Showing posts with label Gays Days. Show all posts
Showing posts with label Gays Days. Show all posts

Thursday, October 15, 2009

Rough & Dry

Dalawang linggo na akong walang maayos na tulog, wala parin si kabit, pero malapit na siyang dumating.

Ibig sabihin nito, dry na dry na ako, unti unti ng nagsasara ang daluyan ng aking kaligayahan.

Sinisikap kong maghanap ng makakapagpatid ng aking pagkauhaw sa laman, lumalabas akong mag-isa, nanonood ng sine ng mag-isa, nagbabakasakaling merong pumansin sa akin.

Bigo ako sa bawat gabing ibinibilad ko ang aking kagandahan sa ilalim ng buwan.

Sinikap kong hanapin ang listahan ng mga numero ng aking mga nakaniig, pero bigo na naman ako, wala na sila sa phonebook, deleted at cannot be retrieve.

Sinariwa ko ang mga lalaking nagdaan sa aking buhay, ang nagbigay ligaya sa bawat tanghali at gabing ako'y nangungulila.

Nasaan na iyong pinoy na walang kasimbango ang kanyang pagkalalaki? Tanghaling tapat kung kami ay magkita, iyon lang ang oras na pwede naming pag-isahin ang aming mga isip puso at katawan.

Nasaan na iyong paksiw na rumurubo? kahit di kalakihan ang pagkalalaki niya pero binabawi niya sa performance, talagang matatanggalan ako ng tadyang kung umayuda, titindig ang balahibo ko kapag pinapasok na sa bunganga niya ang aking totooooot at nararamdaman ko ang init ng hininga ng kanyang bunganga.

Nasaan na iyong batang pana na kay sarap damhin ang bawat ulos niya sa akin?

Hanggang pangarap nalang ba ako sa panahong ito? ngayon ko sila kailangan, pero nasaan sila?

Kung kelan wala si Kabit, wala rin ang mga lalaki sa tabi ko.

Mga lalaki, please magparamdam kayo sa akin.

Wednesday, August 19, 2009

Birit Bading

Birthday ni Will jowa ni Donna last monday.

Napagkasunduan na magcelebrate sa marumi at mabahong villa at invite ang lahat ng mababaho at maruruming badings at friendship... ayyyy mabaho at marumi ba talaga... sila?

Inihaw na isda at baboy ang pinagkaabalahan ni Will, si Donna pansit bam-e, ako naman, buttered shrimps with garlic and ginger.

Marami akong narinig na kapintasan sa niluto ko, kesyo daw sobrang anghang at parang ayaw raw magpakain, pero ang nangyari mas nauna pang naubos ang shrimps ko.

Hmmmp, if I know, namiss lang nila ang luto ko...

Newiez in the seven seas, unang dumating si Al T'boli me kasamang beauty queen, di nia kasama ang kanyang misis, nag-inarte daw... sabi lang nila.

Nasa loob kami ng kwarto with Art, nanonood ng something sa tv. sumungaw si Al at pinakilala si Dr. Nat, ang beauty queen niyang kasama, bago lang siya, 3 months lang, at take note isa siyang doctor pero ang work niya, purchasing marketing sales at kung anek-anek pa. doktora siya ng mga libro at pagtuturo, teacher pala siya, phd. MA, professional teacher, yan si Dr.nat.

Mabait, masayahin, walang kaarte-arte, unang pagkikita palang namin, magaan na ang loob ko, ganun naman ako e, di ako mapili sa friendship, kahit nga mataray na bading madali kong makagaanan ng loob, kasi mataray din ako. hahahahha...

Well, dumating pa ang ibang mga panauhin, after having dinner pumasok na sa kweba ang mga bading at bumirit ng mga kantang pambirit...

Naisip ko, dapat pala mag-organize ng singing contest ang mga filipino community dito sa siudad na bundok?

Pero ang mga sasali mga bading, kasi dito palang, puro bading na ang bumibirit... at dumarami ang populasyon ng bading dito sa siudad.

ang title ng pagtatagisan ng talento ng mga bading...Birit Bading... videoke ito!

Im sure maraming sasali dito.

Saturday, August 15, 2009

No Blogs No Entry...

Ganun siguro ang blogs, sa una lang exciting pero kalaunan, nakakatamad naman pala. ang blogs ay pinagandang salita lang pala ng diary, pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao, mostly bading... ang naisusulat, tulad ni mandaya moore, baklang maton in the suburbs, at sino pa ba?

Pero ngayon, sa halos mahigit isang buwan kong pagsubaybay at pagbabasa ng blogs nila, kasi inumpisahan ko talga sa umpisa, ngayon, halos isang entry nlang sa isang linggo.

Wala na bang magaganda at pangit na pangyayari ang nagaganap sa buhay nila? Kaya naman isa o dalawang blogs nalang ang naisusulat sa loob ng isang linggo, minsan buwan pa.

Katulad ni Wanda Ilusyunada, siguro nga nabaliw ng tuluyan sa kaiilusyon kay Marcus, (joke lang po). si Miggs ng sikat na manilagayguy, wala ring masyadong entry, bakit kaya?

