Thursday, July 2, 2009

Western Body Builders

“girl samahan mo naman ako sa gym, gabi na kasi pumupunta ang mga bakla, ayoko naman ng masyadong gabi na umuuwi, me pasok pa kasi kinabukasan, kung gusto mo mag gym ka na rin para mabawasan nmn ang tiyan mong super bulate na.”

Nasa parlor kami ni Donna habang nangungulit sakin si M na samahan ko raw siya sa pagegym. Dito sa saloon din ang tambayan namin pag wala kaming magawa sa buhay kasama si Ugat Luna. Ito rin ang naging pahingahan namin pagkatapos ng gym bago umuwi ng kanya-kanyang bahay.

Ilang araw narin niya akong pinapakiusapan dahil wala siyang kasama lalo’t puro Indians at Pakistani ang mga nagpapalaki ng katawan, at ang mga bading nga’y gabing gabi na kung maggym.

“ayoko ko talagang mag gym, girl, malalaki na mga braso ko at pag tumigil ako, lalong lalaki ang katawan ko at lulubo at ayokong matulad kay Mama Ida.” Mabilis na di ko pagsang-ayon sa gusto ni M. Si mama ida ang pinakamatanda sa aming magkakaibigan, malayo siya sa amin at lingguhan siya kung dumalaw . sa bahay namin ni Donna natutulog ng isa hanggang 2 gabi.

“tsaka wala akong anda ngayon, purita zobel ang sistah mo at di ko talaga wiz ang magpalaki ng katawan.” Patuloy ko.

“GAGA!, di nmn tayo magpapalaki ng katawan, magpapaliit lang tayo ng tiyan, tignan mo yang tiyan mo, nakakadiri na.” halos mayanig ang buong saloon ni donna sa lakas ng pagkakasambit ng “gaga’ ni M sa akin. “Oo matagal na akong gaga”, nasambit ko sa isip ko, sabay irap kay M.. may dahilan kung bakit gaga ako, at mas maraming alam si M tungkol sa mga kagagahan ko.

“sige na samahan mo na ako, ako magbabayad, samahan mo lang ako.” Pangungulit niya.

Nang marinig ko ang katagang siya ang magbabayad, naisip ko, why not? Chuknot… hindi nmn araw-araw pupunta at ayon nga sa kanya pagpapaliit ng tiyan ang focus namin. Pero, masarap kumain, kasi, wala rin ang pagpapaliit ko ng tiyan kung kumain akoy lamon naman, kung meron nga lang mabisang diet pills na isang laklakan lang e liliit na kagad ang tiyan ko, irerekomenda ko tlaga ng siyento porseinto kay M para matigil na ang pangungulit sakin na magpasama sa GYM.

Di ba nakakadegrade sa life ko na pupunta ako ng gym pero siya ang magbabayad? Para namang minaliit ko ang sarili ko na talagang di ko kayang magbayad. Dahil nga siya nmn ang nag-alok ng ganun, kaya ang ending napasama na ako sa kanya at isang araw, ito ang buhay namin sa gym.



Hila dito, hila doon, yuko , yuko at yuko parin. Habang si M ay parang tangang bangon-higa, higa-bangon, ano kaya kung umuwi nlang kami at mahiga siya for life ?at ako nmn ay yumuko forever? Wag nmn, malay niyo merong mabago sa buhay namin kapalit ng paghihirap naming ito…

Naisip ko akala ko pagpapaliit ng tiyan lang e mas marami ang ginagamitan ng braso. Iba ibang laki ng bareta at bilog na bakal, sino ba kasi ang nakaimbento ng ganitong gawain?

Masakit na ang tiyan ko pero kelangan ko raw makagawa ng 30-50 times na yuko-yuko-yuko, ek-ek na yan. Hayyyyyyy hirap ng magpaliit ng tiyan, sabagay ika nga beauty is pain. Siguro kaya beauty ako dahil marami akong pain, sa puso sa isip at spiritwal.


Sa ngayon, ilang beses narin kaming pumunta para sa yuko-yuko-yuko moment na yon, nagustuhan ko narin at sa kadahilanang lagi kaming shining star sa gym, maraming lalaki, maraming tagahanga, at sinusuot ko talaga ang maiiksing shorts ko para makita nila na isa akong diosa na bumaba mula sa kaharian ng desyerto. hindi naman sa lahat ng araw ng pumupunta kami, siya nagbabayad minsan ako rin ang nag-aabot. Minsan nga, tinutulungan ko pang hanapin sa wallet niya ang perang ipambabayad.

“san mo ba kasi isiniksik yong pera? para ka kasing laging ninanakawan jan sa wallet mo, kung saan-saang sulok ng wallet nakatago ang kayamanan mo.” Sambit ko habang nagmamasid sa kanya na halos mawarat na sa kabubulatlat. Napapangiti lang ang baklang M, sabi niya M stands for maganda, masarap, makati, malandi, mayaman.

Uy bakla, kung mababasa mo man ito, ikaw ang me sabing makati ka, malandi, at masarap ka, ang sabi ko nmn isa kang mayaman, di ko alam kung sino ang nagsabi na maganda ka. No comment na ako dun, kasi kung lalaki ang pagbabasehan, maganda ka ngang tlaga.


After I have finished writing this blog, my laptop goes black, as in black ang screen, black lahat ksi black nmn kulay nito. I asked to myself, “wha’ happen?” why the power is gone?”. Nataranta ako, kasi andami ko ng naisulat, at pag nagsulat uli ako, di ko na maalala ung iba at magbabago ang settings, as story lines, ang dialougues, etc…

Ang siste, battery empty pala ang laptop, nakakabit nman ung cord ng kuryente pero hindi naka – switch on ang power supply ang pinesteng extention wire. Giatay talaga, gusto kong magmura, magwala, at basagin ang screen ng laptop ko, ang tanong ko. Bakitttttttttttttttttttttttt?? As in gigil na gigil ako.

In-on ko na muna ang extention wire at ung laptop, safe mode daw, magtatagal pa to, kaya mega hit the strikes ako sa keyboards para di na magchecking ng discs ek-ek ever. Buti nlang narecover, naretrieve ko siya, tamang term sa computer, kaya tuloy ang ligaya, namutawi ang mga ngiti sa mga labi ko. At matutulog narin ako kasi meron isang kampon ng aswang na nakaabang sakin na kanina pa nang aasar na matulog na raw kami. Ang song na gusto niya, “sa pagtulog mahal, sana’y laging sabay tayo.”

END!!!

No comments:

Post a Comment