Sunday, November 15, 2009

Survivor Philippines Palau

THE GAME IS OVER... Nangyari noong biernes at inianunsyo na ang ikalawang sole survivor sa balat ng Pilipinas, and its Amanda Colley Van Cooll.

A 25-year old "Probinsiyang Tisay" in Mindoro, with american father and OFW filipina mother in alaska.


Pumaibabaw ang pangalan ni Amanda laban kina Justine "Reyna ng Retoke" Ferrer, ang beauty queen at kay Jef Gaitan, ang the girl-next-door.


Apat ang nakuhang boto ni Amanda sa mga juries ang tatlo naman kay Justine.

gusto kong manalo si Justine, pero dahil siguro sa pinakita niyang attitudes for the last night before Tribal council, doon gumuho ang kanyang mga pangarap na makuha ang Php 3M tax free at ang pinaka prestihiyosong pamagat, ang PINOY SOLE SURVIVOR.

Inabangan ko ang bawat episodes ng nasabing palabas dahil gusto kong malaman ang bawat challenges na gagawin nila, at ang bawat estratehiyang ginagamit nila para mapanatili sa isla ng Palau.

Sa kabuuan, tatlo lamang sa kanila ang naging maswerteng manlalaro.

Si Shaun na nanalo ng Php 100,000 kahit natanggal sa ikalimang pagkakataon.

Si Charles de Vera Fernandez na nakuha ang Condo unit na nagkakahalagang Php 2M.

At si Amanda, na nakuha ang grand prize na Php 3M.

Ang sigaw ng buong bansa, Survivor Philippines Part 3.

Saan kaya?

No comments:

Post a Comment