Wednesday, August 12, 2009

Bakla Versus Tomboy

This article was written by John Lapus. Funny, witty, yet rings true. I so like the ending, so world peace! Taray mo `teh! (taken from manilagayguy)
* * *
Si Carol Dauden, na isang magaling aktres, at si Aiza Seguera, na mahusay na mang-aawit, ay umamin na�sila ay mga tomboy. Mukha naman silang masaya sa kanilang pag-amin. Mas naging malaya sila. Natanggap naman sila ng mga pamilya nila at mga kaibigan. Pero bakit ang mga bakla sa showbiz, isang damukal ang ayaw umamin. Yung iba, tumanda na, at yung iba naman, namatay na pero hindi umamin. Namatay nang nagtatago. Namatay nang hindi malaya. Kawawang bakla.
Sabi ng mga kaibigan kong tomboy, minsan daw, nakaka-get sila ng babaeng makaka-s*x nang hindi nila binabayaran. Para ding mga straight guys na minsan talk show lang at isang bote ng beer, confirmed na! Yung mga baklang mukhang babae at maganda, siguro nakaka-get ng libre, pero prangkahan na, yung iba hindi. Kahit mayaman ang bakla or sikat at powerful, pay pa din. Yung iba, hindi cash. Minsan, career or trabaho. Minsan, damit or rubber shoes. Basta, may kapalit pa rin. May mga kaibigan akong nagmamaganda. Mahal daw sila ng kanilang mga straight boyfriends. I asked them, �Try niyo nga huwag bigyan �yan ng allowance or work, tignan ko lang kung boyfriend mo pa �yan.� Ayaw naman nila i-try. Kawawang bakla.
Ang dami kong kilalang tomboy na ang girlfriend babaeng totoo �tapos tumagal ang relasyon. Sa mga bakla, ang tumatagal lang yung bakla sa baklang relasyon. Kawawang bakla.
Lima na ang kakilala kong baklang pinatay. Yung dalawa, ka-close ko pa. Nagkaroon tuloy ng chismis na baka may gay serial killer. Pero tomboy, walang masyadong pinapatay. Naisip ko, itong mga gay killers, they know na kaya nilang patayin ang mga kawawang bakla na biktima nila. Honestly, minsan naisip ko, kung meron kayang bakla na serial killer naman ng mga lalaki? Bongga, di ba? Pero mga salbahe lang ang pinapatay niya. Kaya lang �pag nahuli, kawawang bakla.
Parang boring ang kumalat na picture ng Mocha girls na naghahalikan. Pero kung member ng all-male group ang may kumalat na picture na naglalaplapan, kahit biruan lang din tulad ng sa Mocha, I�m sure-manicure-pedicure-kulot, hanggang next year ay headline �yon. Pagchi-chismisan sa beauty parlor, palengke, school, opisina, prisinto, at sa batis habang naglalaba. Kasi recently ko lang nalaman, na �pag dalawang babae pala ang naghalikan, natuturn-on ang mga lalaki. Pero �pag dalawang lalaki ang naghalikan, hindi naman natuturn-on ang mga babae, worst, nandidiri sila. Biased, di ba? Kawawang bakla.
Pag ang mga lalaki nambabae, sasabihin �macho.� Pero pag namakla, �kadiri.� Kawawang bakla.
Pag ang bakla mukhang babae, maganda. Pero ang babae pag mukang bakla, pangit. Hahaha. Kawawang bakla.
Eto, talagang totoo. Pag ang baklang pa-girl malaki ang nota, alaskado siya sa mga kaibigan niyang bakla. Ang tomboy na pamin pag matambok ang pechay, kaiinggitan ng mga kaibigan niyang tomboy. Suwerteng tomboy, kawawang bakla.
Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tomboy at accepted ng family nila. Ang dami kong kaibigang Filipino-Chinese na tagong bakla. Yung iba umamin na lang noong patay na ang tatay nila. Kawawang bakla.
Pag may dumaan na bakla, sumisigaw ang mga batang kalye ng, �Bakla! Bakla!� Pero parang hindi pa ako nakarinig na sumigaw sila ng, �Tomboy! Tomboy!� Kawawang bakla.
Ang mga baklang nakadamit-babae, posibleng mabastos pag pumasok sa C.R. ng boys. Pag ang tomboy pumasok sa C.R. ng girls, okay lang na nakadamit-lalaki. Hindi kaya dahil lalaki lang ang nambabastos? Kawawang bakla.
Nabanggit ko na ito dati. Ang dami kong nakikitang tomboy na may ka-holding hands na babae. May nakita na ba kayong baklang hinolding hands ng boyfriend niya? In public, ha. Kawawang bakla.
Yung isang kaibigan kong tomboy, tuwang-tuwa daw ang tatay niyang sundalo nang malamang tomboy siya. Yung kaibigan kong bakla, binugbog ng tatay na sundalo nang malamang bakla. Kaloka. Kawawang bakla.
Pag ang anak na lalaki or babae masama ang ugali, ang tawag �black sheep.� Pag bakla ang anak na masama ang ugali, ang tawag �salot.� May kaibigan nga ako na mabait naman, salot pa din ang turing ng pamilya. Maryosep, kawawang bakla.
Kadalasan ang lalaki, kapag nakikipag-break sa girlfriend nila, kasi may ibang babae. Kapag ang lalaki, nakikipag-break sa bakla, kasi may ibang bakla or babae. Heto ang kakaiba, may kaibigan akong bakla, iniwan siya ng jowa niya kasi nag-born again. Ang say ni bakla, �Anong palagay niya sa akin, demonyo?� Kawawang bakla.
Ang batang lalaki �pag kumikendeng, sasabihin �bakla paglaki.� �Pag ang batang babae, macho kumilos, sasabihin ay �boyish� lang. Kawawang baklita.
Ang mga babae tuwang-tuwa �pag pumupunta sa gay bar. Ang mga bakla, kawawa sa pandidiri �pag pumunta sa girlie bar. Sure ako diyan. Sinama ako dati ng mga kaibigan kong lalaki, awang-awa ako sa sarili ko. Huhuhu.
Nakakatawa pero nakakasad yung joke na ito (buti na lang joke):
PARI: Ang mga bakla ay hindi makakapasok sa langit.
BAKLA: Ok lang �yon Father. Doon na lang kami sa Rainbow, magslide-slide.
Which made me think. Ang mga bakla lang ang makakaisip ng ganoon. Hindi na papasukin sa langit pero nakuha pang mag-taray at lumigaya sa pag-slide sa rainbow.
Dito sa Pilipinas, sa Quezon City na lang, tabi-tabi ang gay bar. Lesbian bar, may nakita ka na?
Alam niyo ba na may mga spa at massage parlor na para lang sa mga bakla? Bongga!
Walang baklang istambay. As in pang lalaki lang ang word na �yan. Yun nga lang, may baklang pusher at bugaw pero may trabaho pa din. Bihira ang baklang holdaper. Yung kumukuha na lang ng hindi kanila. May na-meet na akong baklang snatcher at akyat-bahay, at least, nag-effort muna sa pagtakbo at pag-akyat. Hahaha.
Ang word na �pink peso� ay dedicated daw sa pera na kinikita at ginagastos ng mga bakla.Madami daw bakla sa call center na pinapayagang mag-boses babae kasi boses babae talaga. I doubt kung madaming tomboy ang boses lalaki. Aminin.
May kaibigan akong tomboy na nag-commit ng suicide after iwan ng girlfriend. Ang mga bakla �pag iniwan ng jowa, mababaliw lang�iiyak�mag-e-emote�magkukulong sa kwarto�magluluto�magpapa-parlor��tapos may jowa na ulit. Taray! I should know.
Mas madaming bakla ang nanalo sa mga make-up at hair style competition. Oo naman.Ang mga bakla, may taste. Pag sinabi naming pangit, pangit talaga �yon. Pero pag sinabi naming maganda, ay maganda talaga �yon. May kaibigan akong lalaki. May pina-date sa akin na barkada daw niyang guwapo. Sa barkada nila, �yon daw ang pinaka-guwapo. Nang makita ko, ang naisip ko lang, �Diyos ko po! Ano pa itsura ng pangit sa barkada nila?� May barkada naman akong babae. Pinakilala sa akin yung manliligaw niya. Super guwapo daw. Pucha, pagkakita ko, napa-C.R. ako.
Ang mga bakla, masaya kasama. Maingay, nakakatawa at hindi boring.
Come to think of it. Hindi rin pala kami masyadong kawawa. Mga bakla, tara na sa Rainbow at mag-slide-slide in this particular order:
RED- Mga baklang pa-girl, operada at mukhang babae. Go, mga sisters!
ORANGE- Mga batang bakla. Slide na, mga anak!
GREEN- Mga paminta, mukhang lalaki, members ng guys4men.com. Slide na, mga pare!
YELLOW- Mga baklang may asawa at anak. You deserved to be happy. Slide na!
VIOLET- Mga baklang bisexual, dito kayo kasi alanganing red, alanganing blue. Go!
INDIGO- Mga baklang Diva at Mama. Halina mga sisters. Mama Ricky, kapit lang po mabuti. Sunod na po ako in a while.
BLUE- Mga baklang tago at ayaw umamin, dito kayo. Kahit hindi kayo umaamin, may karapatan din kayong mag-slide sa rainbow natin. Ingat lang sa pagtili at baka mabuking. Diyan kayo sa dulo para hindi mahalata ng bayan na nakikipaglaro kayo sa amin. Don�t worry, we understand. Alam ko, kawawa din kayo. Sssshhhh�.

Tuesday, August 11, 2009

CCP Complex

Hindi ko alam kung continuation nong gabi ang kwentong ito, nakakalito kasi, hindi kasi naka archives ang scrolls kaya mahirap ibalik ang nakaraan.

eniwiez, ganito yon, parang palabas, pagkatapos lumabas ng mga letra sa movie, makikita mo na kagad kung nasan ang scenario, davah? So, ang scene dito nasa CCP na kami, madilim, malamig, maraming tao, lalaki ba ito? or babae? oo... oo.. sagot ng kontestant sa Pinoy Henyo.

Bakit napunta sa pinoy henyo, kakaloka pala talaga magsulat ng kahit simpleng story kasi, lumalawak ang imahinasyon mo, at mapapagtagni-tagni mo ang bawat gulong ng palad ng mga tao...

Ilan ba kaming pumunta? isa-isahin ko, mga hindi tunay na namelets for safety purposes.

El Presidente - ang naghahari-harian at nagdudunong-dunungan. wa-e naman face value.

Makabayan - late bloomer, laging against the worlds at contradictory sa mga bading pero go namn ng go sa mga noshnosh, best supporting badesha pa sia.

ChesChow - inglesirang bayot na kamukha ni Stephen Chow nga sa Kungu Hustle, pati katawan pa yata, nakopya. in fairness magaling siyang mag inggles, with accent talaga, accent ng korean. nyaahahahahahaha.

Eu Kulot - meztisong baklang kulot, pakingsheet talaga ito, ang gwapo, makinis, maputi, matanggkad, pa-mhin ang putah, laging nakakahook ng mga pamintang durog. kaya tuloy sa relasyon niya, siyang ang laging bf, top.

Donatella - pero hindi siya kamukha ng fashion icon day, meron siyang sariling style, meron siyang kamukha, si Soxy topacio, pati pananalita at katawan,

Pink Palaka - ako yon mga chunga, kelangan pa bang idescribe? e maraming magtataas ng kilay... balikat pala...

El Presidente: O mga gurlzzz, wag na muna kayong rarampage, aalis lang muna kami ni Pink Palaka at babalik kagad, ok? wag maghahada hintayon nio kami.

so ganun ang napagkasunduan, may pinuntahan kami ni El Presidente, friendship daw niya, isang pocahontas at ang jowarzki, otawa (pulis) ng malate. iyong mga bakla nmn nakita kong kanya-kanya ng rampage, at di ko alam na magaganap ang kahindik hindik na pangyayari sa CCP.

Ilang minuto narin ang nakakalipas ng naisipan naming bumalik na sa CCP. Pagkababa namin ng jeep, sabay may sumalubong sa amin na badesha.

Badesha : Hoy iyong kasama niyo kanina, nahuli ng mga sekyo.

EP & PP: Anooooooo??? (sabay pa kaming nag chorus).

Itinuro ng badesha kung nasan, at nasa kulungan na raw, kaya kumaripas kami ng takbo dun sa itinuro ng badesha. Maraming tao sa labas ng presinto, mga nakikiusyoso, karamihan sa kanila mga bayot din na gustong maghanap ng panandaliang ligaya.

Nandun sa loob sina Kulot, Makabayan at Chow.

Sino ang nahuli? sino ang nakakulong? Umaalingawngaw na katanungan sa aking isipan.

Si Donatella, ang nahuli at ayon sa kwento, ito iyon, makinig...

Habang nagmamaganda si Donatella, rumarampage gamit ang kanyang mahiwagang abaniko, merong bumati sa kanya, isang lulurzki, nagkamabutihan, nagkayayaan doon sa madilim na lugar.

Nagulantang ako sa mga sumunod na hakbang ng mga badesha, kasi daw, sa halip na si D ang umawit siya ang inawitan ng 'Aawitan kita.... aawitan kita..."

Nakasandal siya sa makasalanang pader, nakababa ang pants at siyempre nmn pati ung undies, di ko knows ang brandname, pero im sure hindi iyon, bench, o penshoppe, or carter, kasi wala pa akong nakitang double extra large na size ng brief...

Sa kalagitnaan ng halinghing ng bayot at magsipsip ng talong, (masyadong censored naman ito).... HULI KA... gulantang ng isang sekyo sa CCP... caught in the act ang duwa. Hinawakan ng sekyo ang duaw pero nakahulagpos ang isa at nakatakbo ng matulin, kung matinik ay malalim.

Pero si D, walang kawala, di siya makatakbo, maliban sa mabigat ang katawan niyan, nakababa pa ang brief at pants niya.

Hila-hila siya papuntang Selda Nwebe, (nwebe kasi 9 years na itong naganap) at deretso sa kulungang bakal na subrang panghi at sikip.

D: Sheittttttttttttttt anong nangyayari sa akin....... bakit nangyari ito, nasan ang credit cards kooooo.. di ko dalaaaa...

Nagtutungayaw ngayon ang bakla. Nakadungaw lang ako sa kanya, nakasalampak sa sahig, inilatag ang dalang gown na blue para sa pamangkin un ni El Presidente. Parang hindi makahinga ng maayos si bakla dahil sa sobrang tension at kahihiyan narin siguro.

EP: Wag kang maingay jan, nangyari na iyan, sabi ko naman sa inyo na wag hahada hanggat wala kami.

Kulot: gusto raw kumuta kaya nagmadali.

Kinausap namin ang jailguard at aaregluhin nalang sana namin, e pare-pareho kaming mga walang pera, nasabi ko tuloy na iyong celefono ko nalang ang ibenta namin para pantubos.

Pero hindi parin sapat dahil ang hinihinging pantubos, 15 kiyaw.

PP: A.huwattttt??? san tayo kukuha ng 15 kiyaw? e itong celefono baka nga hindi pa aabot ng 5 kiyaw kahit nmn bago ito, e motorola pa, di kilala ng mga pinoyzki...

EP: Tatawagan ko si Otawa Malate, baka makatulong sia.

Tinawagan at dumating naman, kinausap ni Otawa si Jailguard, pero nagmumura ng lumabas ng presinto.

Otawa: Pucha EP, di mo naman sinabi na nabagansiya pala si badesha, napahiya ako dun.

Nakatitig lang ako kay Otawa, ayokong mag voilent reactions, at parang napahiya rin si EP. Oo nga naman, dapat inexplain muna niya kung ano ang dahilan sa pagkakulong ni D.

Napag-alaman din namin na ikukulong lang nmn daw ang badesha for overnight at pauuwiin na.

