Hindi ko alam kung continuation nong gabi ang kwentong ito, nakakalito kasi, hindi kasi naka archives ang scrolls kaya mahirap ibalik ang nakaraan.
eniwiez, ganito yon, parang palabas, pagkatapos lumabas ng mga letra sa movie, makikita mo na kagad kung nasan ang scenario, davah? So, ang scene dito nasa CCP na kami, madilim, malamig, maraming tao, lalaki ba ito? or babae? oo... oo.. sagot ng kontestant sa Pinoy Henyo.
Bakit napunta sa pinoy henyo, kakaloka pala talaga magsulat ng kahit simpleng story kasi, lumalawak ang imahinasyon mo, at mapapagtagni-tagni mo ang bawat gulong ng palad ng mga tao...
Ilan ba kaming pumunta? isa-isahin ko, mga hindi tunay na namelets for safety purposes.
El Presidente - ang naghahari-harian at nagdudunong-dunungan. wa-e naman face value.
Makabayan - late bloomer, laging against the worlds at contradictory sa mga bading pero go namn ng go sa mga noshnosh, best supporting badesha pa sia.
ChesChow - inglesirang bayot na kamukha ni Stephen Chow nga sa Kungu Hustle, pati katawan pa yata, nakopya. in fairness magaling siyang mag inggles, with accent talaga, accent ng korean. nyaahahahahahaha.
Eu Kulot - meztisong baklang kulot, pakingsheet talaga ito, ang gwapo, makinis, maputi, matanggkad, pa-mhin ang putah, laging nakakahook ng mga pamintang durog. kaya tuloy sa relasyon niya, siyang ang laging bf, top.
Donatella - pero hindi siya kamukha ng fashion icon day, meron siyang sariling style, meron siyang kamukha, si Soxy topacio, pati pananalita at katawan,
Pink Palaka - ako yon mga chunga, kelangan pa bang idescribe? e maraming magtataas ng kilay... balikat pala...
El Presidente: O mga gurlzzz, wag na muna kayong rarampage, aalis lang muna kami ni Pink Palaka at babalik kagad, ok? wag maghahada hintayon nio kami.
so ganun ang napagkasunduan, may pinuntahan kami ni El Presidente, friendship daw niya, isang pocahontas at ang jowarzki, otawa (pulis) ng malate. iyong mga bakla nmn nakita kong kanya-kanya ng rampage, at di ko alam na magaganap ang kahindik hindik na pangyayari sa CCP.
Ilang minuto narin ang nakakalipas ng naisipan naming bumalik na sa CCP. Pagkababa namin ng jeep, sabay may sumalubong sa amin na badesha.
Badesha : Hoy iyong kasama niyo kanina, nahuli ng mga sekyo.
EP & PP: Anooooooo??? (sabay pa kaming nag chorus).
Itinuro ng badesha kung nasan, at nasa kulungan na raw, kaya kumaripas kami ng takbo dun sa itinuro ng badesha. Maraming tao sa labas ng presinto, mga nakikiusyoso, karamihan sa kanila mga bayot din na gustong maghanap ng panandaliang ligaya.
Nandun sa loob sina Kulot, Makabayan at Chow.
Sino ang nahuli? sino ang nakakulong? Umaalingawngaw na katanungan sa aking isipan.
Si Donatella, ang nahuli at ayon sa kwento, ito iyon, makinig...
Habang nagmamaganda si Donatella, rumarampage gamit ang kanyang mahiwagang abaniko, merong bumati sa kanya, isang lulurzki, nagkamabutihan, nagkayayaan doon sa madilim na lugar.
Nagulantang ako sa mga sumunod na hakbang ng mga badesha, kasi daw, sa halip na si D ang umawit siya ang inawitan ng 'Aawitan kita.... aawitan kita..."
Nakasandal siya sa makasalanang pader, nakababa ang pants at siyempre nmn pati ung undies, di ko knows ang brandname, pero im sure hindi iyon, bench, o penshoppe, or carter, kasi wala pa akong nakitang double extra large na size ng brief...
Sa kalagitnaan ng halinghing ng bayot at magsipsip ng talong, (masyadong censored naman ito).... HULI KA... gulantang ng isang sekyo sa CCP... caught in the act ang duwa. Hinawakan ng sekyo ang duaw pero nakahulagpos ang isa at nakatakbo ng matulin, kung matinik ay malalim.
