Naloka ako kagabi nong mapanood ko ang EAT Bulaga, Birit Baby Edition. replay nlang sa amin.
Intro ng EB, kumanta si Geneva,at napag-alaman ko na dati pala siyang Ms. Little Philippines 1984, Dindi Llarena, napanood ko siya nong manalo siya bilang Ms. Little Philippines 1999, at naging mainstay pa yata siya ng EB at SOP noong tiyanak palang sia.
Nandun rin si Rachelle ann Go, finalist pala siya ng Birit Baby, at si Ciara Sotto, di ko siya care, di ko siya like, pacute lang amputah!
Si Sheryn Regis nandun din? ano bang nangyayari kay bisdak enday Sheryn? baka mag-ala shadow cat siya at tatagos lang siya sa ober da bakod?
Ang ikinagulat, ikinamangha, at ikinaloka ni Pink Palaka, iyong mga contestants na mga bata, particularly mga lalaki.
Lumabas kasi ako't kumuha ng waterloo, pakshet talaga, naabutan kong ngumangawa na si enday Sheryn ng kanyang masterpiece na Come in out of the rain. Dahil sa birit baby ang contest, talagang birit baby ang mga patotoy, as in "sa manlulupig di pasisiil" ang 5 octave pitch.
Pumapaimbabaw ang mga matitinis na boses ng mga batang yagit na patotoy sa pagkanta ng come in out of the rainnnnnnn.... lalo pang tumaginting ang kani-kanilang mga boses ng magjoinsters na silang lahat at birit kung birit ang labanan.
Naisip ko, sa apat na batotoy na contestant, sino kaya ang susunod sa yapak ni Anton Diva?
Sino ang gagaya kay Vice Ganda? kay Teri Onor? siguro kung hindi lang ipinagpatuloy ni Pink Palaka ang makapagtapos ng kolehiyo at masterin ang magbilang ng numero ng walang humpay, baka isa si Pink Palaka na magagaya.
Si Pink Palaka kasi, hindi man kasing yaman pero kasing ganda naman... uuuuuyyyyyyyyyy may nag-tataas ng kilay at balikat..........
Sa panahon kasi ngayon na puno ng diskriminasyon at panlilibak, juskoday, wag ka ng magbakla kung di ka marunong bumirit ng mga kanta ni Mariah Karey, Whiteny Yustoun, at ang walang kamatayang "I'll be......"(as in pause talaga, sabay paimbabaw ng kanang kamay at sabay bagsak ng mabilis) wehiting por yuuuuuuuuuuuhu, deep insyd my hart..." knows niyo na kung sino siya.
Abkors, kung gusto mong maging sikat, kelangan maganda ang katawan, merong face value, ung hindi nagdedepreciate ha!
Sunday, August 9, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment