Wednesday, August 12, 2009

Paolo B


Napangisi ako pero ang utak ko humahalakhak habang nanonood ng Eat Bulaga, Pinoy Henyo segment. Kung meron daw mahiwagang alog, meron ding mahiwagang dukot. Ano kaya ibig sabihin nun? Hmmm, mukhang me ibig sabihin sina Joey at Vic dun. Pumipili kasi sila kung sino ang papasok sa tube, kung saan aantayin niyang mabuhusan ng tubig na may gelatin na iba-iba ang kulay.

Vic : (habang hawak ang rectangular na maliit na kahoy kung saan nakasulat ang pangalan ng magiging biktima) Uy! (nakangisi) lalaki ba ito?

Joey : (sumilip sa kamay ni Vic) Pwede… pwede…

Naghiyawan ang ibang host ng EB sa pag-aakalang si Allan K ang tinutukoy, tumayo ang kawawang baklang pambansang ilong.

Vic : babae ba ito?

Joey : Pwede…pwede…

Hiyawan ulit ang mga audience at ang ibang host, kahit ako rin, convincing power na rin na si Allan nga iyon.

Pero ng pinakita ni Vic sa madla, nakasulat ang pangalan ni Paolo.

Dun ako napabunghalit ng tawa, ako lang mag-isa sa bahay kaya nagpapapadyak pa ako sa tuwa.

Waahahahahahahah… confirmed si Paolo na baklaaaaaaaaaa.

Napahiga sa sahig si Paolo, tinakpan ang mukha at nakaangat sa ere ng pantay ang dalawang paa. di ko alam kung sa sobrang hiya or dahil sa siya ang papasok sa tube.

Kahit nmn ako, kahit alam kong bakla ako, kapag binibiro ng ganun, mamumula ako mag-iinit ang tenga ko, at parang gusto ko ng matunaw sa hiya, lalapit ako sa nagsalita or nagpahiya sa akin ng nakangisi at sabay sampal ng malakas sa mukha niya, sabay walk-out.

Sino ba kasi ang makakapagpapatotoo sa isang tao kundi ang mga taong araw-araw mong nakakasama, malamang isa sa kanila doon, shoulder to cry on ni Paolo, like si Ruby Rodriguez,

E diba nga matagal ng napabalita iyang si PB na katribo ng PLUs? Lalo na’t ginampanan niya ang isang villain bakla sa Zaido non? In fairness, maganda siya doon, panalo ang beauty, at ang kutis, kering keri.

Pero pinangalandakan niya na lalaki siya, at ipinakilala pa sa puting madla ang kanyang girlfriend at anakiz niya.

Crush ko si PB kaso hanggang dun lang ako, never pa akong nakalapit ng isang artista lalo na crush ko, di nmn kasi ako mahilig makipagpatentero sa mga nag-aamoy pawis na mga fans makalapit lang sa idols nila.

Ang pagka-come out ay Parang kanta yan e, “It’s not a time to make a change, just relax take it easy.”

Ang paglaladlad ng kapa sa puting madla ay pana-panahon, pinaghahandaan, pinag-iisipan, hindi basta-basta nlang na aarangkada at rarampa sa pulang karpet. Kinukonsidera ang mga taong nakapaligid sa mabaho at mausok na urbanidad, ang kannilang sasabihin, ang kanilang aksyon na gagawin.

Tulad ni BB Gandanghari, pinag-isipan, pinaghandaan, kaya naman vonggang vonggang ang kanyang “coming out of the rain.” Napakalapad ng pulang karpet na inilapag para sa kanya.

Sino kaya ang susunod na magsasabing nagpupumiglas ang kapang nakatago sa kani-kanilang likod? At gusto ng ilugay at ipangalandakan na isa siyang reyna, prinsesa, senyora, at kung anek-anek pang label ng isang pagkababae?

Matagal ko ng inaabangan si Eric Q. si Uma Khouny kaya??? or si Raymond G. lagot ako kay bisaya...

Kelan kaya maglaladlad si PINK PALAKA? Waaaaahahahahahahahahaha….

No comments:

Post a Comment