Thursday, November 12, 2009

HONESTY is such a lonely word...

Im just being honest to my partner right now, he seems we're finally getting there to the end of road.

Kapag dalawa lang kami sa room, while watching TV, he always utter on what will i do when he transfer in other place.

I just said, live a normal life. Balik sa dating gawi, enjoy with friends.

Nalungkot siya sa mga narinig, parang binubudburan ng pamintang durog ang nagdurugo niyang puso.

Hindi iyon ang gusto niyang marinig, alam ko.

Ilang beses niya akong tinanong kung maghahanap parin daw ako ng magiging partner.

Taus-pusong kong sinabi, BADING ako, hindi mawawala sa akin ang maging makati, maghanap ng saya, pero sinabi ko rin sa kanya na hinding hindi na ako makikipagrelasyon lalo't makipag live-in.

Tama ng isang beses, at ayoko ng ulitin.

Pinangako nalang niya sa akin, na hinding-hindi siya magbabago, hindi ako iiwan kahit saan man siya naroroon, kami paring habambuhay.

Magiging kami kahit saan man kamin mapadpad kung iyon ang kapalaran namin.

Pero ayoko lang isipin na kahit malayo siya sa akin at baka magbilang ako ng taon bago magkita ulit, ayoko namang mangako sa kanya na hindi ako manlalalaki.

Hahanapin ko ang nakagawian ko na, pero sinabi ko sa kanya na hindi ako makikipagrelasyon.

Siya ang una at huling gagapos ng aking puso at damdamin.

Masakit marinig ang katotohanan.

2 comments:

  1. :( at least nagpakatotoo ka dba kase mahirap yung iba yung sinasabi sa ginagawa

    ReplyDelete
  2. gurl kuwidaw ka bka kainin mo ang sinabi mo..basta have fun..

    ReplyDelete