Thursday, October 1, 2009

Change

Gusto ko ng mabago ang life ko.

Grabeng hirap sa puso, isip at damdamin ang naranasan ko nitong 2009.

Malaking pera na nawala sa akin na di ko alam kung saan napunta, hanggang ngayon pera parin ang kinakaharap kong problema. Nitong taon lang, isang paluwagan kasama ang isang buwang suweldo, isang annual leave kasama ang isang buwang sweldo, at me darating na namang paluwagan at isang buwang sweldo.

Baka nga siguro kailangan ko ng magbago. Magpakatotoo. Magmahal at magpatawad.

Pero alam kong maraming nagmamahal sa akin, may nagmamahal sa akin, ng walang kapalit.

Ngunit iba ang kahulugan ng pagmamahal na nakikita nila, bakit hindi sila maniwalang wagas na pag-ibig ang iniaalalay niya?

Siguro kailangan ko ng magbago. Tahakin ang tamang daan, iwasan ang nakakabighaning kasalanan, iwanan ang masalimuot na kapalaran.

Ilang buwan narin kaming hindi nag-uusap ng sister ko na nasa Dubai, simple lang, ayaw niya sa lalaki ko, pero pinaglaban ko iyon.

Iniwasan ako ng mga kaibigan ko, dahil sa lalaki ko, pero ipinakita kong mas masaya ako sa piling niya. At hindi rin ako kasing yaman at kasing ganda nila.

Deadma ako sa mga dati kong kasama sa bahay, ilang beses narin akong lumipat ng bahay, dahil sa lalaki ko, pero ipinakita kong hindi ang lalaki ko ang dahilan sa lahat ng nangyari.

Mahigit sa isang dosena ang email add ko, sa yahoo, hotmail, gmail, at marami akong networking accounts na sinalihan, friendster, facebook, netlog, blogger, rogers, at myspace. Gusto ko isa nalang.

Saan ba talaga ako pupunta? Ano ba talaga ang gusto ko? Gusto kong maging isang ganap na nilalang. Isa ang patutunguhan.

Saan ako pwedeng magsimula, at ano ang dapat kong wakasan?

Habangbuhay nalang ba akong ganito?

1 comment:

  1. I cant relate to this. Its a torture when you dont know where to go at hindi pwedeing ganito nalang habang buha. Gusto mo ba talaga ng pagbabago? If you have time please visit this site, www.bagongpagasa.org, tawagan mo sila if you need it, may mga phone # naman, change is not impossible, you will see na mas fulfilling if may patotongohan ang ginagawa mo... good luck sayo...

    ReplyDelete