Walang bayad at walang kapalit, pero ang kapalit na natanggap ni D dahil sa kadahilanang gusto niyang makaquota, ang kanyang dignidad, reputasyon bilang teacher, sobrang kahihiyan.

Minabuti naming mag- split, babantayan namin si D sa selda nweve, naisipan namin ni EP na umuwi muna at magpahinga ng kunti at babalik kami sa selda para kami nmn ang magbantay.

Naiwan sina Kulot, CHow at Makabayan. Iyan ang tinatawag na ispiritu ng tunay na pagkakaibigan walang iwanan, thats what friends are for... Pero ngayon ewan ko kung meron pa bang ispiritu ang friendship... ewan, wag niyo akong tanungin, ewan.... di ko na alam...

Umaga na ng makarating ako sa bahay, tirik na ang araw, masakit sa mata, naisipan kong matulog kaya umakyat ako sa taas, sinara ko ang mga bintana at nilagyan ko ng mga kumot para madilim na madilim, di ako makatulog ng maayos kapag merong sinag akong nakikita.

Nakahiga na ako ng biglang tumunog ang aking celfono. text message, from Kulot.

"Nakalabas na si D, pauwi na rin kami, wag na kayong bumalik dito."

May namutawing ngiti sa aking mga labi ng malaman ko na nakalabas na siya, ng walang bayad, ganun nga lang daw iyon, ipaparanas lang sayo kung ano ang nararamdaman ng tao behind the cold, rusty bars of selda nweve, ang amuyin mo ng todong-todo ang panghi ng silid na iyon.

At tuluyan ng nawala sa mundo ang aking isipan at pumunta naman sa ibang dimensyon, ang panaginip.

Sana naman, kung nasan ka man ngayon DOnatella, alam kung buhay kapa, nang-uuto... ay mali, nagtuturo ng mga bata, para sayo at mula sa mga kaibigan mong nandito na sa UAE:

HAPPY...HAPPY ANNIVERSARY...

Ipaalala ba???


Monday, August 10, 2009

CCP Complex

Ang buwan na ito ang ika-siyam na taong anibersayo ng pagkakulong ng isa naming friendship dahil sa panghahada sa CCP Manila. Siyam ba o Walo? Basta buwan ng Agosto di ko sure ang araw, nang nagkaroon ng excitement ang buhay naming mga bayot.

The story goes like this… check it out.

Kinabukasan, ikinuwento sa akin ni El Presidente na dumayo sila sampu ng kanyang mga angkang mga bayot sa CCP, a night before a day, tama ba? Ibig sabihin, kagabi sila pumunta. Ikinuwento niya na ansaya-saya pala sa CCP tuwing gabi kasi maraming WALED(lalaki) na naglipana doon.

Doon sa madilim na bahagi ng CCP, maraming puno, walang ilaw, ibig sabihin maraming pwesto. Nainggit ako, minabuti kong sumama sa kanila kasi balak nilang bumalik, panalo daw ang mga badinggil dun, si baklang Chow (kamukha kasi ni Stephen chow ng Kungfu Hustle) nagmotel sila ng waled na pumik-ap sa kanya, at ito ang matindi, kasama si Baklang Makabayan sa kanila pero hanggang pinto lang siya ng Motel, para siyang look-out.

May bago akong celepono that time, padala ng sisterette ko from Taiwan, Motorola ang pucha, meron pang nakausling antenna.

Nang makarating na kami sa CCP, gulatz ako, marami ngang mga waled sa paligid-ligid nito ay puno ng linga, ang setting, rarampage ka sa sementadong lugar hanggang sa meron makasight sayo na waled at susundan ka.

Pero sa part ng script ni Pink Palaka, ako yon, ako ang sumusunod sa mga waled, stop, look and listen ang behaviour ko.

Sabi ng mga noshnosh(di ko knows spelling basta sounds like meaning bayot), kelangan daw magkaroon ng quota ang bawat isa sa amin, PakShet tlaga, perstaym ko kelangan kahit makaisa man lang ako. Pero daybreak na wala pa rin akong waled na natitiklo, ang balita ko si Kulot e nakabingwit na raw at nasa madilim na lugar na. si El Presidente nakikita kong sexy walkathon parin ang bayot.

Sabi ko sa sarili ko, pakkk… shettttt.. wala ako, di pala ako maganda, walang pumapansin sakin. Pink Palaka di pwedeng wala akong matikmang waled, chances are. May nakita akong lulurzki, sa may rebolto ni ano, nakaupo siya dun, nasa likuran niya ako and half lang ng body niya ang nakikita ko.

Paglapit ko, di pa nmn masyadong malapit, pakshet talaga, may sumususo na pala, naunahan ako ah. Kelangan pala dito mabilis ang bawat kilos mo. Lumayo nalang ako na sobrang hinayang, pers taym ni Pink Palaka pero wa epek ang ganda, siguro nga palaka ang echura ko kaya walang lumalapit.

Umupo ako sa putol na kahoy, hoping and praying, nakita ko si El Presidente, palapit pero sinenyasan ko ang bruhita na wag lumapit. Lumayo nmn ang lolo mo.

After few minutes, abaaaaaaaaa, me lumapit kay Pink Palaka, kwentuhan ng kunti, nanginginig-nginig pa ang Pink na Palaka.

