Monday, November 2, 2009

Mama Please Don't

Late akong pumasok sa office.

Lintik kasi itong tiyan ko nag-alburoto kaninang madaling araw.

Nagising akong ng 3:00 AM, kabado pa ako kasi nga takot akong mag-isa at lalong takot ako sa dilim na mag-isa. Naalala ko pa ung movie ni maricel s. na T2, gumagala raw ang mga engkanto pagpatak ng 3:00 kasi iyon daw ang alas-dose ng mga engkanto.

Paglabas ko ng kwarto, binuksan ko lahat ng ilaw sa sala hanggang toilet.

Dalawang beses akong bumalik sa toilet, 3am at 530 am, after that, naisipan kung lutuin ang sitaw at baboy.

Pagpasok ko ng opisina ko, una kong binuksan siyempre ang aking YM.

Biglang buzz kagad ang sister ko sa dasmarinas, then sabay message.

Sister: 'ininform knb ni Mel?'

Ulan: 'tungkol san?'

sister: 'si mama dinala sa hospital.'

Bilang isang mama's boy/girl/palaka, nanginig ang buo kong pagkatao, nanlamig at tumayo ang mga balahibo ko sa katawan, pati yata iyong bulbol ko kasi parang nanigas.

Ulan:'sandali tawagan ko si papodang.'

Kringggggggggggg...

Unang bungad.

Ulan: 'anu na naman ang nangyari kaya mamudang?' hindi niyo na nmn inasikaso, pinabayaan nio na nmn. bakit hindi nio man lang kami ininform?, nagpaparamdam lang kayo kung me kelangan kau?. walang preno ang bibig ko habang nagsasalita sa pag-aakalang si sister ng bohol iyong kausap ko.

Sister ko sa bohol: 'tumaas kasi ang HP kaya sinugod na namin sa hospital.'

Ulan: 'ay, papudang ikaw pala yan?' ano bang nangyari?. siyempre malumanay ang boses ko sa pagkakataong ito.

Napag-alaman na tumaas ng 180/100 ang dugo ni mamudang, na ikinagulantang ng lahat. dati sa klinikang bayan lang nila dinadala pero ngayon sa HOSPITAL na.

Hindi pa nila alam ang magiging desisyon ng doctor at sinabi sa akin na ite-text ako pagnalaman na nila.

Limang oras na ang lumipas wala parin akong natatanggap na message.

Di ko alam kung ano na ang kinalabasan ng resulta ni mamudang.

Huwag nmn sanang humatong sa naiisip ko, virgin pa ako, wala pang asawa't mga anak, hindi pa nakikita ni mamudang ang magiging apo nia sa akin.

Wala pa akong resthouse sa gitna ng isang maliit na isla sa isla namin.

Mamudang, tibayan niyo po ang katawan nio, labanan nio po si Satanas, uulan ng malakas pag me nangyaring masama.

Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang, ampangit ko kasing umiyak, nakita ko na sa sarili ko ng umiyak ako ng vonggang-vongga at napadaan ako sa salamin.

Talagang tumigil ako at tinignan ang ichura ko habang tumutulo ang maalat na luha at nakakadiring sipon.

No comments:

Post a Comment