Wednesday, August 19, 2009

Birit Bading

Birthday ni Will jowa ni Donna last monday.

Napagkasunduan na magcelebrate sa marumi at mabahong villa at invite ang lahat ng mababaho at maruruming badings at friendship... ayyyy mabaho at marumi ba talaga... sila?

Inihaw na isda at baboy ang pinagkaabalahan ni Will, si Donna pansit bam-e, ako naman, buttered shrimps with garlic and ginger.

Marami akong narinig na kapintasan sa niluto ko, kesyo daw sobrang anghang at parang ayaw raw magpakain, pero ang nangyari mas nauna pang naubos ang shrimps ko.

Hmmmp, if I know, namiss lang nila ang luto ko...

Newiez in the seven seas, unang dumating si Al T'boli me kasamang beauty queen, di nia kasama ang kanyang misis, nag-inarte daw... sabi lang nila.

Nasa loob kami ng kwarto with Art, nanonood ng something sa tv. sumungaw si Al at pinakilala si Dr. Nat, ang beauty queen niyang kasama, bago lang siya, 3 months lang, at take note isa siyang doctor pero ang work niya, purchasing marketing sales at kung anek-anek pa. doktora siya ng mga libro at pagtuturo, teacher pala siya, phd. MA, professional teacher, yan si Dr.nat.

Mabait, masayahin, walang kaarte-arte, unang pagkikita palang namin, magaan na ang loob ko, ganun naman ako e, di ako mapili sa friendship, kahit nga mataray na bading madali kong makagaanan ng loob, kasi mataray din ako. hahahahha...

Well, dumating pa ang ibang mga panauhin, after having dinner pumasok na sa kweba ang mga bading at bumirit ng mga kantang pambirit...

Naisip ko, dapat pala mag-organize ng singing contest ang mga filipino community dito sa siudad na bundok?

Pero ang mga sasali mga bading, kasi dito palang, puro bading na ang bumibirit... at dumarami ang populasyon ng bading dito sa siudad.

ang title ng pagtatagisan ng talento ng mga bading...Birit Bading... videoke ito!

Im sure maraming sasali dito.

2 comments:

  1. neng. masakit sa mata ang blog mo. font color. o font size. o font mismo. ewan. basta masakit sa mata, nakikita mo pa rin mga letra kahit nakapikit ka na.
    isa pa ung pagkalahad. walang buhay. sensya na. honest comment lang for the betterment of the country. delete mo na lang comment na to after reading

    ReplyDelete
  2. @ adsfasd

    thanks for your views, magbasa ka nlang ng magbasa hanggang sumakit ang mata mo,
    you can write anything you want, its your opinion anyway.
    o di kaya, ignore my blogs kung ayaw mo sa mga kwento ko.

    ReplyDelete