Friday, January 8, 2010

Avenida Motel

Tinawagan ko ang number ng besfren ko, hindi sumasagot.

Tinawagan ko ulit. Sumagot, at ito ang conversation.

Ulan: "Ang kapal ng mukha mo, buti nakakatulog ka pa sa ginawa mo."

@eL9: "Sino po sila?" (boses belat)

Ulan: "Magnanakaw ka ibalik mo ang celphone ng kaibigan ko."

@3L9: "Bigay lang po ito ng kuya ko, di ko po alam."

Ulan: "Oo, bigay sa iyo iyan dahil hinoldap ng kuya mo ang kaibigan ko."

Biglang pinatay ang celphone.

Hinarap ko ang besfren ko at naglitanya.

Ayon sa kwento niya, naholdap daw siya sa avenida ng kung sinong demonyo, kinuha ang celphone lang naman, pero hindi ang wallet kaya siya nakauwi pa ng buhay.

Hinila niya ako, umupo kami sa couch at ikinuwento niya ang lahat ng nangyari at ito iyon.

Mahilig gumala ang BF ko ng mag-isa lalo na sa maynila.

Napadpad siya sa avenida, sa madaling salita may nakilala siyang lalaki, pareho silang naliligaw... naliligaw na kaluluwa na naghahanap ng kaniig.

Gabi na raw noon, sa madaling salita, umupa sila ng motel, siyempre si BF ang taya, siya yata ang nagyaya.

Pagpasok nila, sa pinto palang, binalahura na ang kaibigan ko, nilapirot, nilamukos, sinibasib ng halik.

Hindi pumalag ang bakla, sa halip, unti-unti niyang hinuhubaran ang lalaki.

Medyo mabuto, brown ang kulay, at mukhang construction worker.

Iyon ang mga katangiang kinababaliwan ng bf ko, kaya siguro hindi na nag-atubili ang baklang magmotel.

Pareho na silang hubad, palitan ng laway, lapirutan ng nipples, at sukdulan kung sukdulan ang paghimod ni bf sa kargada ng lalaki.

Maya-maya pa'y pinatutuwad na siya at gusto na ng lalaking masukat ang lalim ng kanyang pagnanasa.

Hindi nagdalawang isip ang bakla, tumuwad at naramdaman ang sakit at hapdi na gumuhit sa kanyang pagkabakla.

Hindi pa nakuntento ang lalaki at sinabing doon daw sila sa couch tumambling.

Pumayag naman ang bakla, pero habang tinutungo nila ang couch, hindi parin inaalis ng lalaki ang kargada na nakapaloob sa kanyang pagkabakla.

Para silang magkadikit na kangaroo, sapu-sapo ni bakla ang puwet ang lalaki para hindi matanggal ang pagkakadikit.

At yapos-yapos naman siya ng lalaki sa tiyan para siguruhing huwag humulagpos ang pagkakadantay ng kanilang mga hubad na katawan.

Doon nila nilasap ang sarap ng kanilang makasalanang pagnanasa.

At doon nila isinambulat ang tunay na init ng pakikipagtalik.

Pagod ang bakla. Dahan dahang tumayo. Kinuha ang mga damit, at nagsuot.

Ang lalaki, hubad parin, naninigarilyo. Pagkaganun, nandidiri sila sa ginagawa nila.

Nagpapaalam na ang bakla.

BF: " Salamat ha?!"

LLK: " O, ang bayad."

BF: " Huh? wala sa usapan natin iyan ah."

Nagulantang ang lalaki sa narinig, kinuha ang upuan, akala ng bakla ipupokpok na sa ulo niya, iniharang sa pinto at tumayo doon na nakapatong sa upuan ang kanang paa.

LLK: "Anong akala mo sa ginawa natin, Thank you lang?" galit ang namutawi sa mukha ng lalaki.

Biglang natakot ang bakla, nayanig sa narinig, hindi niya akalaing ganito hahantong ang lahat.

Walang nasabi ang bakla kundi, "Wala akong pera, ako na nga ang nagbayad ng motel."

LLK: "Ano???(malakas ang boses ng lalaki), niyayaya mo ako dito, wala ka palang pera."

BF: "E wala talaga akong pera, anong magagawa ko."

LLK: "Celphone mo. Alahas."

BF: "Wala akong alahas."

LLK: " Iyang celphone mo ok na yan."

BF: Hindi pwede, bigay sa aking ito ng kuya ko."

LLK: "Anong gusto mong mangyari?" sumigaw na ang lalaki, lumapit sa kanya at hinablot ang hawak niyang nyelfon.

LLK: "Samsung? Anong klaseng nyelfon to, baka nga di pa ito mabenta ng isandaan."

Walang nagawa ang bakla kundi hayaang ibigay ang nyelfon, kesa naman mabugbog o mapatay at maheadline sa tabloid kinabukasan. "BAKLA PATAY SA MOTEL, WALANG PAMBAYAD SA LALAKI."

Hindi alam ni BF kung pano siya nakalabas ng buhay sa motel, at kausap ako ngayon.

Ulan: "leche ka bf, akala ko pa naman na talagang naholdap ka,"

BF: "Iyan kasi ang pinalabas ko kay kuya na naholdap ako sa maynila."

Ulan: "Mirisi, kasi sa sobrang kakatihan mo. Pano iyan, wala ka ng nyelfon."

BF: "Yaan mo bibigyan daw ulit ako."

At ilang araw lang me bago na namang nyelfon ang bf ko, isang Nokia 3210.

No comments:

Post a Comment