Nakakalungkot dahil unti-unting kaming nababawasan, ngayon, dalawa nlang kami ng secretary ang maiiwan. Pero patuloy parin kaming magkakaroon ng communication ni Edwin, siya ang primary assignatory ng branch.
Ang bago niyang assignment? Sa Nigeria. He asked me if I want to join him in Nigeria. But I said, No, Thanks, I love my office. (next time ipi-feature ko ang office workplace ko)
Dalawa nlang kami ni Chantelle, pero sa pamumuno parin ng mga big bosses namin na nasa Qatar. Para sakin, literal na big boss kasi talaga namang malalaki sila.
Dahil sa allowed kaming magdala ng isang partner, siyam na bilang kaming pumunta sa dubai, kaya umarkila kami ng van, sa kagustuhan narin ni Edwin na sabay-sabay kaming pumunta.
In short nakarating na kami sa Le Meridien, Dubai. Sukhothai Restaurant, gusto kasi nila ng thai food.
Habang abala ang karamihan sa menu list, kinunan ko muna sila ng pictures, kasunod ang mga pagkaing inihain sa amin na talaga namang hindi mo aayawan.

Si Ms. Iligan ang isanama ko sa party, siya yong naka blue dress, kasunod si chantelle katabi ang kanyang habibi, sa gitna si Edwin at ang asawa niya. Huwag niyo ng usisahin kung bakit hindi si Art ang isinama ko, simple lang, me pasok siya hanggang 8:00 pm, umalis kami sa lugar namin ng 6:00 pm.

Ito ang unang pagkaing sinerve sa amin, huge prawn with fried chicken wrapped in pandan leaves. Dahil sa gutom na ako, naubos ko to lahat, e kung sa bahay nga lang to, baka pati katas ng ulo ng prawn, di ko iisnabin.

Habang kumakain na kami, nag side-order ako ng margarita. Okay rin ang lasa pero mas lamang yata ang tonic water at lemon juice kesa sa vodka, kaya di ako masyadong tinamaan after 4 glasses of order. Nagreklamo ako ng panghuli kong order dahil napasobra yata ang asin.
O baka namang sinadya yata nilang idildil ang bunganga ng kopita sa gabundok na iodized salt. Take note, di uso ang rock salt sa Middle East.
After dinner, picture taking muna kami bago umuwi na sa kabundukang desyerto. Past 12:00 na ako nakauwi sa bahay, hinatid kami ng boyfriend ni chantelle na si Kurt.
Ngayon, iniisip ko, dalawa nlang kami ni Chantelle, kung isa sa amin ang aalis, pano naming ise-celerate ang dinner party? One on one? pair by pair? Parang double date ang mangyayari.
Pero malamang matatagalan bago mangyari iyon, kasi, kahit dalawa nlang kami, patuloy parin kaming makikipaglaban sa buhay. Hanggat pumapasok ako sa office, hanggat meron kaming computer sa bawat table namin ni chantelle, patuloy parin akong magsusulat para i-publish sa blogs ko.
Hehehehehe….
lungkot ako... hindi ko na maaamoy na mabaho ang office ni sir kasi di na siya pupunta... huhuhuhu
ReplyDelete