Forgot ko na ang conversation namin, basta ang remembrance ko, nilalaplap na niya ang leeg ko, at ako panay hagod sa ulo niya.

Me naramdaman akong jumejetlag sa pagitan ng mga hita ko, at mas lalong jumetlag ng biglang dakmain ng waled ang burayrat ko. Ilang segundo ding ganun ang eksena ng biglang nagulantang ako na sa pagdilat ko nasa harapan namin si El Presidente.

PAKSHET… bigla akong lumayo, parang napahiya.

“Bakla uuwi na tayo, umaga na.” sambit ni El Presidente.

“Ano ba, kauumpisa lang namin, uuwi na kagad, mamaya na.” pagdedeliryo ko.

“Bakla, sisikat na ang araw, kelangang makauwi na tayo bago tayo masikatan.”sabi uli niya.

“Mamaya na, patapusin mo muna kami, ngayon lang kami nagsisimula.” Sabi ni Pink Palaka.

Pero walang balak lumayas ang hitad kaya tumayo nalang ako at nagpaalam sa lulurzki.

Nasa bus na kami, di ko makalimutan ang eksenang iyon, kung kelan nasa stage of explosions na biglang magyaya naman ng uwian. Hindi ako nakaquota, pero malamang si El Presidente hindi rin siguro nakaquota kahit holding hands lang.

Pero mas exciting ang sumunod na pagpunta naming sa CCP. Ang tunay na kahalagahan ng ika-siyam na anibersaryo ng pagkakulong!

Sunday, August 9, 2009

EAT BULAGA

Naloka ako kagabi nong mapanood ko ang EAT Bulaga, Birit Baby Edition. replay nlang sa amin.

Intro ng EB, kumanta si Geneva,at napag-alaman ko na dati pala siyang Ms. Little Philippines 1984, Dindi Llarena, napanood ko siya nong manalo siya bilang Ms. Little Philippines 1999, at naging mainstay pa yata siya ng EB at SOP noong tiyanak palang sia.

Nandun rin si Rachelle ann Go, finalist pala siya ng Birit Baby, at si Ciara Sotto, di ko siya care, di ko siya like, pacute lang amputah!

Si Sheryn Regis nandun din? ano bang nangyayari kay bisdak enday Sheryn? baka mag-ala shadow cat siya at tatagos lang siya sa ober da bakod?

Ang ikinagulat, ikinamangha, at ikinaloka ni Pink Palaka, iyong mga contestants na mga bata, particularly mga lalaki.

Lumabas kasi ako't kumuha ng waterloo, pakshet talaga, naabutan kong ngumangawa na si enday Sheryn ng kanyang masterpiece na Come in out of the rain. Dahil sa birit baby ang contest, talagang birit baby ang mga patotoy, as in "sa manlulupig di pasisiil" ang 5 octave pitch.

Pumapaimbabaw ang mga matitinis na boses ng mga batang yagit na patotoy sa pagkanta ng come in out of the rainnnnnnn.... lalo pang tumaginting ang kani-kanilang mga boses ng magjoinsters na silang lahat at birit kung birit ang labanan.

Naisip ko, sa apat na batotoy na contestant, sino kaya ang susunod sa yapak ni Anton Diva?

Sino ang gagaya kay Vice Ganda? kay Teri Onor? siguro kung hindi lang ipinagpatuloy ni Pink Palaka ang makapagtapos ng kolehiyo at masterin ang magbilang ng numero ng walang humpay, baka isa si Pink Palaka na magagaya.

Si Pink Palaka kasi, hindi man kasing yaman pero kasing ganda naman... uuuuuyyyyyyyyyy may nag-tataas ng kilay at balikat..........

Sa panahon kasi ngayon na puno ng diskriminasyon at panlilibak, juskoday, wag ka ng magbakla kung di ka marunong bumirit ng mga kanta ni Mariah Karey, Whiteny Yustoun, at ang walang kamatayang "I'll be......"(as in pause talaga, sabay paimbabaw ng kanang kamay at sabay bagsak ng mabilis) wehiting por yuuuuuuuuuuuhu, deep insyd my hart..." knows niyo na kung sino siya.

Abkors, kung gusto mong maging sikat, kelangan maganda ang katawan, merong face value, ung hindi nagdedepreciate ha!

Saturday, August 8, 2009

LAUGH OUT LOUD

COURTESY OF MY FRIEND ... QUAIO

Happy Weekend! J

Makabagong kasabihan: Kagandahan edition

1 ) Para sa magaganda: "aanhin mo ang ganda, kung wala ka namang papa." (oo nga no. sad life, sad evening, sad days)

2 ) Para sa gustong magpaganda/retokada : "kung gusto mong lumandi, tiisin mo ang hapdi"(nagpalagay lang po ako ng braces at wearlalu ng contact lense para gumanda akech)

3 ) Para sa mga feeling magaganda: "talbog ang matigas na tinapay sa tigas ng mukha ng nagmamagandang inday" (hahahaha, no comment)

4 ) Para sa mga walang ganda: "mabait man daw at magaling, ang chaka-chaka pa rin" (sana super duper bait nlang siya kahit chuck-chaka dolls siya at least wala siyang maririnig na kapintasan sa mga laitirang bading)

5 ) Sabi ng bading : "Walang matinong lalake sa malanding kumpare" (pa-ayaw ayaw pa sila pero kumakadjot nman ang puwet)

6 ) Isa pa : "Aanhin mo ang guwapo, kung mas malandi pa sa iyo?" (uso ngayon yan, sila-sila, kami-kami, pakshet!)


Isang tanong:

T: Ano ang pinakamasakit na maramdaman kung matanda na tayo?
S: 'Yung paggising mo, tapos, pagtingin mo sa tagiliran, matanda rin ang iyong katabi.


Mga PAMATAY na HIRIT.. (bwehehehehe)

"Kumain ka ba ng asukal? Ang tamis kasi ng ngiti mo!"

"May lahi ka bang keyboard? Type kasi kita!"

"Ipapupulis kita! Ninakaw mo kasi ang puso ko!"

"Are you a dictionary? Kasi, you add meaning to my life."

"Meron ka bang lisensya? Kasi, you drive me crazy."

"I lost my number. Can I have yours?"

"Angel ba ang name mo? Kasi, you look like one."

"I forgot your name. Can I call you mine?"


PAMATAY na REPLY:

"Excuse me, kumain ka ba ng mais? Ang corny mo kasi!"


7 tips para maiba naman ang araw mo:
1. Sikmuraan ang unang taong kasalubong at humingi ng sorry.
2. Uminom ng pampatulog labanan ito, magexercise.
3. Tibagin ang bahay gamit ang kutsara at buuin muli.
4. Himatayin kunwari sa daan, tiyaking may tao.
5. Tahiin ang puwet at magpatingin sa doctor.
6. Kurutin ang nakababatang kapatid pagkatapos unahan mong umiyak.
7. Makapagtitigan sa isda. Huwag titigil hanggat hindi ito kumukurap…


Ang KULET!!!!

JEEP PASSENGER: manong bayad.
JEEP DRIVER: saan galling?
JEEP PASSENGER: sa akin.
JEEP DRIVER: papunta saan?
JEEP PASSENGER: sayo.


Ibang Klaseng Doktor:

Babae: Doc, kumusta na ang asawa ko?
Doc: Sorry ma'am. Mula ngayon, ikaw na ang magpapakain at magpapaligo sa kanya, kasi, putol na ang kanyang mga kamayat paa.
Babae: Hah?! Hindi nga?!?
Doc: Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!


Sintomas ng PINOY LOVE:

As if walang pakialam pero deep inside, worried na… miss na miss na...

Pag nag-text, "So what?" daw Pero later, magre-reply rin naman.

Pa-erase-erase pa ng number kunwari pero… hello… memoryado naman 'yung number .

Kapag hindi tine-text ng bf/gf niya, kunwari, na-wrong send para magpapansin.

Ayaw mag-text pero nagtatanong sa barkada ng bf/gf niya kung kumusta na.

Haaayy… LOVE nga naman sa Pilipinas, oh… pang-adik!

Monday, August 3, 2009

Red Horse

Another day in Paradise... but doesnt feel a paradise here.

Its a hell, I may say, 40 degree celcius, heatwave, humidity is rising, air is like a breath of a dying person, airconditioning doesnt really give me comfort of coolness and chills.

Hayyyyyyy mainit sa mundo ng desyerto. Lalo pang nag-iinit ang ulo ko dahil sa mga nakikita kong hindi kaaya-aya sa paligid, mga naririnig na hindi maganda sa pandinig, at mga nabubuong haka-haka sa isip na talaga namang nakakapagpakulo ng aking red blood cells that flows thru all my veins.

Anyway, masakit ang ulo kanina, feeling dizzy, at nasusuka. Mukha ba akong buntis? naglilihi na? 9 months na kami pero di parin kami makabuo, bakit kaya? E kami nga ni baluga, 3 years hindi nakabuo kahit fetus na mukhang alligator.

Its not the reason for my uncomfortable feeling this morning. Naglasing po kami sa bahay. Hindi ko alam kung ilang tadyak ang ginawa ng pulang kabayo sa akin kaya ako nagkaganun.

Basta ang alam ko ang huling tadyak nya ay siyang nagpaigtad na aking sikmura, nagpatulog sa aking kawalan.

Gabi na dumating sina Donna at Tonette sa villa naming malinis, malaki at maganda, dahil of course friendly kami sa bahay, chit-chat muna kaming three, si Leon Guerrero, nanood lang ng Orbit, baka natulog narin kasi its past 11pm. At ang lalaking nagpatibok ng aking kepay at laging laman ng kwentuhan kahit sadako pa roon, natutulog narin.

Dumating rin si Diosa, ang tunay na diosa ng ras al khaimah...kwentuhan, tawanan, burautan, echusan, laitan, pero never kaming nanlait ng ibang tao na wala that time, hindi namin isinali ang ibang tao na wala that time, at hindi namin inisip na gawing pulutan ang ibang tao na wala that time, basta kami-kami lang, masaya ang ganung buhay.

Pano di sasaya, maraming kapintasan ang bawat isa sa amin. Si Tonette, half-filipino, half-chinese, half-moon, at parang half-blood prince ang dating, lahat half. Lagi kong sinasabi sa kanya, "Tonette wag ka ng maglagay ng chinchansu, di uso dito yan, kelangan natural beauty ang lalabas sa atin."

Si Diosa, parang si sharon cuneta raw, malaman, matambok, at mahangin.

Ako? mas maraming kapintasan, alam ng nakakarami yan.

