Nagulat ako sa pagbaba ko para maglunch sa buffet. me nakahandang malaking pagkain sa gitna at nandun din si Sheik Faisal, ang CEO at isa sa mga may ari ng Free Zone. Iilan pa lang ang tao, at sa pagkamangha ko kung anong pagkain iyong nakahain, kinunan ko muna ng pictures kasama si Sheik.tinanong ko ang waiter kung anong pagkain un at kung anong okasyon meron, isa raw itong baby camel with beryani rice. ito ang pagkain ng mga sheiks at royal family ng middle east particulary UAE, kapag merong special occasions, gatherings, kasal, etc.
at malalasap mo lang ang tunay na sarap ng isang baby camel kung nakakamay kang kumain, by this time, di pwede kasi nasa office day at maraming darating na mga panauhin.

nalaman ko rin na isang selebrasyon ito para sa mga freezone staffs (lang! di kami kasama, investors lang kami) dahil sa bagong titulo nila na "the new emerging free zone in UAE".
pero dinig ko sa kasama ko sa table, "we dont need any recognition, we will appreciate, but we are interested on increments." pahayag niya, aanhin nga nmn niya ang new emerging free zone kung di nmn sapat ang kinikita or kulang ang pasweldo nila di tulad sa mga nakaouti at itim na nakaupo lang, at walang alam at wlang ideas kung ano ang trabaho nila, pero tiba-tiba nmn ang sahod, kawawa parin ang mga expatriates.
bawal daw kumuha ang hindi staff ng freezone, kaya, i asked bert to get some for me so i can taste the baby camel, malinamnam, matabang nga lang, pano kaya nila niluto un ng buong-buo?
maya-maya lang nagsidatingan na ang mga staff ng FTZ para kumain, at halos mapuno ang buong area dahil sa mga PG(patay gutom) na mga staffs. me picture taking with sheik, pinikchuran pa nga ang table namin, e hindi nmn kami kasali sa lamunan nila, nakihingi lang kmi...
Halos sumambulat ang tiyan ko at parang mapapatid ang butones ng polo ko dahil sa sobrang kabusugan at sa dami ng nakain ko.
sa panahon ngayon, di na kelangang tanggihan ang grasya na pinamimigay na. kaya ang tanong ko, kaya ko bang magpaliit ng tiyan? kaya ba ng gym yan? or kelangan ko ng ng tamang disiplina sa pagkain...
No comments:
Post a Comment