Pero si D, walang kawala, di siya makatakbo, maliban sa mabigat ang katawan niyan, nakababa pa ang brief at pants niya.
Hila-hila siya papuntang Selda Nwebe, (nwebe kasi 9 years na itong naganap) at deretso sa kulungang bakal na subrang panghi at sikip.
D: Sheittttttttttttttt anong nangyayari sa akin....... bakit nangyari ito, nasan ang credit cards kooooo.. di ko dalaaaa...
Nagtutungayaw ngayon ang bakla. Nakadungaw lang ako sa kanya, nakasalampak sa sahig, inilatag ang dalang gown na blue para sa pamangkin un ni El Presidente. Parang hindi makahinga ng maayos si bakla dahil sa sobrang tension at kahihiyan narin siguro.
EP: Wag kang maingay jan, nangyari na iyan, sabi ko naman sa inyo na wag hahada hanggat wala kami.
Kulot: gusto raw kumuta kaya nagmadali.
Kinausap namin ang jailguard at aaregluhin nalang sana namin, e pare-pareho kaming mga walang pera, nasabi ko tuloy na iyong celefono ko nalang ang ibenta namin para pantubos.
Pero hindi parin sapat dahil ang hinihinging pantubos, 15 kiyaw.
PP: A.huwattttt??? san tayo kukuha ng 15 kiyaw? e itong celefono baka nga hindi pa aabot ng 5 kiyaw kahit nmn bago ito, e motorola pa, di kilala ng mga pinoyzki...
EP: Tatawagan ko si Otawa Malate, baka makatulong sia.
Tinawagan at dumating naman, kinausap ni Otawa si Jailguard, pero nagmumura ng lumabas ng presinto.
Otawa: Pucha EP, di mo naman sinabi na nabagansiya pala si badesha, napahiya ako dun.
Nakatitig lang ako kay Otawa, ayokong mag voilent reactions, at parang napahiya rin si EP. Oo nga naman, dapat inexplain muna niya kung ano ang dahilan sa pagkakulong ni D.
Napag-alaman din namin na ikukulong lang nmn daw ang badesha for overnight at pauuwiin na.
Walang bayad at walang kapalit, pero ang kapalit na natanggap ni D dahil sa kadahilanang gusto niyang makaquota, ang kanyang dignidad, reputasyon bilang teacher, sobrang kahihiyan.
Minabuti naming mag- split, babantayan namin si D sa selda nweve, naisipan namin ni EP na umuwi muna at magpahinga ng kunti at babalik kami sa selda para kami nmn ang magbantay.
Naiwan sina Kulot, CHow at Makabayan. Iyan ang tinatawag na ispiritu ng tunay na pagkakaibigan walang iwanan, thats what friends are for... Pero ngayon ewan ko kung meron pa bang ispiritu ang friendship... ewan, wag niyo akong tanungin, ewan.... di ko na alam...
Umaga na ng makarating ako sa bahay, tirik na ang araw, masakit sa mata, naisipan kong matulog kaya umakyat ako sa taas, sinara ko ang mga bintana at nilagyan ko ng mga kumot para madilim na madilim, di ako makatulog ng maayos kapag merong sinag akong nakikita.
Nakahiga na ako ng biglang tumunog ang aking celfono. text message, from Kulot.
"Nakalabas na si D, pauwi na rin kami, wag na kayong bumalik dito."
May namutawing ngiti sa aking mga labi ng malaman ko na nakalabas na siya, ng walang bayad, ganun nga lang daw iyon, ipaparanas lang sayo kung ano ang nararamdaman ng tao behind the cold, rusty bars of selda nweve, ang amuyin mo ng todong-todo ang panghi ng silid na iyon.
At tuluyan ng nawala sa mundo ang aking isipan at pumunta naman sa ibang dimensyon, ang panaginip.
Sana naman, kung nasan ka man ngayon DOnatella, alam kung buhay kapa, nang-uuto... ay mali, nagtuturo ng mga bata, para sayo at mula sa mga kaibigan mong nandito na sa UAE:
HAPPY...HAPPY ANNIVERSARY...
Ipaalala ba???
Tuesday, August 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment