mobile ko na hindi naka store.

Laging chini-chek ang inbox at outbox ng mobile ko, call history at ilang beses narin akong nahuli na may ka-text na lalaki. Bawal na akong makipagkuwentuhan sa mga lalaki dahil iniisip niya na mga lalaki ko sila dati,

Di nalang ako umiimik. Minsan nga,galing ako ng simbahan, Sunday noon, kasama ko si M. pagkatapos ng trabaho ko sinabi ko sa kanya na magsisimba ako ng 7:00.

Inilagay ko muna sa silent mode ang mobile ko para hindi disturbo sa mesa. Pagkatapos ng mesa saka ko palang ibinalik sa “general” at doon ko nakita na nakailang miscall narin siya at text.

“Gha, nasan ka na ba? Kanina pa kita tinatawagan.” Text niya sakin.

Tinawagan ko siya.

“katatapos lang ng simba, dadaan muna ko sa saloon,” sabi ko sa kanya.

“dadaanan pa ba kita jan?” aniya, 8:00 kasi ang uwian nila.

“wag na, saglit lang nmn ako, dumeretso ka na bahay, iniwan ko nmn ang susi sa lagayan.”

Habang naglalakad papuntang saloon ni Donna, tumawag si Art. Sinagot ko nmn, dati ang ringtone niya sa kin ay “Starry starry night, paint your palette blue and gray.”

Pero pinalitan ko ng “Alipin” dahil sa mungkahi narin ng kaibigan ko na hindi raw maganda ang kantang iyon.

“Gha, nasan ka naba?”

“kararating ko lang dito sa saloon, dadaan ako ng choitram, para makabili ng mga gulay.”

Dahil napasarap ang kuwentuhan di ko namalayan na tatlong minuto na pala ang nakalipas. Biglang tumunog ulit ang mobile ko.

“Starry starry night, paint your palette blue and gray.”

“Hello, paalis na ako dito sa saloon.” Sagot ko.

“kala ko ba kanina ka pa umalis at dadaan ka pa ng Choitram? Nandito na ako sa bahay.” Halatang yamot na yamot si Art.

“Sandali lang, mag-antay ka jan, uuwi naman ako.” Nayayamot ko ring sagot sa kanya.

Sa madaling salita, nakarating na ako ng choitram at nakabili narin ng mga gulay, nasa taxi na ako ng biglang tumunog ulit ang mobile ko.

Pasigaw akong sumagot,”Ano ba, hindi na nakakatuwa iyang ginagawa mo, pauwi na ako.”

“Bahala ka nga.” Tanging nasambit niya at pinatay ang phone niya.

Matagal din ang usad ng taxi dahil sa sobrang traffic. Biglang tumunog ulit ang mobile ko pero sa pagkakataong ito, hindi na iyong ringtone ni Art kundi, ringtone ng message na pumasok.

“Bahala ka nga, tinatanong ko lang kung nasan kana, dahil kanina kapa nagsasabing pauwi ka na, mahigit isang oras na ang lumipas pero wala ka parin. Simula ngayon , di na kita tatawagan, at alam ko na rin kung san ko ilulugar ang sarili ko.” Message ni Art sakin.

Parang uminit ang buo kong mukha at nagpanting ang tenga ko sa tinuran niya. Kahit nanginginig ako sa galit, tinext ko siya ng ganito:

“Gha alam mo namang galing ako ng simba, dumaan na rin ako sa choitram dahil iniisip ko kung ano ang kakainin niyo at babaunin niyo kinabukasan, kung hindi mo iniisip ang “putang-inang” kakain niyo, ako iniisip ko ‘yon araw-araw!”

Sa isip ko, kung kaharap ko lang si Art, para bang sinisigawan ko siya sa mukha at ihahampas ko sa kanya ang mga pinamili kong gulay. Pero hindi, nasa taxi ako at nasa bahay siya.

Nalaman ko nlang na me sayad na pala ang mokong dahil kalahati na ng napoleon ang nauubos niya, ng dumating na ako sa bahay, me mga bisita kaya pinigilan ko ang emosyong magwala. Di ko siya pinapansin, nilagay ko lang lahat ng mga pinamili ko sa fridge at di ko na inisip na magluto ng ulam,

“magluto kayo kung gusto niyong magluto” sa isip ko.

ITUTUOY MUNA… pagod na ako…