Si donna, siya ang tinaguriang Tambunting Pawnshop, lending institute, rtw, at atm machine.

di ko alam kung bakit RH lang ininom namin at di karamihan,e nabangenge ako ng bonggang-bongga.

Naalala ko pa, nagluto si tonette ng sunny side up, at si diosa lang daw ang umubos. at si habibi ko, taga flash ng inodoro dahil suka ako ng suka.



Thursday, July 30, 2009

Words

I have always been accused... people tends to believe that it was me, but basically NOT me, who is telling unnecessarily words or a statement that could lead us to war on words, war on chats, war on blogs..

Dahil sa mapanirang bibig ng ibang tao, laging ako ang nasasadlak sa alanganin, dahil narin siguro nakikita nila ang pagkakataong nawawala na sa amin, sa akin, sa kanya, ang tunay na kahalagahan ng isang tao, kaya gumagawa sila ng ilang eksena para siraan ang bawat isa sa amin...

I will stand for what I have done, i have said, and what i believed... that i'd never judge the book by its cover unless i've go through it.

And the real beauty is not what you wear everyday, regardless of skin color... real beauty comes within your heart, and on your mind,

You do not have to measures your beauty according to money and wealth, but measures it according to your deeds...

Saturday, July 4, 2009

kantahan

Balak naming magsimba ng first friday of the month, it was announced last friday of last month that Fr. Zacky will be leaving in UAE dynasty and will be assigned in Kingdom of Bahrain.



Mass for filipino communities done now in every first and last fridays of the month, it starts 12:00 PM. Everybody likes Fr. Zacky just the way he delivers his messages after reading of gospel of the Lord.



Marami talagang napapatawa, natutuwa, binabase niya lahat ng sermons niya on actual events about what he hears, sees, and interacted.



Pero ang nangyari dahil dito...(sabay pause at mega click ng add image)
sa mga alak na ito, nagising kami ni Art ng 11:55 am ng friday morning, kaya di na ako nakadalo ng huling mass ni father Zacky. Pagdating ni Donna galing ng simba...

"Manding, ba't di mo ako ginising para makapagsimba?" tanong-sisi ko sa kanya.

"Mga tulog pa man mo, manding, kabalo man ko nga hubog mo gabii," paliwanag niya.

"Sinonn bakla ang nandun?" tanong ko ulit.

"wala. ako lang ang nag-iisang reyna dun."

"di ba nagsimba si M, si Ugat Luna, at ang dalawang magjowang Al & El?" tanong ko ulit.

"wala ang mga bayot, si M, 24 hours ang duty, si Ugat Luna, hindi nagparamdam, si El lang ang nakita ko dun, wala si Al, baka war ang mag-asawa, alam mo nmn ung tito mong tiburcio." pahayag ni donna.

nasa kusina kami ni donna habang nagkukwentuhan ng biglang tumunog ang Nokia touch screen kong cellphone, "Right na...na...na..." (ring tone ko) "Ms. Iligan..". sabi ng mobile ko..."Ms. Iligan... ulit ng lalaking nakaprogram sa mobile ko kapag may tumatawag sakin at binabanggit kong sino ang tumatawag.

"O, bakit?" sagot ko sa phone...

"....,...... ..... ................. ................." sabi ng nasa kabilang linya.

"o sige, bahala kayo." sagot ko sa kabilang linya.

".....,,,,......,,,," patuloy ng nasa kabilang linya na si Ms. Iligan.

"oo nga, pumunta kayo..." padabog kong sagot. sabay, "ok, bye."

"sino yon gha?!" tanong ni Art na nakahiga parin sa kama.

"sina Ms. Iligan at si Egu, pupunta daw dito, videoke daw at maliligo sa beach around 6:pm" pahayag ko.

"sasama kaba?" patay-malisyang tanong ni Art.

"Natural, tayo nga ang maliligo." may pagkayamot kong sagot.

Sa madaling salita, dumating na ang panauhin, at gising narin si Art at Leon. nakapagluto narin ako ng sinigang ng hipon, at meron akong inihandang "kuyog" maliliit na isda na parang ginawang bagoong, hindi siya "ginamos" ng mga bisaya dahil buong-buo pa ang mga maliliit na isda, di tulad ng ginamos na halos sabaw nlang.

pagkatapos namin kumain, pinatugtog ko na ang Mediacom at nagsimula na kaming magkantahan, unang kumanta si Leon, inaalay sa akin, para daw sa nalalapit kong pagbabago...

ang title ng awitin niya...Celebrate, Jesus, celebrate.. naisipan kong kunan sila ng video,



si leon (nakahubad) kasi ang tipong di naniniwala na may diyos, mahilig sa rally, at galit na galit sa gobyerno lalo na kay gloria.

si EGU (with blue shawl) ang bagong salta sa lugar namin, galing ng Oman, nag exit at hanggang ngayon naghahanap parin ng trabaho.

(antagal palang magprocess ng video, huh!)

at ito pa ang matindi, nagmistulang MG (Miss Gay) ang room ko dahil nag ala-candidates sina donna at Egu. kung ano-ano nlang ang nadampot at ginawang accessories sa katawan.

napakasaya talaga pag mga bading ang mga kasama mo...



habang kumakanta ako ng "go the distance" ni michael bolton, lumalabas na pinaghalong national costumes at evening gown ang competition.

enjoy watching...